CHAPTER 74: Where Are You?

Magsimula sa umpisa
                                    

Wag na wag niyong gagalawin ang kahit na sino kundi magbabayad kayo.

Lutang na lutang akong naglalakad pabalik sa resthouse. Hindi manlang ako nakalaban sa kanya. Ganon na ba ako kahina? O sadyang ayoko lang na may mapahamak?

Nang makarating na ako sa resthouse ay bumungad sa akin si AC na naka upo sa may hagdan.

Tinignan ko lang siya at naalala ko yung nangyari kanina.

Sorry AC. I need to do this. Mahalaga ka rin sa akin pero hindi ako papayag na may mangyari sa kapatid ko.

Naglakad ako ng diretso at hindi siya pinansin. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Pero wala akong magawa. Nagtungo lang ako sa kwarto at nahiga doon.

Paano ko to aayusin? Anong gagawin ko?

"Ethan ano yon?" tanong ni Blake habang papasok ng kwarto.

"What?"

"Alam mo ba na kagabi ka pa niya hinahanap? Halos mabaliw na siya kakahanap sayo. Tapos ngayon parang hangin siya para sayo. Nakikita ko sa mata niya na nasasaktan siya."

Alam ko Blake. Alam ko. Doble yung sakit para sa akin.

"Ano naman?"

"Anong problema? Wag kang magsisinungaling sa akin kilala kita. Subukan mong magsinungalin lilipad tong TV sa muka mo." pagbabanta niya sa akin.

Kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang sabihin sa kanya lahat ng nangyari kanina.

"So anong balak mo? Iiwasan mo nalang siya? Ganon nalang yon?" tanong niya.

"Hindi ko alam. Aayusin ko to. Sa ngayon kakamustahin ko nalang muna sina mommy." sabi ko at lumabas ng bahay.

"Mom"

[Yes hijo? Nasaan ka?]

"I'm here sa resthouse."

[Who's with you?]

"I'm with my friends. Kamusta naman kayo ni Euniece?"

[We're fine. Nandoon siya sa taas she's taking a nap.]

"If something happens tawagan niyo lang ako. I'll call you again tomorrow."

[We're fine hijo wag mo kaming alalahanin. Sige na mag enjoy na kayo jan ng mga kaibigan mo.]

Pinatay ko na yung tawag at nakita ko naman si AC at Matt na naka upo sa kubo.

Bakit ang sakit?

Pumasok na ulit ako sa loob ng bahay at naligo na.

Maggagabi na pero nasaan si AC?

"Blake!"

"Bakit ka sumisigaw?"  inis niyang tanong. Oo nga pala ayaw pala niya ng sumisigaw.

"Nakita mo so AC?" tanong ko.

"Kasama niya si Matt. Wait bago ka mag react jan. Alalahanin mo ginusto mo yan." sabi niya at pumunta na sa kwarto nila.

Magkasama na naman sila. Nauulit ba yung dating nangyari?

Ilang minuto na din akong naghihintay dito sa sala. Nasaan ba sila?

"Pakibuksan tong pinto!" boses yon ni Matt.

Agad kong binukasan ang pinto at nakita ko na buhat niya si AC. Parang may sumaksak sa puso ko.

Tinignan lang ako ni Matt at...

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon