Chapter 16

13 3 0
                                    

CHAPTER 16
Call

"So, sa UST mo pangarap mag-aral sa college? Saan? Sa main camp?"

Nag-usap kami tungkol sa gusto ng isa't isa hanggang sa mapunta sa usapang college. Bumuntong-hininga muna ako bago ibuka ang bibig para sa pagsagot.

"Yeah, dream school ko 'yon."

Doon kasi nagtapos ng pag-aaral si Papa sa kursong Engineering. Sa pagkakatanda ko ay doon din sila nagkilala ni Mama dahil tourism student siya roon.

"Ano bang balak mong i-pursue? Business?"

Binalingan ko siya ng tingin bago umiling. "Education ang kukuhanin ko, major in Mathematics."

Gumuhit ang pagkamangha sa mukha niya dahil sa naging sagot ko. Agad ding kumurba ang ngisi sa mga labi niya.

"Woah! Master ka pala sa Math, babe. Dapat sa 'yo na ako magpaturo kaysa sa mga kaklase kong mas marunong pa ako. For sure, may matututunan ako sa 'yo."

Napairap na lang ako. Baka ang maliit na pisi ng pasensiya ko ay mas lumiit pa dahil sa kaniya. Huwag na lang!

"Mag-self study ka na lang," sabi ko na saka nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Eh? Self-study won't work on me, babe. Mas gusto ko 'yong collaborative, mas madali akong matuto sa gan'on. Try me... i-tutor mo 'ko para malaman mo."

Tumayo pa siya at naglakad papunta sa harapan ko. Natatakluban tuloy ng katawan niya ang tanawing kanina ko pa pinagmamasdan.

Bakit ba ang kulit niya?

Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay nakasimangot siya sa akin na parang aping-api.

Parang bata!

"Mapanakit ka na naman, babe..."

Bahagyang umawang ang labi ko sa sinabi niya. Mapanakit? Ako? Na naman? Bakit?!

"Tigilan mo nga 'yan."

"Ang alin?" takang tanong niya.

"Ang pag-iisip bata mo. Nakakairita na," ani ko.

Mas humaba pa ang nguso niya kasabay ng paghalukipkip ng braso sa unahan ng dibdib. Mataman niya akong tiningnan na agad ko namang iniwasan ng tingin.

"Ganito talaga ako, babe. Parte 'to ng charms ko. Palibhasa hindi mo na-a-appreciate kung gaano nakaka-fall ang attitude ko," mayabang na sabi niya.

Agad na umasim ang mukha ko sa sinabi niya. Heto na naman siya sa walang sawang pagyayabang.

"Much appreciated ko ang attitude mo at kung paano niya pababain ang pasensiya ko."

Hindi ko alam kung gets niya bang sarkastiko ako nang sabihin ko iyon. Ngumisi lang kasi siya na parang tuwang-tuwa pa.

"You appreciated it naman pala, eh 'di napo-fall ka na sa 'kin?"

Tinapunan ko lamang siya ng masamang tingin bago irapan. He's blabbering nonsense things.

Itinuon ko na lamang muli ang atensiyon ko sa unahan. Sa bandang gilid na lang ako tumingin dahil nakaharang pa rin siya sa gitna. Hiyang-hiya naman ako na paalisin siya dahil baka sabihin niya na namang mapanakit ako.

Ephemeral Bliss | ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang