CHAPTER 75: Demon Inside

Start from the beginning
                                    

"Boss pasensya na." ramdam ko ang kaba na bumabalot sa apat na sulok ng kwartong ito.

"Walang gagalawin! Walang gagalaw ng wala akong sinasabi! This is a command from the Clashers Highest Postition Holder. Obey what I say." sabi niya at hinampas ang lamesa na halos masira na.

"Saang department ba nakalagay yan?" tanong ko kay Blake.

"Sa department ni Kurt. East Department." mahinang sagot niya.

"Umalis na kayong lahat sa harapan ko bago pa ako makagawa ng ikakasama niyo!" sabi niya at naupo sa swivel chair.

Wala silang nagawa kundi ang umalis at naiwan kaming lima dito sa loob ng meeting room.

"Kumalma ka nga muna Ethan ang init ng ulo mo." sabi ni Blake.

Alam naman namin na kahit anong sabihin ni Blake sa kanya ay hindi siya makikinig. Yun lang kung may kasagutan siya sa Big 5.

"Morons. Such an idiot. Paki pa alala naman sakin kung bakit sila  nakapasok sa Clashers!" sarcastic niyang sabi.

Walang nag abalang sumagot. Kilala namin si Ethan pag yan galit wag ka nalang sumagot kung ayaw mong mabalian ng buto o magkaroon ng black eye.

"Sana naman nagtanda na sila. Wag na sanang mangyari to ulit." bulong ko kay Blake.

End of Flashback

"This Is Matthew Adriane Rivera from North Department this is an urgent meeting. We need to go to SH now." sabi ko at pinatay na ang device na ginagamit namin.

Habang naghahanda ako ay hindi ko maiwasang isipin kung sino yung lalaki na sinasabi nila.

Sino ka ba? Bakit kayo magkasama?

Nang makarating ako sa SH ay  madami na sila at lahat sila ay tahimik. Kapag ganito alam nila na galit si Ren.

Kapag tahimik ang paligid alam mo na. Wag ka ng mag abalang gumawa ng ingay.

"Nasaan siya?" tanong ko.

"Nandoon sa office niya." sagot naman ng kasamahan namin.

Agad akong nagtungo sa office niya at nakita ko naman na parang balisa siya at naiinis.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Sa tingin mo sino yung kasama niya?" pabalik na tanong niya sakin. Aba malay ko ni hindi ko nga alam na may kasama siya eh.

"Seriously? Sakin ka magtatanong? Ni hindi ko nga alam pangalan ng Sinasabi mong lalaki." sagot ko at umupo.

"Nathan. Nathan ang pangalan."

"Ano!?" Nathan? NATHAN?

"Oo nga!" sabi naman niya.

"Teka lang ah. Wait lang." sabi ko at lumabas para hanapin sina Blake, Mike, at Kurt.

Nakita ko si Blake na naka upo sa may sofa kaya hinila ko siya para hanapin si Mike at Kurt.

"Teka lang. Ano ba!" inis niyang sabi. "Masisira tong damit ko kakahila mo sakin."

"Tumahimik ka na muna." sabi ko at nakita si Kurt na nakikipaglandian sa isang babae na kasamahan namin.

"Mamaya na yan. Halika na!" sabi ko at hinila din siya.

"Ano ba makakascore na ko don oh." sabi niya naman.

Habang hila hila ko silang dalawa sa kanilang damit ay nakita ko naman si Mike na nakikipaghalikan.

"Mike Angelo Guttierez!" sigaw ko.

"Ano ba. Istorbo ka naman eh."

"Sasama ka sakin o papatayin kita?" pagbabanta ko.

Agad naman siyang sumama at dinala ko silang tatlo sa office. Nagulat naman si Ren ng pagpasok ko dahil sa hila hila ko silang tatlo.

"Maupo kayo." sabi ko at tinulak sila sa sofa.

"Ano ba yon? Istorbo ka naman eh. Kita mong busy ako don sa labas tapos nanghihila ka nalang bigla." sabi ni Mike.

"Oo nga!" sang ayon naman ni Kurt.

"Pag untugin ko kayong dalawa jan." sabi ko naman.

"Ano ba kasi yon?" tanong ni Blake.

"Ethan ano nga ulit yung pangalan ng sinasabi mong lalaki?" tanong ko kay Ethan.

Napatingin naman siya sakin na parang nalilito.

"Nathan." maiksing sagot niya.

"Wala talaga kayong naaalala?" tanong ko.

Yung mga muka palang nila ay tila wala na silang naiintindihan sa mga sinasabi ko.

"Ok since you can't talk. I will explain it to all of you! Lalo ka na Ethan." sabi ko naman. Putol na yata ang dila ng mga kaibigan ko.


My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now