Nanginginig ang kamay ko habang unti-unti kong inilalapit sa papel sa ilalim ng onesie ang lighter. Nang masindihan na ito, pumikit ako at inilayo ang kamay ko. Unti-unti ko na rin nararamdaman ang init na nanggagaling rito kaya napagpasyahan kong panuorin kung paano lamunin ng apoy ang onesie.

Tama siya. Kailangan ko gawin ito kasi kung hindi ko susunugin ang onesie na ito, lumalabas na hindi ako mag-mo-move on kay Kuya Gavin.

I appreciate what this guy is doing. Ni minsan, hindi ko naisip na magiging ganito kami. I'm still not sure kung kaibigan na ang tingin niya sa akin pero para sa akin kasi, kaibigan ko na siya. Ang dami na naming ginawa na magkasama kaya ang ewan lang kung hindi pa kami magkaibigan.

Habang pinanunuod ko ang pagbalot ng apoy sa onesie ay siyang pagsikip ng dibdib ko. I suddenly miss Kuya Gavin. Pero nangyari na ang nangyari kaya ang dapat ko na lang gawin ay iiyak ito at mag-move on. And that's what I did. Hinayaan kong maging mahina ako sa harap ni Lie Jun.

Hindi siya nagsalita nang magsimula akong umiyak. Nakatutok lang rin ang mga mata niya sa apoy. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon. Ang alam ko lang, malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil nasa tabi ko siya sa oras na ito.

"Patricia, anong ginagawa niyo?"

Mabilis na nagpunas ako ng mukha saka ko nilingon si Mama. Nakatayo siya sa pintuan namin habang nakatingin sa amin. "Wala po, Ma." Naglakad ito palapit sa amin at nang tignan ko si Lie Jun, tumungo siya at nilaro ang mga daliri sa paa.

"Bakit nandito pa kayo? May pasok kayo bukas, ha?"

"Oo nga pala." Kinalabit ko si Lie Jun kaya napaangat siya ng tingin. "Si Mama nga pala." Tumingin naman ako kay Mama at itinuro ang katabi ko. "Si... Lie Jun. Schoolmate ko po."

"Hi." Tinanguan siya ni Lie Jun tapos ay ibinaling niya ulit sa akin ang atensyon niya. "Mag-aala una na. Hindi pa ba kayo papasok?"

"Hindi pa po. Maya-maya siguro."

"Ano ba kasing ginagawa niyo?" Umiling lang ako't ngumiti sa kaniya. "Gusto niyo ba ng hot chocolate? May mga iniuwi si Kuya Kendrick mo kanina."

"Sige, Ma."

Umalis na si Mama at ilang saglit lang rin nang bumalik na may hawak na dalawang mug. Umuusok ang laman nito. Sinabi lang nito na matulog kaagad kami para hindi kami sobrang puyat kapag pumasok bago siya bumalik sa bahay.

"Ang bait niya."

"Mabait pero just like any other mother, nagiging dragon kapag nakakagawa ka ng kasalanan." matawa-tawang sinabi ko saka ko hinipan ang laman ng mug ko.

"I know. Naririnig ko kapag pinagagalitan ka sa kwarto mo." Itinaas niya ng kaonti ang maskara niya saka hinipan ang laman ng mug niya. "Gusto mo makita collection ko?"

"If porn collection iyan, no thanks."

"Gusto mong ibuhos ko sa iyo itong chocolate? Iyong mask collection ko kasi."

Tinawanan ko siya saka ako tumingin sa planggana. Kaonti na lang at mauubos na iyong onesie. Sinabi ko na maghintay kaming maubos iyong tela hanggang sa mamatay iyong apoy bago niya ipakita iyong collection niya. Hindi kasi namin ito puwedeng iwanan na lang ng basta-basta.

Nang maubos na iyong tela at namatay na ang apoy, sinipa niya ng paulit-ulit iyong planggana pabalik sa garahe tapos isinara niya iyong garage door bago ako binalikan. Bitbit pa rin namin ang mug namin papasok sa bahay niya and as expected, parang walang nakatira rito. Binuksan niya iyong ilaw at mas napatibay nito ang iniisip ko.

Kaonti lang ang gamit niya. Wala ngang TV. Ang nasa unang palapag lang ay isang pahabang sofa na nakasandal sa pader, lamesa na may dalawang upuan na gawa sa plastic at ilang dekorasyon na nakasabit sa pader tulad ng mga litrato. Kita rin mula sa salas ang kusina niya. Wala rin appliances duon maliban sa stove kaya nagtataka ako kung paano siya nabuhay ng ganito kaonti ang gamit niya.

The Guy Next Door (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant