"Bakit hindi mo ako isinasali, Pat-Pat?" pagmamaktol ni Kuya kaya humarap ako rito't tinapik-tapik ito sa balikat.

"Then get ready to grant my wish." Kinuha niya as kamay ko ang paper bag na naglalaman ng mga pagkain namin saka ako nginisian.

"Asa."

"I already have a wish in mind. Hihilingin kong tumangkad ka. Pero kaya mo ba gawin iyon?"

"Tse!"

The results will come out a week after the test kaya balik sa normal ang buhay ko. Nag-aaral pa rin naman ako madalas pero hindi tulad ng intensity ng ginawa ko noong mga araw bago ang exam.

Three days after the exam, nalunod naman ako sa pag-me-memorize ng mga tao na affiliated sa fashion. Buti sana kung pangalan lang nila ang i-me-memorize pero hindi kasi kasama iyong dates at iyong history nila. Naging escape ko ang cooking club dahil nakakakain ako ng libre dito at nakakapagluto pa.

Patago ko na rin ginagawa ang onesie na para kay Kuya Gavin. I'm not sure if he's gonna like it kasi hindi naman siya iyong tipo ng tao na mahilig sa mga cute and fluffy na bagay but I still want to see him wear it. I asked for his measurements after taking the exam kaya nagtaka siya noong una kung bakit. Siyempre, nagsinungaling ako kahit ayoko para lang maitago ang regalo ko sa kaniya.

On the day of the results' announcement, sinabi ko na sa rooftop kami tumambay habang naghihintay ng oras. Ang sabi sa school forum ay 4PM raw ito i-re-release at 15 minutes na lang, lalabas na ang resulta.

"Jun, sa iniyo tayo mag-celebrate." Nanglaki ang mga mata ni Lie Jun sa sinabi ni Kuya. Sumandal siya sa railing habang nakatingin pa rin sa gulat na kaibigan. "Naghihirap na ako kaya makikikain ako sa iniyo."

"No!"

"Hindi naman ikaw iyong gagastos. For sure naman, si Ate Nora ang gagastos para i-celebrate ang pagkapasa mo. Besides, puwede tayo pumunta kina Pat-Pat para makikain."

"No! Hindi puwede! Sa bahay mo na lang!" Umalis ito sa pagkakasandal sa tabi ni Kuya. "Walang pera si Tita!"

"Dami-daming pinapaupahan ni Tita bukod sa business niya. Paano mawawalan ng pera iyon?"

"Kuya Gavin," pagkuha ko sa atensyon niya kaya napatingin silang dalawa sa akin. "Sa bahay mo na lang. Baka kasi mabulabog natin iyong dormmates ni Huda—Lie Jun."

"Dormmates?"

"Oo! Dormmates! Mabubulabog sila, hindi ba, Gav? Makakaistorbo tayo kasi nga sa dorm ako nakatira, hindi ba?"

"Ha? Kailan ka pa lumipat?"

"Gaaaav!" Pinanlakihan nito ng mata si Kuya kaya hindi ko maiwasang matawa sa itsura nito. Parang inis na inis na kasi.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Alam mo, puwede naman tayo sa first floor kung ayaw mo makita namin iyong mask collection—"

"Tangina, ang daldal naman!" Pumuhit ito paharap sa railing saka inihawak ang dalawang kamay rito.

"Para ka naman kasing tanga umasta diyan. Ilang beses ko naman na nakita iyong collection mo kaya anong iniinarte mo diyan? Bakit? Ayaw mo makita ni Pat-Pat?"

"Wait. Maskara?" Dahil nga nakaupo ako sa sahig, kitang-kita ko ang mukha ni Lie Jun. Para siyang defeated dahil nakapikit siya ng mariin habang nakatungo.

"Oo. Hindi nga lang maskara, may mascot head pa. Sarap ngang sunugin. Nakakatakot kasi."

"Hindi ba natatakot dormmates mo sa collection mo? Buti hindi ka nila sinisipa paalis?" tanong ko rito pero hindi ako nito sinagot.

The Guy Next Door (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant