016

368 25 16
                                    

[016]

Natahsa’s POV

Ow-kay, Tuesday ngayon so civilian kami ngayon. Ano kayang isusuot ko? Hmmm. Maganda naman na ako, kahit di na ako magdamit sosyal, okay na yan!

Pink cotton blouse, blue leggings tapos yellow wedge na regalo pa sa akin ni Kuya Jono nung first time na mag-meet kami. Hay, para akong candy nito. Super colorful!

Lumabas na ako.

“Hmm, Natasha, dahan-dahan sa labas ah, baka ka langgamin,” pang-aasar sa akin ni Kuya Jimmy.

Nagtawanan pa sila ni Kuya Jono. Grabeh naman.

“Eh ang ganda kaya?” pinasadahan ko ang sarili ko. Hindi naman siguro ako lalanggamin nito, eh parang nakakasilaw lang naman. “Regalo pa kaya ni Kuya Jono tong wedge ko.”

“Buti na lang, wedge lang niregalo ko. Pfft. Bansot mo kasi kaya ganyan niregalo ko sa iyo! Mwahaha!”

“Sagad sagad kayo sa panlalait sa akin ah!” wit ako keyr!

“Halika na nga, ihatid na kita,” sabi ni kuya Jimmy.

“Oks ba.”

Nagkotse kami. Mayaman ang family namin eh---sila pala.

*travel*

Hinatid niya ako sa harapan mismo ng building na pagkaklasean namin. “Salamat, kuya! Mwah mwah!” nagba-bye na ako sa kanya habang siya ay pinipilit na itago ang mukha sa mga schoolmates ko. Nahihiya pa yata sa pinaggagawa ko.

“Miss Natasha!”

“Hi, Mhea!” as usual, nakaduster na naman siya, yung tipong abot hanggang talampakan. Mukha siyang ‘manang.’

“Natasha!”

“Roda!” eto naman, fashionista pa rin ang dating. Mas maganda pa yata sa akin eh, mukha siyang mannequin.

Nagbeso-beso kami ni Roda. “Mukhang bff na kayo ni Mhea ah?” bulong ko kay Roda.

“Gaga. Lapit ng lapit eh, alangan namang ipahiya ko noh?”

“Ang ganda po ninyo ngayon,” -(*o*)- puring-puri na naman si Mhea.

Bumulong ulit si Roda, “kailangan na niya ng makeover girl.”

“Sa tingin ko nga,” at tinignan si Mhea.

***

“Hindi ko alam na may walking garland pala sa MH.”

Nilingon ko yung nagsalita, si Claire! Hmp! Ano na naman bang kelangan ng babaeng to?

“Wag mo na lang pansinin, girl, nagpapa-epal lang yan,” pigil sa akin ni Roda. Nasa kwarto na kami ngayon. Busy ako sa paghahanap kay Peter mah labsss tapos biglang sumulpot ang mga Peternatics. Psh.

“Gumilid-gilid ka nga, Claire, humahara-hara ka eh may hinahanap ako,” kung pwede lang sana kasing hawiin ko sila isa-isa, marahil ay ginawa ko na.

Humalukipkip sa harapan ko si Claire, mas lalo ngayong wala akong makita, “maliit ka kasi kaya wala kang makikita.”

“Higante ka naman kaya pwede ka ng pambara. Alis ka nga!”

Aba’t hinahamon ako? Talagang di umalis eh!

“Bakit ba? Eh sa gusto kong tumayo at titigan ang garland---ops---ikaw pala yan! Suot mo pala yung kanina ko pa nakikitang nakakapanira ng mata?” nagtawanan pa sila.

Like duh! Di naman nakakatawa yun ah! Korni! “At least di ako gaya mo na bitin kong magdamit, halos lumuwa na yung---ugh---“ tinignan ko yung V-neckline ng suot niyang damit, luluwa na talaga! “Kakahiya ka naman!”

“You don’t care, basta tandaan mo to, layuan mo si Peter. Or else...”

“Or else what?” tumayo pa ako.

“Bahala ka.”

Nakalinyang umalis na sila sa harapan ko. Umingos ako bago umupo ulit.

“Nutella.”

Peter, mah labsss! “Hi, Peter!” nandiyan ka lang pala!

“Outside. Now.”

Para naman siyang commander kung makapag-utos nito. “Oo na,” tinignan ko si Roda, “babush muna, girl, kakausapin lang ako ng kinabukasan ko. Hihihi.”

Pinaikot lang niya ang mga mata niya. I took that as a ‘yes.’

Takbo agad ako sa labas ng classroom.

Saan na si Peter?

“This way.”

Napakislot pa ako. Nanggugulat eh!

Sinundan ko si Peter. Umakyat kami sa hagdan, tapos may binuksan siyang pinto. Ayun! Rooftop pala yun.

“Wow... ang ganda...” kitang-kita dun ang buong MH. Ang lawak pala.

“Why that?”

“Huh?”

“Bakit ganyan ang damit mo? Psh. Dalaga ka na, di ba? So dapat, glamorosa ka na. Hindi dapat ganyan. Mukha kang bata, hindi dalaga.”

A-ano? “Bakit ko kekelanganing maging glamorosa? Maganda naman na ako ah.”

“Hayan. Asal-bata ka rin. Pouting pouting!”

“Ang gulo mo, palits!” tatalikuran ko na sana siya.

“Rule number one, ayoko ng asal-bata. Rule number two, ayoko ng maingay. Rule number three, ayoko ng late. Rule number four, ayoko ng mabagal. Rule number five, ayoko ng tanga. Rule number six, ayoko ng magulo. Rule number seven, ayoko ng makulit. Rule number eight, ayoko ng sumasabad sa usapan. Rule number nine, ayoko ng pinaghihintay. Nakuha mo lahat?”

“Teka lang! Eh sana sinabi mong magbaon ako ng notebook at ballpen para naisulat ko lahat ng sinabi mo!” nakakainis itong si Peter, kahapon lang, ang bait-bait niya sa akin. Psh. Anong nangyare ngayon? Grr.

Sinuksok niya ang mga kamay niya sa pantalon niya at naglakad na patungo sa pinto.

“Hoy! Teka!” nang-iiwan ee!

“Rule number four, ayoko ng mabagal.”

Nagmadali ako sa paghabol sa kanya. Sa pagmamadali ko, nauntog ako sa pinto, “aray naman, oo!”

“Rule number five, ayoko ng tanga.”

“Oo na! Ako na tanga! Ako na mabagal! Ako na lahat-lahat!”

“Rule number two, ayoko ng maingay.”

Taehnang rules yan! “Oo na nga... hindi na ako mag-iingay... opo... opo...” binubulong ko lang iyan. Psh. Swanget ni Peter Palits ah!

***

Author: Sa mga Julia Montes fanatics po diyan, nag-post ako ng bagong story entitled “Beyond my Wonderland” starring Julia Montes. Isa po siyang insert-your-dream-guy-beside-Julia story. Thank you po!

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon