021

373 20 3
                                    

[021]

Natasha’s POV

“♪♪♪Ang pag-ibig

hindi parang cellphone...

pag naluma, papalitan♪♪♪” pagkatapos kong sambitin ang mga katagang iyon ng kantang “Pag-ibig by Yeng Constantino” ay sumulyap ako sa kinauupuan ni Peter mehlabsss.

Kumakanta lang naman ako sa videoke sa cottage na inupahan namin. Kami yata ang pinakamaingay na grupo doon sa resort na iyon eh.

“♪♪♪Ang pag-ibig

Hindi parang damit...

Pag may bagong uso, papalitan♪♪♪” tinuro ko si Peter tapos si Jason.

“Go, Miss Natasha!” pumalakpak pa si Mhea na siyang katabi ni Jason.

“Yeah, Natasha!” sabi naman ni Jason, “even though I really don’t understand the lyrics.”

Natawa naman ako nang biglang mag-esplika si Mhea kay Jason kung ano ang ibig sabihin ng kinakanta ko.

“♪♪♪Kung sabihin kong mahal kita

Yan ay totoo sinta

Wag na wag kang magdududa

Di kita binobola♪♪♪” lumakad ako palapit kay Peter.

Nakita ko si Roda na parang sinasabing: “Ang landi mo,” sabay paypay sa sarili at tingin sa malayo.

Inikutan ko si Peter.

“Tama na nga yang kanta mo,” sabi niya sa akin sabay tanggal ng kamay ko sa batok niya.

Binaba ko ang ulo ko sa may tenga niya, tinanggal ko ang mic sa bibig ko, “♪♪♪Panghabang-buhay ang pag-ibig ko sa yo, oh sinta---“

(O(“”””)

(O.o) <--- Jason

(^O^) <--- Mhea

(O_^) <--- Roda

Kanya-kanyang reaksyon.

Pagkatapos kong sabihin ang salitang ‘sinta’ ay lumingon si Peter.

Sakto namang nakasara n ang bibig ko.

TAPOS NAGSALUBONG ANG MGA LABI NAMIN!

Uwaah!

Di na virgin ang lips ko!

Di na ako “NO KISS SINCE BIRTH!”

Una ay nanlaki ang mga mata ko at parang dini-gest pa ng utak ko ang mga nangyayare bago ko na-analyze lahat-lahat. Yung reaksyon na “sows, nagki-kiss kami ni Peter oh” ay napunta sa “waah! Nagki-kiss kami ni Peter!!!”

Wala sa loob na humiwalay ako sa kaniya. Binitiwan ko agad ang mic tapos dahan-dahang naglakad palabas ng cottage. Nakakahiya grabeh!

“Shunga, shunga talaga, Natasha!” sinipa-sipa ko pa ang buhangin tapos nagdabog-dabog.

Pero... hinawakan ko ang labi ko... may first kiss na ako, dalaga na ba ako?

Naglakad lang ako ng naglakad... “uh-oh...” pansin kong wala na masyadong tao sa kinapadparan ko. Di bale na! Naupo ako sa isang tuyong kahoy dun, inaabot iyon ng alon ng dagat.

“Nanang oh, nagda-dalaga na ako. Meh halik na ako. Pero, nang, wag mo naman akong multuhin nang dahil lang dun, sikreto muna natin yun kay Daddy Ran at sa dalawang kuya ko...” nag-pout ako habang kausap ang tubig-dagat as if ang namayapang nanay ko yun.

Naramdaman kong may kung anong basang binato sa likuran ko.

“Nang, naman. Sabi nang wag akong multuhin eh!”

“Nutella.”

Omo?

Umupo sa tabi ko si Peter.

Tingin na lang sa gilid, Natasha, para di mahalatang nahihiya ka.

“You will die a virgin.”

“Anong sabi mo?!” gaguh! Napalingon pa ako sa kanya dahil dun.

Tumingin siya sa kin,”you’re a lame kisser.”

“Eh patawad naman! First time, di ba?!”

“Is that so?”

“Is that so ka diyan! Tumingin tingin pa kasi ee! Yan tuloy!” nais kong magmaktol sa harapan niya ngayon mismo. Nakakainis siya. “Pakasalan mo ‘ko!”

“Is that what you want?”

*Isip* “Wag na lang muna pala, 16 pa lang ako. Next 2 years na lang.”

“Ok.”

“Weh?” totoo?

“No.”

“Sabi ko nga.”

Feeler talaga. Psh.

Nakatingin na ako sa paanan namin ngayon na inaabot ng tubig-dagat. Wala sa loob na sumandal ako sa balikat ni Peter.

“Jason confessed. Pero di ako nag-react. Naisip ko kasing mas bagay sila ni Mhea...” sabi ko. Pang-oopen lang ng topic.

“Then?”

“Hayun. Ayoko namang paasahin lang siya,” kumuha ako ng basang buhangin tapos tinunaw din sa tubig, “hindi ba, masama naman talaga ang magpa-asa?”

“Yeah.”

Ang non-sense talagang kausap ni Peter.

Nanahimik ako saglit.

Maya-maya ay naramdaman kong hinahaplos na ni Peter ang buhok ko. Napangiti ako. Buti na lang pala nasa dagat kami, kung hindi, siguradong lalanggamin na kami sa sobrang ka-sweet’an! Haayan, kumu-korni na rin ako.

“We both know you like Jason,” pakli ni Peter.

“Oo,” pero iba naman ang ‘gusto’ sa ‘mahal.’

“But why?”

“Wala lang,” dahil sa yo, manhid.

***

Author: Naaliw ako sa kantang ‘Think of Laura.’ So, naaaliw lang ako at hindi na-inspire. XD

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelWhere stories live. Discover now