CHAPTER 76: Nathaniel Legazpi

Start from the beginning
                                    

Alam kong lalabas na naman ang pagka demonyo ng taong to. At natatakot ako. Natatakot kaming lahat.

Ren's POV

Kapag nahanap ko ang hinayupak na yon at kapag may nangyaring masama kay AC sigurado akong makakapatay ako ng tao.

"Ethan kumalma ka na muna."

"Don't talk to me." walang emosypn kong sabi.

"Ethan. Handa na yung sasakyan."

Lumabas na ako ng walang sinasabi. Nag iinit ang ulo ko para akong sasabog sa galit.

Wala akong ibang gustong gawin kundi ang hanapin si AC at sigiraduhin na ligtas siya.

Vipers get ready to kneel and beg infront of me.

Habang nasa sasakyan kami ay biglang may tumunog.

Tinignan ko yung phone ko pero hindi iyon ang tumutunog.

"Hello?" Matt... phone pala niya.

"Kate?" nagulat ako nang banggitin niya yon kaya agad kong kinuha ang phone niya at kinausap siya.

"Where the fuck are you!? Alam mo ba na nag aalala na si Tita sayo? Nasaan ka!? Susunduin kita. Sabihin mo kung nasaan ka! Now!"

[Ano ba? Hindi ikaw ang gusto kong maka usap. Ibigay mo kay Matt yang phone niya!]

"No! Sasabihin mo kung nasaan ka ngayon na!!!"

"Ethan kumalma ka lang muna ako ang kakausap." sabi ni Matt.

Niloud speaker niya ito bago nagsalita.

"Kate nasaan ka?"

[Kasama ko si Na-]

"Si Nathan. Nasaan nga kayo?"

[Hindi ko alam ang lugar na to. Pero wag kayong mag alala ligtas ako. Mabait naman si Nathan sakin. Hindi tulad ng iba jan.]

"Where are you!? AC sabihin mo ngayon na!" galit kong sigaw

"Kate sabihin mo nalang please." nagmamakaawang sabi ni Matt.

"I'll count 1 to 5 the time it hits 5 and if you didn't say where you are ako mismo ang maghahanap sayo at papasabugin ko ang lugar na yan!" napatingin naman silang lahat sa akin.

"Kate please. Sabihin mo nalang."

"One!"

"Kate please."

"Two"

"Kung ayaw mong magkagulo Kate sabihin mo na kung nasaan ka."

"Three"

[Ok stop. I'm at Nathaniel's house. Ngayon pwede bang tigilan niyo na ko?.]

"Blake! Trace her! Now! Mike Drive!" sabi ko at agad naman nilang ginawa.

"I found her. Malapit na tayo. Just turn left and we should see a white house beside a large tree." sabi ni Blake. "Wag mong sabihin na gagawin mo nga yung sin-"

"Oo. Wala akong paki alam kung sino pa ang may bahay at kung sino ang kasama niya ngayon. Pagdating natin doon Matt sunduin mo siya sa loob." sabi ko na ikinatahimik nila.

Nang makarating na kami ay iisang bahay lang ang naririto. Mas mapapadali to.

Tulad nga ng sabi ko ay sinundo ni Matt si AC sa loob ng bahay. Nang makita ko silang palabas ay lumabas ako ng sasakyan para salubungin sila.

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now