Tumango ako't binigyan siya ng maliit na ngiti. "Sige, please. Thank you."

Hindi ko maialis sa isip ko iyong nangyari kanina sa club room. Nakasakay na nga lang kami sa bus, iyon pa rin ang iniisip ko. Ang lakas kasi ng pakiramdam ko na para sa akin ang ginawang tinapay at gatas ni Lie Jun kaya hindi ko maintindihan kung bakit kay Kate niya ito ibinigay.

I don't even know why I'm pissed by that. Masyado ba akong nag-assume? Siguro. Nang tignan niya kasi ako habang bitbit niya iyong mga pagkain, may parte sa isip ko na inakalang makikipagbati na siya pero mali pala ako.

Tumabi sa akin si Lance sa bus kaya inulan kami ng tukso ng mga ka-club ko pati na ang basketball club na kinabibilangan niya. Sa iisang bus lang kasi kami sumakay dahil cooking at basketball club ang pinagsama. Humupa lang ang asaran nang sinabing aalis na.

Sa harap namin nakaupo sina Kate at Lie Jun at naiinis lang ako dahil hindi naman siya diyan nakaupo kanina. Nauna kasi siyang pumunta rito sa bus. Sa bandang likuran siya nakaupo pero nang makita niya akong umupo sa puwesto ko, lumipat siya't tumabi kay Kate.

Ayoko mag-assume at mag-isip ng kung ano-ano pero hindi ko maiwasan dahil kanina pa naguguluhan ang isip ko sa mga ikinikilos niya.

"Gusto mo ng snacks?" tanong ni Lance saka ibinigay sa akin ang dala niyang neck pillow.

"Kahit hindi na. I'm on a diet."

"So? Nag-gy-gym ka, hindi ba? Malulusaw naman ito. Isa pa, minsan lang naman."

"Jun, gusto mo?" Napatingin ako sa harap nang marinig ko si Kate na tanungin ang katabi. Hindi ko alam kung anong inaalok niya pero nang marinig kong nag-thank you ang anak ni Hudas, nainis na naman ako.

Bakit ko ba nararamdaman ito?

"Sige na nga. Anong mayroon ka?" He told me to wait saka siya tumayo. Pumunta siya saglit sa likod kung saan nakalagay ang mga gamit saka kinuha rito ang bag niya. Pagbalik niya, binuksan niya ito't binigyan ako ng Cream-O.

"Sabihin mo lang kung anong gusto mo. Medyo marami-rami akong baon."

"Hindi nga namimigay ng pagkain iyan sa amin." reklamo ng ka-varsity niya na nasa likuran namin.

Nilingon niya ito at sinamaan ng tingin. "Chismoso ka?"

"Miss President, kapag niligawan ka niyan—"

"Can you please keep it down?" inis na pakiusap ni Lie Jun. Tumayo pa nga ito kaya napatingin ako rito. "Ang iingay."

"Tol, anong problema mo?" Nakarinig ako ng tunog mula sa likuran kaya ito naman ang tinignan ko. Tumayo na rin pala itong ka-varsity ni Lance habang nakatingin ng masama sa kaibigan ko.

"Gerald," pagkuha ni Kuya Gavin, na nasa katabing upuan lang namin, sa atensyon nito. "Pagpasensiyahan niyo na. Puyat iyan."

"Pagsabihan mo, Tol. Ang angas, eh."

Pilit itong pinakakalma nina Kuya Gavin, Lance at ng katabi nito dahil patuloy pa rin ito sa pagpaparinig. Kaya ang ginawa ko, lumuhod ako sa upuan para humarap sa kaniya at ako na ang humingi ng tawad. Gumawa na nga lang ako ng excuse para lang ma-justify ang palusot ni Kuya Gavin na puyat ito. Huli na rin dumating ang professor na mag-supervise sa bus namin kaya hindi nito naabutan ang komosyon na nangyari.

Naging tahimik ang buong byahe matapos ang nangyari pero nang makarating kami sa destinasyon namin, bumalik ulit ang sigla ng mga nasa loob ng bus. Kinuha namin ang mga gamit sa likuran at ang iba naman ay inilabas na rin ang mga gamit sa compartment na nasa gilid ng bus.

Sobrang ganda ng lugar. May limang two-story house na nakatayo sa ilalim ng nagtataasang mga puno ng niyog. Harap naman nito ay ang dagat. Medyo malaki ang distansiya mula sa bahay at dagat kaya puwedeng-puwede magtayo ng tent sa labas na hindi aalalahanin ang high tide kapag gabi na.

The Guy Next Door (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu