Chapter 3 The mission

Start from the beginning
                                    

Calling Hot Soney.... what!? Sinong nagpangalan ng ganito!?


"Hello pare?"

"Uhmmmm, bakit? Waaaa! Late na late na 'yang tawag mo ah, anong problema? Sa office ba?"


"No, but I badly need your help, dahil alam kong ikaw lang ang makakatulong sa problema kong 'to."


"Eh ano ba yun hah?"

"Ihanap mo ako ng ipapakilala kong girlfriend kila Lola, desperada na talaga ako! Ayokong maikasal sa babaeng sinasabe nilang ipapakasal sa akin."

"Hahahahahaha, sus akala ko naman kung ano yun lang pala, oh sige tutulungan kita."


"Salamat pare. Maaasahan ka talaga pag dating sa mga ganyan!"


"Ako pa, oh paano yan mimiya na lang sa bar malapit sa office around 3pm dahil busy na ako."


"Sige pare salamat ulit."


Humiga na ako at natulog. Zzzzzzzzzzzzzzz!  ̄﹏ ̄


Kinabukasan, maaga akong nag-ayos dahil kaylangan ko agad matapos ang mga gagawin sa office para matuloy tuloy ko na ang paghahanap namin ni Soney sa ipapakilala kong girlfriend kay Lola. Pahirapan 'to kasi dapat magugustuhan nya at pihikan pa 'man din ito sa babae.


*KKYYYYYYAAAAAAAAAAAHHHH!!!* pag labas ko ng banyo ay ganung klaseng sigaw agad ang sumalubong sa akin, dahilan para mataranta ako.


"ANONG GINAWA MO SA 'KIN HAH? BAKIT IBA NA ANG DAMIT NA SUOT SUOT KO SABIHIN MO!? NI-RAPE MO AKO NOH? KAYA KA NAKA TOPLESS LANG NA GANYAN WAAAAAAAAAA!!!" Ang ingay-ingay nya baka marinig sya nila Lola't Mama, malalagot ako nito kaya wala na akong choice kung hindi ma-upo sa tabi nya at takpan ang bibig nito gamit ang kamay ko.


"Psssshhh. Don't make loud noise! Maririnig tayo nila Lola sa ginagawa mo tsk! Hindi kita ni-rape okay? Nakita kita sa tabing dagat kagabe lasing ka kaya dinala na muna kita dito sa bahay, kaya iba na ang suot mo ay dahil sa sumuka ka kagabe at ayaw mo rin naman siguro matulog habang umaalingasaw ang amoy ng suka sa damit mo diba? At kaya ako naka topless lang kasi katatapos ko lang mag shower kaya wag mong isiping ni-rape kita dahil kung ginawa ko 'man 'yun sana ngayo'y wala ka ng saplot. Kaya huwag mo akong pag-iisipan ng ganun." Tiningnan ko muna sya per mukha namang kalmado na sya kaya naman, dahan dahan kong tinanggal ang kamay ko.



'WAAAAAHHHHHHHHHHH!!!! HELP ME!! HELP MEE!!!"


"F*ck ang ingay mo! Can you please shut up your f*cking mouth stupid!"


"WAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!" Urgh! Ang kulit nya! Pasensyahan na lang tayo pero kahit babae ka, kaylangan kong gawin 'to.

*Tok!Tok!Tok!Tok!*


"Yaya? Kausapin mo nga yung baliw sa kwarto ko kung anong nangyare kagabe. Tell her the truth!! Dahil nabubwisit na ako sa kaingayan nya!!" Walang prenong sabe ko.

"Oh! Sir! B--- bakit po sya nakaganyan?"

"She's too noisy at baka marinig sya nila Mama and If they heard it, it's my end."


Kinadena ko kasi sya sa kama at tsaka nilagyan ng masking tape ang bibig nya, sabihin nyo ng brutal at hindi makatao yung ginawa ko sa kanya dahil babae sya but that's the only way I think para manahimik sya.


"Ah miss tama po ang mga sinabe ni Sir. Wala po syang ginawang masama sa inyo, sumuka po kasi kayo kagabe at ako ang nagpalit ng damit mo at hindi si Sir kaya wala po kayong dapat ipag-alala." Tiningnan naman nya ako na parang may pagdududa, oo gwapo at hunk akong tingnan kaya kong gawin ang iniisip nya ng walang kahirap hirap pero marangal akong tao kaya hindi ko gagawin ang iniisip nya. Gwapo ako at hindi rapist!


Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now