Chapter 19

22 2 0
                                    

Chapter 19
Reality

"Hindi na ba ulit tumawag sa 'yo si Ate Talya?" nag-aalalang tanong ni Ate Chona sa kabilang linya ng telepono.

Magmula noong isang araw ay hindi na naulit pa ang pagtawag sa akin ni Mama. Hindi naman talaga 'yon bago, pero ang huling narinig ko nang tumawag siya ang nakapagpapakaba sa akin.

"Hindi, Ate. Sa 'yo ba?"

Rinig ko ang malalim niyang pahugot ng hininga saka pagpapakawala noon. Ilang saglit bago siya sumagit sa akin.

"Wala... ganito naman talaga siya kaya lang — " Binitin niya sa ere ang sasabihin. "Well. Huwag na lang nating pag-usapan. Alam ko namang ayaw mo 'tong marinig."

Sa nakaraang taon, alam na alam ni Ate Chona kung gaano ako kailag pagdating kay Mama. Palagi akong umiiwas kapag tumatawag siya. Kapag naman napag-uusapan namin siya ni Ate ay hindi ko napipigilan ang sarili ko na magsalita ng masama.

I heaved a deep sigh. "Okay lang, Ate. Nag-aalala rin ako."

Hindi ko agad narinig ang tinig ni Ate Chona sa sinabi ko. Gulat 'yon panigurado dahil hindi naman niya inaasahan na makalipas ang nakaparaming taon ay maririnig niya sa aking nag-aalala ako.

"Nag-aalala? T-tama ba ang rinig ko?"

"Yeah. Her voice was strange the day she called. I wonder what's happening," ani ko.

"Oh my God! Okay na ba kayo? Nagkaayos na kayong dalawa? Napatawad mo na ba siya? Ha, Thea?"

"Darating din kami roon, Ate..."

Ayokong madaliin ang lahat, pero gusto kong subukan. Tama na ang pilit kong pagkukulong sa sarili ko at pagbabawal sa mga taong gusto na mapalapit sa akin.

Nanay ko pa rin siya kahit anong mangyari. Unti-unit man, kailangan ko pa ring subukan na patawarin siya.

Marami pang itinanong sa akin si Ate Chona tungkol kay Mama. Panay ang pangungulit niya sa akin na tipid ko lang sinasagot lalo pa at paulit-ulit lang naman ang tanong niya. Halatang pinaiikot lang ako sa mga tanong para may mas malaman pa.

Tinapos ko ang pagbabasa sa libro na hiniram ko sa may library noong isang araw. Balak kong isauli na ang lahat ng 'to dahil tapos ko na naman. Tatambak lang sa bahay.

Simpleng blouse at pantalon ang sinuot ko papunta sa school. Araw ng Biyernes ngayon at wala kaming pasok na seniors. May meeting na dadaluhan ang mga teacher namin sa kabilang bayan.

Mabilis akong naglakad palabas ng bahay papunta sa may sakayan. Bandang alas diyes na ng umaga. Paniguradong may iilan pa ring sasakyan na daraan ngayon.

Nagtagal ako ng halos kalhating oras sa paghihintay sa masasakyang jeep. Kaunti lang ang laman ng nasakyan ko, bagay na siyang ikinasiya ko. Ayoko nang masikip.

Nang makarating sa school ay agad akong nagtungo sa may library. Saglit akong naghintay sa librarian na mukhang late pumasok ngayong araw at half day lang. Pagkarating niya ay ibinalik ko na agad ang libro saka pumira sa form na sinagutan ko noon.

Walang estudyante na makikita sa labas. Marahil oras pa ng klase nila. Nagkibit-balikat lamang ajo bago nagtuloy-tuloy sa paglalakad papunta sa gate.

Dahil wala na naman akong pupuntahan pa ay napagpasiyahan ko nang umuwi. Mabuti pang magpahinga na lang ako sa bahay o 'di kaya ay manood ng TV.

Ngunit gayon na lamang ang gulat ko nang maabutan ang ngiting-ngiti na si Kerby habang nakasandal sa kaniyang sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay. Agad siyang kumaway sa akin nang makita ako.

Ephemeral Bliss | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon