033

336 16 8
                                    

[033]

Natasha’s POV

Nakapangalumbaba ako sa table. Nasa tambayan kami--- sa coffee shop.

Pinapaikot ko ang cellphone ko sa gitna, naka-open pa doon ang binabasa ko sa wattpad pero kahit gaano pa yun kaganda, nawalan na ako ng gana, itutuloy ko na lang kapag maayos na ang takbo ng utak ko at maka-comment ako ng maayos dun.

Unfair naman kasi sa author ng kwento kung basta na lang ako magcocomment ng hindi naman maayos. And yeah, seven years ago, nagsimula akong magsulat ng sarili kong kwento. Sa ngayon, lihim muna ang pagkatao ko doon. There will come a time na sasabihin ko din kung sino ako.

“Hay naku, girl,” intro ni Roda, “alam mo ang prescription diyan? Bumili ka ng gamot, ‘move on’ tablet kamo. One thousand dosage, if symptoms persist, consult Peter, ok?”

Tinignan ko siya ng masama.

“Pabili nga ako, may benta ka?” sakay naman ni Mhea.

“Mag-iimbento ako ng kape para sa inyo, yung malilimutan niyo ang mundo,” sabi naman ni Claire.

Kaloka mga to. Sarap padalhan ng atomic bomb--- yung sabay-sabay.

“Tigil-tigilan niyo nga ako,” ginulo ko ang buhok ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa magulong buhok ko, buti na lang bagong rebond ako ngayon kaya bumabalik sa dati ang ayos ng buhok ko. “Ugh. Di ko alam ang gagawin ko.”

“Pakamatay ka,” si Roda.

“Tumalon sa bangin,” si Claire.

“Magmahal ulit,” si Mhea.

“Eh?” sabay pa sina Claire at Roda na tumingin kay Mhea.

“Kahit kailan talaga, ang weirdo mo,” dinutdot ni Claire ang sentido ni Mhea, “o di kaya naman salubungin mo yung ten-wheeler diyan sa highway,” tuloy an naman niya sa akin.

“Magpakasosyal ka, girl, sa limousine ka magpabangga,” tumawa si Roda at nakipag-apir kay Claire, “ayos na ba yun, sisturrr?”

“Bet na bet, sis.”

“Kaibigan ko ba talaga kayo o ano?” di ko alam kung paano nga ba kami naging magkakaibigan. Masyado silang ewan. “Meh sasabihin ako...”

“Ano yun?” all ears naman sila ngayon, basta chismis talaga, ang dali-dali nila.

“Magpapakamatay ka?”

“Magbibigti?”

“Mai-inlove?”

Sheez! Ano ba naman sila, kailan ba sila titino?!

“Mhea,” sabi ko.

“Yes?”

“Shut the hell up.”

“Ok.”

“Oh, ano na nga yon?” nawawalan ng pasensyang pagtatak-tak ni Roda sa akin.

Tumingin ako sa kanila isa-isa, “hindi na ako---“

“Nutella! Nandito ka lang pala, hinanap kita sa bahay niyo, nagpunta pa ako sa unit mo. Buti na lang nagtanung-tanong ako sa guard sa unit mo at nasabing baka nandito ka at kasama sina--- Hi, Claire! Hi, Roda! Hi, Mhea!”

Hayan, sinusundan ako ng malas.

Thank you, ang malas-malas ko. Baka may gustong makipag-share ng kamalasan diyan? Hindi ako madamot mamimigay ako!

“Ahy! Fafa Peter!” makatili naman tong si Roda, “lalo kang gumwapo ah!”

Ang balimbing ni Roda. Pinagbantaan ko siya ng tingin.

Parang kelan lang nung halos isumpa niya si Peter dahil pinaiyak daw niya ako.

Sinabi pa niyang isusumpa daw niya si Peter kapag nakita niya pero bakit ngayon ay halos sambahin pa niya?!

“Peter! Oh--- my! Sabi ko na nga ba’t kaw yung nakita ko sa labas!” isa ka pa Claire. Talagang ibabalot ko na kayo at isasakay sa spaceship ni Kokey para gawing alila sa Yekok.

Ugh! Tinignan ko si Mhea at humihingi ng tulong sa kanya, nginitian niya ako. Ngiti lang.

“Natasha,” tawag sa akin ni Peter.

Oh please naman, tukso, layuan mo ako!

“Natasha daw, ang bingi naman,” tinulak-tulak pa ako ni Roda. Putakteng bading ka. Gagawin kitang lalake.

“Oh?” walang ganang sagot ko kay Peter.

“Labas tayo.”

“Ahy sige, kunin mo siya, wala naman siyang naitutulong dito sa shop.”

“Oo nga, may gagawin pa kami ni Mhea, di ba, Mhea?”

“Ahy, oo. Tara na, Roda.”

Sabay pang tumayo sina Mhea at Roda.

“Tinatawag na ako ng isa kong crew, ba-bye na muna,” tumalilis na rin si Claire.

Halata ko yun.

Alam kong gumagawa lang sila ng dahilan para mapagsolo kami ni Peter. Ugh! Kung alam lang nila ang nangyari nung minsang maging tanga ako!

***

Author: But, baby, nevermind. LOL.

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelWhere stories live. Discover now