043

345 13 4
                                    

[043]

Peter’s POV

“Hoy, kalalake mong tao, umiiyak ka,” inabutan ako ng tissue ni San Pedrro daw.

“Ikaw din naman ah,” inabot ko yung tissue na di ko alam kung saan niya hinagilap. Nasa langit na nga ako.

“Hindi ah,” tumalikod siya sa akin tapos ay suminga, “halika na, sa opisina tayo.”

Nauna siyang naglakad. Sumunod lang ako.

“Dahan-dahan,” sabi niya sa akin ng bumangga ako sa kanya. Di ko kasi tinitignan ang dinaraanan ko eh. “Oh, sumusobra ka na, dito na tayo,” sabi na naman niya nang lagpasan ko naman siya.

“Ah.”

“May misyon kang gagawin para mabuhay---“

“Ayoko nang mabuhay.”

“Ngee? Yung iba nga, halos dambahin ako para lang magkarun ng pagkakataong mabuhay eh ikaw naman tumatanggi?” napatigil siya sa giangawang paghahalungkat sa mga gamit doon. May desk kasi doon, opisina nga.

“Bakit ba ako gustong mamatay ni Nutella? Ang sabi, kapag nasa langit na ang isang tao, malalaman na niya kung ano ang hindi pa niya alam?”

“O eh bakit yung iba di pa rin mahanap si ‘x’ sa algebra kahit na nandito na sila?”

(-_-)

“Joke!” bawi agad niya, “oh hiramin mo muna, nakaset na yan, i-play mo na lang,” sabay abot sa akin ng cellphone.

Ayos ah. Heaven, may gadgets?

Nag-play na...

“Kayo na ba talaga ni Natasha?” ito yung time na nag-usap-usap kami nina Lincoln sa likuran ng cr... noong ball namin nung highschool.

Nakatago si Nutella sa likod ng pader. Nandoon pala siya noon?

“Hoy, ang tanong ko, kayo na ba ni Natasha?”

Tinanong ko rin ang sarili ko noon kung kami na nga ba ni Nutella.

“Nope,”umiling-iling ako, totoo naman, hindi pa kami, “bro, nasabi ko na noon na pinabantayan lang siya ni papa di ba? And I agreed for the increase of my allowance.”

“Lupit mo, bro, akala ko kayo na talaga,” sabi ni Lincoln.

Anong malupit doon eh totoo namang pinabantayan lang sa akin si Nutella?

“Hindi ako malupit, bro. Napag-utusan lang akong mag-baby sit.”

Nakita ko ang pait sa mukha ni Nutella. Parang alam ko na kung bakit siya galit.

“Pero gusto mo ba siya? Malapit ka sa kanya eh?”

“Ha? Malapit nga siguro ako,” pagkatapos kong sbaihin yun ay tumakbo na palayo si Nutella. Hindi na niya narinig ang sumunod na sinabi ko... na mahal ko na siya.

“Tapos na?” tanong sa akin ni San Pedro.

Binalik ko na sa kanya yung cellphone. “Ayoko ng mabuhay pa.”

“Ang tigas naman ng noo mo. Ano ba talaga?”

“Hindi ko alam.”

“Habang di ka pa nakakapag-isip ng matino, magtrabaho ka muna dito, ok ba yun? Wala kang sweldo ha.”

“Sa langit na ba ako?”

“So gusto mo na ngang mamatay?” (-_-) “Siyempre hindi! Sa boundary ka, haaay, may papalit na rin sa akin dun,” iniunat niya ang likod niya.

“Anong gagawin ko dun?”

“Mag-ga-gangnam style.” (-_-)

“Aisht.”

“Joke! Tuturuan kita,” tatawa-tawang sabi pa niya sa akin.

Nauna na naman siyang maglakad at bumalik kami sa pinaggalingan namin kanina.

“Dito ang boundary, ito ay mesa,” tinuro pa niya ang mesa, “ito ang upuan,” ang upuan naman ngayon, “tapos yan ang ballpen---“

“Valedictorian ako nung highschool at cum laude nung college,” di na ‘ko nakatiis.

“Mwehehe, joke lang naman.”

Pagkatapos nun ay nagseryoso na siya.

May tinuro siya sa akin kung paano iyon at yan at ang mga iba pa.

“Kapag nakapagdesisyon ka na, tawagin mo lang ako,” he tapped my shoulder, “nga pala, may hiling ka mamatay ka man o mabuhay...” pagkatapos ay nawala na siya.

Mag-isa na lang ako.

“Boom.”

“Aisht!” nahawakan ko ang dibdib ko nang sumulpot an anman siya sa harapan ko.

“Maari kang mag-stalk sa lupa, ok? Pero kapag may trabaho ka, wag kung anu-ano inaatupag mo, ba-bye na, inaantok na ako. Isang libong taon na ang lumipas nung huli kong mahigaan ang kama ko. At gusto mo ba ng halo? Gaya nito?” tinuro niya nag kulay yellow na bilog sa ulo niya, bago pa ako makasagot ay tinuktukan na niya ang ulo ko, “hayan, meron na pero pansamantala lang yan,” humikab pa siya at tuluyan nang naging usok.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang nasa langit na ako... nasa boundary pala.

“Naku, mare! Kung nabalitaan mo lang sana kung ano ang mga nangyayaring kababalaghan sa showbiz ngayon sa lupa!”

Mula sa makapal na puting usok ay may lumitaw na dalawang ababe. Isang payat na matangkad at isang matabang pandak.

Nag-chi-chismisan sa langit?

“Dito na ba tayo, mare? O yang gwapo naman,” pasimpleng iniipit pa nila ang mga buhok nila sa likuran ng mga tenga nila.

Pinaikot ko ang mga mata ko, wala palang pinagkaiba ang langit sa lupa.

“Pangalan po?” tanong ko. Nakahanda na ang mga kamay ko sa pagta-type sa keyboard. Yes, high-tech sila kasi hindi manually ang paghahanap ng pangalan.

“Karen Piniera, single, 25 years old,” sabi nung babaeng payat at nag-beautiful eyes pa sa akin.

“Melody Ramos, 24, mas single,” sabi naman nung babaeng mataba.

Tinignan ko ang records nila. “Hindi kayo maaaring pumasok, may mga kasalanan kayo gaya ng pan-chi-chismis at ika-labing siyam na subok na ninyo ito,” nanlaki pa ang mga mata ko. Labing siyam?! 19? Hanggang ngayon, di pa rin sila nakakapasok?!

“Naku, mare, sabi sa iyo eh,” nagturuan pa sila at walang anu-ano’y umalis na.

Ganito ba ang gagawin ko?

Hanggang kailan ko matitiis to?

***

Author: Ang lame ko T^T

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelWhere stories live. Discover now