Chapter 12

15 3 0
                                    

CHAPTER 12
Kerby's story

“Ang cute mo noong bata, babe. Pwede ka sanang child star, bakit ‘di ka na lang nag-artista?”

Agad kong pinalo ng hawak kong hanger ang kamay ni Kerby na nakahawak sa isa sa mga picture frame ko na nakapatong sa may cabinet.

Kanina pa siya naglilibot sa bahay at abala sa pagtingin sa mga picture ko. Kanina ko pa rin siya hinahampas para patigilin ngunit immune na yata siya at hindi ko magawang pigilan.

“Anyway, it is much better na ‘di ka nag-artista,” aniya saka humarap sa akin nang nakangisi. “Eh ‘di sana hindi kita nakilala. Ayieeh! Kinikilig ka ‘no?!”

Umamba pa siyang susundutin ako sa tagiliran nang hindi ko tigilan ang paghampas sa kaniya ng hanger. Lumalagitik ang bawat hampas ko sa kaniya na alam kong masakit talaga.

Kanina niya pa ako iniinis at kulang pa sa kaniya ang paghampas ko. Isa siyang malaking abala at panira ng buhay. Leche!

“Aww! Babe! Kanina ka pa. Pinupuri ka na nga eh. Aray!”

Itinigil ko ang paghampas sa kaniya saka inabot ang tuwalyang nakasampay sa may sofa. Inihagis ko iyon sa kaniya na saktong tumama sa mukha niya.

“Dumiretso ka diyan sa may kusina pagkatapos ay lumiko ka sa kanan, naroon ang CR. Kompleto ang utilities doon.”

Tumalikod ako sa kaniya para magtungo sa kwarto ko sa itaas.

“Bakit hindi na lang sa CR mo, babe? Wala naman akong gagawin na masama ah.”

Pumihit ako paharap sa kaniya nang nanlilisik ang mata. May sira ba sa utak ang lalaking ito?

Halata sa mukha niya na tuwang-tuwa siya sa pagkainis ko. The way he smirks to my reaction irritates me more.

Buong pwersa kong inihagis sa kaniya ang hanger na hawak ko, bagay na hindi niya inaasahan kaya sumakto sa ulo niya. Tangina niya, buti nga!

“Siraulo!” sigaw ko bago padabog na nagtungo sa aking kwarto.

Umuulan pa rin hanggang ngayon, ‘di hamak na mas malakas sa bugso ng ulan kanina. Sabi sa balita ay tatagal pa raw ng dalawang araw ang low pressure na ito.

I was left with no choice but to let Kerby stay here for tonight. Bukas na bukas ay palalayasin ko rin siya. I can’t stand to be with him for a long time.

First, he’s a stranger. Malay ko ba kung may criminal record siya at isang masamang tao. Second, he’s annoying. Third, I hate him. Kung hindi lang ako nakokonsensiya ay pababayaan ko siya sa labas.

Pwede ko naman siyang bigyan ng pera pang-hotel kaya lang ay magkukulang ang pera ko. Wala naman akong dala na malaking halaga kanina. Ngayon naman, kahit mabigyan ko siya ay hindi na siya makakaalis dahil wala ng bumabiyaheng sasakyan.

Malas. Sobrang malas at kasumpa-sumpa talaga.

Pero ano pa nga bang magagawa ko? It’s just a one night of enduring the sight of him. It’s not like I’ll die if I see him.

Kumuha ako ng damit na pamalit na maaaring isuot ni Kerby. Black sweat pants na hindi ko pa nasusuot at isang white over size shirt. Lahat iyon ay bago na hindi ko pa nasusuot.

Pagbaba ko ay naliligo pa rin siya. Kumatok lang ako sa pinto at sinabing nasa labas ang damit na pwede niyang isuot. Pinatong ko iyon sa isang silya sa labas ng pinto.

“Pwede mo namang ipasok, babe. Pumikit ka na lang dahil ‘di pa ako ready na mapanood mo ng live show,” aniya sa loob sabay halakhak.

Hindi ko na lang pinansin ang kalokohan niya. Nagtungo na ulit ako sa kwarto para maligo at makapagbihis. Nilalamig na kasi ako at nangangati na. Baka mamaya ay magkasakit pa ako nito.

Ephemeral Bliss | ✔Where stories live. Discover now