Chapter 15

24 3 0
                                    

Chapter 15
Roadtrip

I always remind myself that nothing in this world will stay forever. Every person we'll meet will be only with us temporarily. They'll surely vanish any time they want, and that will surely hurt... a lot.

This is mainly the reason why I don't want anyone to be close to me. Pare-pareho lang naman silang lahat... aalis at aalis din.

'Yong mawala si Papa, mahirap man pero tinanggap ko. Pero iyong pati si Mama ay iwan din ako, mas masakit iyon. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang maiwan na lang mag-isa sa buhay.

Lahat ng pinagdaanan ko, iyon ang nagtulak sa akin para lumayo sa iba. Nawala si Papa dahil sa 'kin at nawala rin si Mama dahil doon. I can't bear to have anyone right by my side who will only disappear because of me.

Mabuti na ang mag-isa ako. Mabuti na ang hindi nila napanghihimasukan ang buhay ko. I'm fine on my own.

But I can't understand my self on how it wanted to take risks by letting someone — a stranger for the record whom I met not too long ago — to be my friend.

What's wrong with you, Thea? Kinalimutan mo na ba lahat ng sinabi mo noon? Gusto mo bang may masaktan ka na naman?

He's annoying, boastful, so full of himself, and a jerk, but he's also a soft boy inside. He made me realized how wrong I was in some things.

Nakakainis na tama siya. Nakakainis na kung paano niya ako i-encourage ay nakakaapekto sa akin. Nakakainis na unti-unti ay pinaniniwalaan ko siya.

Maybe, it's time to break my else against someone who tries to approach me.

Pero hindi naman kaya ako magsisi?

"Class, dismiss."

Doon ako napabalik sa katinuan. Pagtingin ko sa unahan ay paalis na ang subject teacher dala-dala ang mga assignments namin na ipinapasa niya kanina.

Masyado na namang nalipad ang utak ko at hindi na naman nakinig ng mabuti sa klase. Kung bakit ba naman hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin si Kerby.

I mean, 'yung friendship namin. Right.

But honestly speaking, hindi ko naman talaga dapat iniisip ang bagay na iyon. Come on, Thea! Friendship lang ganiyan ka na mag-isip?

Unti-unting nagsilabasan ang mga kaklase ko. Lunchbreak na nga pala ngayon, marahil pupunta na sila sa cafeteria para doon kumain.

May baon naman akong pagkain kaya sa room ko na lamang piniling kumain. May iilan akong kaklase na kasama sa room na abala sa kaniya-kaniyang gawain.

Pagkatapos kong kumain ay nakatanggap ako ng text kay Ate Chona.

From: Ate Chona

Kumusta ka? Ngayon lang ulit ako nakapag-text sa 'yo dahil marami akong ginagawa eh. Binabantayan ko pa rin si Cherin hanggang ngayon.

Hindi ko na nagawa pang mag-reply sa text niya dahil expired na ang load ko. Paniguradong marami ang iniisip ni Ate Chona ngayon lalo na sa kalagayan ni Cherin. Sana nama'y okay na siya.

Ewan ko ba pero masakitin talaga ang batang 'yon. Tamad kasi kumain ng gulay at kung kakain naman ay kakaunti lamang din. Ang payat-payat na niya na kung hahampasin ng hangin ay tiyak na madadala.

Ephemeral Bliss | ✔Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz