Chapter 6 The Deal

Start from the beginning
                                    

"Tumigil ka na nga sa ka e-english mo dyan dahil hindi kita ma gets, hindi abot ng IQ ko ang lower IQ mo! Kaya kung pwede lang, don't english english me because I don't talk---talk-- tama ba? Ahmm-- ah basta! TALK TO MY LAWYER!" Halos masamid ako sa sinabe nya, nagtatry ba syang mag joke? Corny huh!


"Okay, get out! Este, alis! Labas! O kung ayaw mo namang mapagod paglalakad, I have my way para mapaalis ka dito ng hindi ka lumalakad." Tinuro ko sa kanya yung main gate, pumunta naman siya sa harapan ko at ibinaba ang kamay ko.

"Baka nakakalimutan mo, dito narin ako nakatira! Lola mo ang may-ari nito hindi ikaw! Sya ang nagbayad ng lupa, tax, nagpagawa ng bahay at HINDI IKAW! Kaya wala kang karapatan na palayasin ko. Understood?"

"Errrr!!!! Baliw ka na talaga!! Bwisit!"

"Ho ho ho ho! I'm so sorry sweetheart."

"Stop calling me sweet heart!!"

"Fine! Edi Pierce Viel Clotton!" Kahit kaylan ayaw niya talagang magpapatalo! Gagawa at gagawa talaga siya ng paraan para lang labanan ako, at kahit yata sa sunugan ng kaluluwa hindi siya magpapatalo. "Let's have a deal!"

"Deal? What kind of deal?"

*TOINK!* "Sabe ng ayokong nagsasalita ka ng english, you're making blood on my nose!"

"Correction, nose bleed!"

"What ever! Okay ganito, eto ang dalawang papel at dalawang pen..."

"At saan mo naman kinuha yan huh?"

"Sa office room mo!"

"Bakit mo kinuha yan hah!? Sino mah sabe sayong...."Pinakain niya bigla sa 'kin ang piraso ng papel kaya napatigil ako sa pagsasalita.

"Dami mong sinasabe! Wala ka ng magagawa nakuha ko na eh! Aagawin mo pa ba? Bad yun! Anyway, ayan tuloy ng dahil sa katatalak mo dyan, naging 1/8 na lang. Psh! Pierce! Pierce! Very wrong!"

Aba masama kayang mangelam ng hindi mo naman gamit at hindi pa talaga siya nagpaalam! Sinong hindi magagalit nun diba? Paano na lang kung mga papeles sa opisina yun edi na dead-o naman ako.

"Eto ang papel at pen mo, ito naman ang akin. Magsusulat ka lang diyan ng mga dalawang rules at tatlo naman sa 'kin!"

"Bakit tatlo sayo tapos akin dalawa lang!?"

"Huwag ka ng umangal! 1/8 sheet na lang yang papel mo eh kaya mag tiis ka!" Fine! "Let's start!"

After 15 mins.......

"Tapos na!"

"Tsk! I'm done."

"Eto ang akin,

First: Walang pakelamanan kung saan man pumunta o kung ano man ang gawin. Sa papel lang tayo mag-asawa at hindi sa totoong buhay, kaya walang pakelamanan. Malinaw?"

"Oo!"

"Second: Pagkatapos ng kasal, may honeymoon...."

"What!? Ayoko!"

"Hindi pa kasi ako tapos eh, wag ka ngang piling diyan! Ulet, second: Pagkatapos ng kasal may honeymoon pero wala dapat mangyare kumbaga ang honeymoon na yun ay pahinga tayo sa pagiging couple. Okay ba?"

"Huu, salamat naman!"

"And third: Aampon tayo ng baby na ipapakilala natin bilang totoong anak dahil ayokong magka-anak sa isang katulad mo at ayokong isuko sayo ang perlas ng silanganan..."

"Feeling mo naman gagawin ko sayo yun huh!? No way! Miya-miya nyan may aids ka pa, pati di ako tanga para galawin ka. Oo gwapo ako pero hindi pa ako nasisiraan ng ulo. Tsk! Tsk!"

"Psh dami mo pang sinasabe. Ang dami kayang nang-aasam sa katawan kong 'to! Alam mo 'bang isa ako sa pinaka sexy na model."

"Who the hell cares?"

"Fine! And after 2 years, divorce! Okay ba?"

"Okay na okay! Ako naman, first: Hindi tayo magtatabi sa iisang kama, bawal dumikit ang kahit isang balahibo mo sa katawan ko habang natutulog ako, ako sa kama ikaw sa sofa."

"Ano!? Napaka UNGENTLEMAN mo naman yata! Baka nakakalimutan mo, after 1 month kasal na natin...."

"Pero sa papel lang."

"Oo nga."

"Kaya wala akong pakelam kung saan ka man matulog, may reklamo!?"

"Wala!! Bibili na lang ako ng isa pang kama! Yung mas malambot!! Yung mas malake! Yung mas komportableng higaan, surutin ka sana!" Ipag diinan pa, halata namang pinaparinggan ako. Para talaga siyang bata.

"And lastly,

Ikaw ang aking magiging PA or personal assistant!"

"Ano!? Ayoko nga noh!! Hindi mo 'ko sinuswelduhan piling! At sa ganda kong 'to gagawin mo lang akong PA? Wow! Mahiya ka naman sa kutis ko! Tsaka asawa mo 'ko at hindi...."

Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang papel na hawak hawak ko, "Pero sa papel lang kaya wala kang dapat ireklamo pa! Pati gawain ng isang asawa ang paglingkuran ang mister niya kaya nararapat lang na gawin mo sa 'kin yun. So my personal assistant, deal?"

"Grrr, deal but in one condition!"

"Ano na naman ba yun hah?"

"No touch!"

"Wow huh? Ang assuming mo rin noh? Sa 'kin mo ba talaga dapat sabibin yan o sayo?"

"Hah? Anong ibig mong sabihin?" Blangko ang utak niya halatang walang naaalala.

Lumapit ako sa tenga niya at bumulong, "Remember what happened yesterday? Hot night with you Ms. Leaf Greigo!" Tingnan mo ang itsura niya, namula siya at nagulat sa sinabe ko. Hahahahahaha ang sarap kuhanan yung itsura niya, mukha siyang ewan.

"Waaahhhhh!! Sinasabe ko na nga ba eh! Hindi ka talaga mukhang mapagkakatiwalaan!! Ni rape mo 'ko!!!?"

"Opps correction, baka ikaw ang nang rape sa 'ken!!"

"RAWRRRR!!!!! PIERCE!!!!!!!?" Nanakbo na ako bigla papasok ng bahay dahil mukha na talaga siyang nag-aarbutuong bulkan na gusto ng sumabog. Juice colored!

Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now