Chapter 14

22 4 0
                                    

CHAPTER 14
Let's be friends

"Kahit kailan talaga ay mapanakit ka sa 'kin," angal niya habang marahang minamasahe ang pisngi na siya yatang matinding natamaan.

Umirap lamang ako sa kaniya habang naka-krus ang braso. Itinukod niya ang magkabilang kamay sa kama na nasa likuran niya bilang suporta sa pagtayo.

Namumula ang pisnging napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Tangina. Lalo kasing gumanda ang katawan niya sa paningin ko nang mabanat ang braso niya.

Santisima, Thea! Galit ka sa lalaking 'yan.

"Why do you always avoid my eyes, babe. Ang ganda-ganda nga ng mata ko eh. Asset ko rin' to."

Nakaupo na siya sa kama paglingon ko ngunit wala pa ring suot na pang-itaas. Hindi man lang ba niua naiisip na may kaharap siya ngayon at babae pa?

And what, asset? Naalala ko na naman ang sinabi niya noong isang araw na asset niya ang buhok niya. Pati pala mga mata ay asset niya rin. Sabagay, mukha naman nga.

Go back to your senses, Thea! Hindi ka niya fangirl, why do you have to praise him?

"Magdamit ka nga," inis na ani ko, bagay na ipinagpapasalamat ko nang masabi nang hindi nauutal.

Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng kuwarto niya. Malinis tingnan ang dingding sa kulay puting pintura nito. Ang king size bed na nasa gitna ay pinaghahatian ng kulay puti at itim. Sa gilid ng kama niya, sa may kanan, ay may kulay puting cabinet kung saan sa ibabaw nito ay naroon ang lamp at ilag picture frames.

Sa kaliwang bahagi ng kama ay nasa tabi nito ang isang study table na mayroon ding lamp. Malinis tingnan lalo na at maayos ang pagkakasalansan ng mga gamit niya.

Mayroon din siyang sala set sa may gilid kung saan nakaharap ito sa nakakabit na tantiya ko ay nasa 72 inches na TV. Wow. Nakakalula ang isinisigaw na karangyaan ng kwarto niya.

May walk in closet sa 'di kalayuan at sa gilid nito ay may isang pinto, banyo na siguro iyon. May isang malaking painting na nakasabit sa may dingding at gaya ng mga nasa pasilyo ng bahay nila ay konektado ito sa kalikasan.

For the second time, wow. Puro wow na lang yata ang alam kong expression.

"Nalibot mo na ng tingin lahat, babe?"

Napatigil ako sa pagkikilatis ng paligid nang magsalita si Kerby. Pagharap ko sa kaniya ay nakabihis na siya ngayon ngunit ang nakakaloko niyang mukha ay ganoon pa rin.

Unti-unti na namang namuo ang inis sa loob ko. Auto-kulo na yata talaga ang dugo ko kapag nakikita ko siya.

Inirapan ko lamang siya bago lumapit sa puwesto niya kanina at pinulot ang bag ko. Pagkasakbit ko noon ay saka ko siya hinarap.

"Mukha namang okay ka na kaya aalis na 'ko," ani ko na ikinalaki ng mata niya.

"Hala! Binibisita mo ba 'ko, babe, kasi may sakit ako? Ayieeh! Nag-aalala ka 'no? Hindi mo naman agad sinabi sa 'kin," nanunuksong aniya.

Isa na namang kalokohan ang lumalabas sa bibig niya. Kailan ba siya titigil?

Dahil malapit lang naman siya sa akin ay madali kong naabot ang buhok niya. Walang pagdadalawang-isip ko iyong hinala kahit pa narinig ko ang pag-aray niya.

Ephemeral Bliss | ✔Where stories live. Discover now