End

35 2 8
                                    

END

Noon pa man ay takot na takot na ako sa mga bagay na sa tuwing mamahalin ko ay bigla na lang mawawala sa 'kin. Ayokong maramdaman ulit iyon kaya naman pilit kong inilayo ang sarili ko sa lahat.

I became a self-centered version of my self. I became this quiet and aloof to other people. I don't make friends nor let someone to be closed to me. I don't want to be attached with someone.

Masyadong unfair ang tadhana at alam na alam ko iyon. Subok na subok — tipong saulado ko na kung paano siya magpaikot ng buhay.

Mula sa pagkamatay ni Papa at pag-iwan sa akin ni Mama, itinatak ko na sa isip kong hindi ko dapat hayaan ang sarili kong magpaalipin sa tadhana. Na sa bawat taong ilalapit sa akin ay ako na ang lalayo para hindi sila masaktan gayundin ako.

Kung kinakailangan kong mamuhay na mag-isa, malayo sa lahat at walang kaibigan, kakayanin ko. Nakatakot na maging rason na naman ako para sa pagkawala ng mga napapalapit sa 'kin. Ayoko nang ganoon.

Pero, ewan ko nga ba. Kahit anong iwas ko ay hindi ko pa rin talaga matatakasan ang pagdating ng isang tao na siyang tumulong sa akin na makaahon at magbago ang pananaw sa buhay.

He became my light in this dark world. Sayang nga lang dahil hindi pa rin talaga nakatadhana na manatili ang tulad niya sa tabi ko.

Agad kong pinahid ang luhang namalisbis sa pisngi ko. Palagi na lang akong ganito, nakakasawa nang umiyak.

Anim na taon na ang nakalipas, pero parang kahapon lang ang lahat. Nandito pa rin 'yong sakit nang pagsampal sa akin ng katotohanan na wala na siya at anumang napagsamahan namin sa alaala ko ay hindi totoo.

Mahirap ang naging buhay ko pagkatapos noon. Para akong ibinalik sa dilim na pinagpupugaran ko noon bago ko siya makilala. Hindi ko alam kung saan na ba ako magsisimula ngayong wala na siya. O mas tamang sabihin na hindi naman talaga totoo ang lahat.

Mama and Ate Chona helped me to live each day. They became my strength, which I'm very thankful. Hindi nila ako hinayaan na mag-isa at pilit na inintindi sa pinagdaraanan ko.

May pagkakataong napapanaginip ko ulit siya. Pero hindi na tulad noon na nakakapag-usap pa kami, ngayon ay ang nakangisi niyang mukha ang siya lang nakikita ko.

Gusto ko siyang makausap ulit. Kahit pagpapasalamat man lang, gusto ko sanang maipaabot sa kaniya.

Salamat sa pagiging kaibigan ko. Salamat sa pagtulong sa akin. Walang sawang pasasalamat sa lahat-lahat nang memoryang ipinabaon niya sa akin.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa naiisip. Hanggang kailan ba ako magiging ganito?

Mahigpit akong napakapit sa pumpon ng rosas na hawak ko dahil sa pagsimoy ng malamig na hangin. Ang mga punong matatayog na nasa hilid ng kalsada ay nagkaniya-kaniyang sayaw sa nais na ritmo. Habang ang berdeng-berdeng damo na sumasakop sa buong lugar na kinatatayuan ko ay mas nagsitingkaran pa.

Ipinagpatuloy ko ang paghakbang patungo sa pakay ko sa lugar na ito. Ibibigay ko lang itong bulaklak, pagkatapos ay aalis na rin ako. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay siya namang pag-ring ng cellphone ko.

Nang tingnan ko kung sino iyon ay bumungad sa akin ang pangalan ni Denise. Agad kong sinagot ang tawag saka inilapat sa may tainga ang telepono.

"Oh?" bungad ko.

"Sis! Where na you? Dito na us. Sobrang tagal mo super," matinis ang boses na aniya.

"Saglit lang ako."

May lakad kami ngayong tatlo nina Denise at Jea — lakad ng magkakaibigan. Yes, they beame my friends. Natakot man ako nang maiwan ulit, pero hindi 'yong naging dahilan para sumuko ako at manumbalik sa pag-iisip lang sa sarili ko.

Mas tumibay ang pagkakaibigan namin nang sabay-sabay kaming nakapasok sa UST. Sa iisang dorm lang din kami nanirahan kaya naman mas nakilala ko silang dalawa.

Pinatay ko na ang tawag ni Denise at ibinulsa na lamang muli ang phone ko. Mas binilisan ko sa paglalakad dahil kung matatagalan pa ako ay paniguradong maririndi ako sa sermon ni Denise mamaya.

Nang matanaw ang maliit na lamparang pinintahan ng magkahong maroon at dilaw, alam kong malapit na ako. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalapit sa siyang pakay ko.

Agad kong inilapag ang dala kong bulaklak saka hinawi ang ilang tuyong dahon na tumatabon sa marmol na parisukat. Sa paghawi ay saka ko lang nasilayan ng buo ang nakasulat dito, pagkatapos ay tipid na napangiti.

Kerby I. Salvacion

September 24, 2000 - May 16, 2020

"We will never forget you, Kerby. May you rest in peace and find your way to heaven."

I really hope that he's in peace now. Kumusta na kaya siya? Mayabang pa rin ba? Charming pa rin?

Natatandaan ko pa nang malaman ko kay Kiro na wala na siya. Hindi agad ako nakapagsalita at napatitig lang sa kaniya lalo na nang sabihin niya sa akin ang dahilan ng pagkamatay nito.

He was shot right through his head and became in coma. Alam daw niyang lumalaban si Kerby sa bawat araw na lumilipas not until one day that he suddenly stopped and let the line went flat.

Hinihinalang kalaban nila sa negosyo ang may gawa nito. Nawalan na ako ng balita kung nakuha ba nila ang hustisya sa aksidente. Nasentro ang buo kong atensiyon sa sarili kong durog na durog at hirap na hirap makaahon.

I sighed before standing straight in front of his tombstone. From this day onwards, I promise to live not just for myself, but for the life he missed, as well.

Nag-angat ako ng tingin sa kulay asul na kalangitan kasabay ng pagguhit ng ngiti sa aking mga labi. Wala man siya rito ngayon, hindi ko man siya nakikita, alam ko na gagabayan niya pa rin ako.

Maaaring panaginip lang ang lahat ng iyon at hindi totoo sa paningin ng lahat. Mananatiling totoo ito sa akin kagaya ng kung paano ko makita ang imahe ni Kerby sa isip ko.

Sana totoo na lang ang lahat. Pero, wala na akong magagawa. Ito ang isinulat ng tadhana sa aming dalawa, bagay na hindi ko na mababago pa.

Mariin akong pumikit kasabay ng pagbigkas sa isip ng hiling na gusto kong matupad kahit hindi para sa akin.

Again, for one last time, I wish for Kerby's own happiness. . . but this time, on his stay at heaven.

Ephemeral Bliss | ✔Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz