015

382 24 8
                                    

[015]

Natasha’s POV

Ang utak ko, parang bakanteng kwarto---WALANG LAMAN!

Uwaah!

Test namin ngayon pero wala akong maisagot! Ang yabang ko pa kay Peter nung isang araw na kalaro ko lang ng Chinese garter si Gat Jose Rizal noon. Di kasi ako nagbukas ng notes ko. Inisip ko pa kasing mabuti kagabi yung sinabi ni Jason. Gusto daw niya ako... at gusto din daw ako ni Peter!

End of the world na ba?!

Hay! Ang haba kasi ng hair ko na shinampoohan ko ng Dove kaninang umaga. Ang soft-soft talaga! Endorser lang.

Pero...

Blangko talaga! Wala akong maisagot!

“Miss Cademias!”

“Miss Cademias! Tipkalong naman,oo!” napatalon pa ako sa upuan ko. Grabe kasi tong teacher namin kung makasigaw! “Ano po yun, ma’am?”

“Kanina ka pa di mapakali, may problema ba?”

Natatakot ako sa pagkakataas ng halatang dri-nawing na kilay niya, “o-ok lang po ako, ma’am, wala pong problema.”

Umalis na siya.

Peter! Peter! I need you now!

Pagtitiisan ko na lahat ng sermon mamaya ni Peter basta magpa-kopya lang siya! Oo! Gagawin ko! Mapapahiya ako nito ni papa :3 Darating pa mandin na siya sa huwebes! Three days from now. Uwaah!

“Nutella...”

Oh, Peter, meh labsss! “Bakit?” *eyes blink eyes eyes blink blink*

Ay iniaabot siyang bilog na papel. Umingos ako. magpapatapon lang pala! Akala ko kung ano na. Kinuha ko yun tapos tumayo at binasura sa basurahan na malapit lang naman sa akin.

“Ahy, tanga.”

Tumingin ako kay Peter. Sa test paper naman siya nakatingin, baka may mali lang siyang nasagot... eh paano na ako?! Wala talaga akong maisip! Di pa mandin ako nakikinig kapagg nagle-lecture ang  teacher.

“Nutella...”

“Ano na naman?” inabot ko na naman yung paple na pinababasura niya. Namumuro na siya ah!

“Shit!” mismong sa mukha ko na niya sinabi iyon.

Gulat naman ako. Anong nagawa ko? “Huh?”

Kulang na lang yata ay kalbuhin niya ako sa inis. “Stand up.”

At ngayon, bigla-bigla siyang mag-uutos?! “At bakit ko gagawin yun?” mahinahon ko pa ring sabi kahit na ang sarap-sarap na niyang barahin.

“Ma’am, may mens po si Nutella, kailangan niyang umuwi, ngayon na,” biglang sabi ni Peter, take note, malakas ha?

“Mens?!” menstruation?! Next week pa kaya!

Napatayo ako dahil dun.

“Ahy!” sabay-sabay na napasinghap ang mga classmates namin tapos unti-unting tumawa.

Tumingin ako sa likod ng palda ko. Omo?!

Naupo ako bigla. Naiiyak na ako sa hiya. Meron nga! Pero kailangan pa bang ipagsigawan talaga ni Peter? Uwaah!

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα