035

297 10 8
                                    

[035]

Natasha’s POV

“Anong gagawin natin dito? Papanoorin kitang tumalon diyan pababa? Go, naiinip na ako,” walang ganang sabi ko kay Peter. Nasa burol kami ng Loser Village, dun din sa pinagdalhan sa akin ni Jason noon pero amlaki na ang pinagbago ng burol na iyon ngayon. Na-develop na siya into tourist spot, may kainan din doon.

“Kakain tayo, ano ka ba,” pinaghila niya ako ng upuan.

Hindi ako umupo sa hinila niya, humila ako ng iba at doon pumwesto. “Pwede namang sa bahay na lang ako kumain kesa dito na nakikita pa kita, mas lalo pang di ko malunok ang kakainin ko.”

“Ang sakit mo namang magsalita.”

“At ako pa ang masakit magsalita ngayon?” bumuga ako ng hangin.

“Mag-order na nga lang tayo, ngiti ka na nga lang, nawawala ka-cute’an mo oh,” pipisilin pa sana niya ang baba ko pero pinalo ko ang kamay niya.

“Wag mo nga akong hawakan, may bacteria yang kamay mo. At ang ‘cute’, para sa mga isip bata. Psh.” May lumapit na waiter, “yung pinakamahal nga, lahat pinakamahal, main dish, soup, drinks, lahat.”

“P-po?” nautal pa yung waiter.

“At akala mo nagbibiro ako? Magkano ba kailangan mo ha para ibigay sa akin yung sinasabi ko?” asik ko sa kanya.

“Ahaha, nagbibiro lang siya sa huling part na sinabi niya, ibigay mo na lang ang gusto ng girlfriend ko,” salo ni Peter.

“Girlfriend? Gusto mo saksakin kita?”

Nakahalukipkip lang ako habang hinihintay yung order namin. Ang tagal.

“Why change, Nut?”

Tinignan ko siya, pailalim, “you don’t know, huh? Playing safe?”

“Is this really the life you’re wishing for?”

“No,” tahasang sagot ko. Nakita kong kumislap ang mga mata niya, “’cause you’re still alive. I want you dead and be gone.”

“Aww. That hurts.”

“Nasasaktan din pala ang mga katulad mo.”

“Here’s your order, ma’am, sir---“

“Eh kung nilapag mo na lang diyan eh di nakatipid ka pa sa laway, istorbo,” hindi ko alam kung bakit basta nakikita ko si Peter ay nadadamay sa kainitan ng ulo ko ang mga taong nasa paligid namin. Psh.

“I’m sorry, Nut.”

“Too late for that.”

“I’m sorry though I don’t know what my mistake is.”

“MistakeS ARE.” Diniinan ko pa talaga yung ‘S’ at ‘ARE.’ “Kumain ka na para may lakas ka pang humarap kay Satanas kapag namatay ka na.”

“You really want me dead?”

Tinignan ko siya sa mata at parang malungkot siya. Ang galing talagang magpa-awa ng hinayupak.

“Yes. Did I now make my self clear?”

“I really don’t get it why you hate me.”

“Magpakamatay ka, kausapin mo si San Pedro tapos tanungin mo kung anong kasalanan mo, iyon hindi sinungaling kaya sasabihin agad sa iyo.”

“Hmm...”

Minasahe niya ang baba niya.

“You really have plans?”

“Yes.”

Ang bobo. Gagawin nga.

“Good luck. Just go to hell at makipag-shake hands sa mga kalahi mo.”

Tinuloy ko ang pagkain ko, sayang naman yun, hayaan na lang kahit na kaharap ko si peter. Ugh.

***

Author: T^T Bakit naka-chapter 34 to? Ang dami na. T^T

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon