020

336 19 5
                                    

[020]

Natasha’s POV

“Yuhoo, Peter palits! Tengeneng talaga! Hayan at mayaman na ang mga tamad nating kapitbahay pero hayan ka pa rin at nakahilata! Bangon na! Late na tayo! Wootwoot!” dating gawi ako ngayon! Alarm clock ni Peter! Pero this time, medyo late ako, lagpas 7 na eh.

“Ugh!” dinig kong malakas na angal ni Peter, pupungas-pungas pa siyang naglakad patungong verandah, “it’s Saturday!”

“So? Ano ngayon kung Saturday? Wala ka ng balak bumangon sa kama mo, ganun?”

“Psh!”

Nilayasan na ako ni Peter kaya lumayas na rin ako sa verandah. Hay! Ang dali ng araw, sabado na naman.

-ring ring-

Cellphone ko oh! “Hell---low?” mahabang sagot ko habang iniikot-ikot ko ang daliri ko sa buhok ko.

“Bruha ka! Labas ka ng bahay niyo, dali!!!”

“Aray naman!” nabasag yata ang eardrums ko sa tili ni Roda, grabehan siya. “Teka! Teka lang!” in-off ko na agad ang cellphone ko tsaka tumakbo palabas ng bahay.

“Gerlashhhhh!”

Napangiwi ako ng makita ko siya, imagine this, naka-wide brimmed hat plus raffled blouse tapos nakashorts at nakatsinelas ng may plastic shells na nakadikt sa tsinelas niya. “Drama mo?”

“Mag-si-swimming tayo! I’m with Mhea, hayun at nilalandi si fafa Jason sa loob,” sabay turo sa nakabukas na gate nina Peter, “kita mo na? Hang lande ng babaeng yan por que gumanda na---“

“Ayie! Inamin mo rin na maganda na siya! Ayie yie yie!”

“Heh!”

Tumakbo palapit sa amin si Mhea, “Hi, miss Natasha!---“

“’Natasha’ na nga lang!” kakailang ang ‘miss’ ‘miss’ ‘miss’ niya eh!

“Sasama po si---“

“Eh bakit may ‘po?’” Ganun na ba ako katanda para i-‘po’ ako?

“Sasama si Jason!”

“Ahhh---okay! Kayo na lang ang pumunta, mao-OP lang ako doon ee,” pinagpatuloy ko ang pagpapaikot ng daliri ko sa buhok ko.

“Ano ka ba, gerlash! Sumama ka na! Ngayon na nga lang tayo mag-a-outing eh! At saka eksakto, magpa-tan ka para sa incoming ball... substitute yun ng Junior-senior prom!”

“Tan? Sa kulay kong to, magpa-pa-tan pa ako? Wag na noh. I’m satisfied with my color, you know,” hindi naman ako ma-itim. Di rin naman ako maputi. Tama na yun.

Nakita kong palabas si Jason sa gate nila, “hey there! Peter says he’ll be coming.”

“Sasama naman pala si Peter kaya sasama na rin  ako. Wait lang, kukuha ako ng gamit ko,” kambyo ko tapos pumasok na ng bahay.

“Oh?” kinakamot pa ni Kuya Jono yung batok niya nang lumabas siya ng kuwarto.

“Magsi-swimming kami, ah? Kasama si Peter at si Jason at si Mhea at si Roda! Yeyeeeey!” patalun-talon pa akong nagtungo sa kwarto ko. “♪♪♪ tit tiririt! Boom boom! Tit tiririt! Sheneng sheneng! Tit titririt! Natasha... kaboom! ♪♪♪”

“Passcode accepted. Natasha detected.”

Yown! Galing talaga ng passcode ko kahit kailan! Hindi ko pa pinapalitan yun kasi ang kyut ng labas eh!

“Tsk tsk tsk. Nakakahiya yang passcode mo, Natasha,” sabi ni kuya Jimmy.

“Palitan mo na nga,” sunod ni Kuya Jono na parang nanood lang ng intermission number.

Humaba agad ang nguso ko, “ang kyut nga kaseeee! Makulit eh! Hala tsupi! Kukuha pa ako ng swimsuit ko, yung two-piece! Wehehehe!” nag-peace sign pa ako.

“Natasha!”

“Wag mong gagawin yan!”

Nung makita kong pasugod na sila ay agaad kong sinara ang pinto ng kwarto ko. Mas conservative pa sila sa akin!

***

“Nahihiya ako, girl!” ngayon, tinubuan na ako ng hiya!

Tinampal ni Roda ang noo ko, “gaga ka. Di ka na sana nagdala ng ganyan kung di mo naman pala kayang isuot noh.”

Pinasadahan ko uli ng tingin ang suot ko. Naka-two-piece ako na pinatungan ko ng short-shorts. May suot din akong see-through na kulay beige na lagpas lang sa short-shorts ko. Hayun, ang sexy ko talaga, nagdadalaga eh. Ahyiiiee! “Malay ko bang beach pala na sikat pupuntahan natin? Daming parenjers sa labas oh... tapos... kasama pa si Peter mah labsss!” Dalawa namang swimwear ang dinala ko, pareho pang bago kaso yung isa, di ko type. Parang di bagay sa character ko.

Peter mah labsss ka jan! Wag mo ng pangarapin ang tuod na yun, now go out and show your body!” nasa loob kasi kami ng cottage, dalawang cottage na magkatabi ang kinuha namin, one for boys at one for girls---including Roda. “Hoy, Mhea! Di ka na nalabas sa CR?!”

“Oo nga pala, si Mhea!”

Hihintayin kong lumabas si Mhea para sabay-sabay kaming lumabas.

(-_-) “Ang tagal!” sabay na angal namin ni Roda.

(O.o) “Ano yang suot mo?!”

“Bakit ka ganyan!?” (Om0)

Kanya-kanya kami ng reaksyon ni Roda.

May magsu-swimming na bedsheet!

Top: T-shirt.

Bottom: Jogging pants na takip na hanggang talampakan.

“Okay ka lang, hija? Hanggang dito ba naman, kailangang kami pa ang mag-make over sa iyo?” tumaas agad ang kilay ni Roda kay Mhea.

“Come on, girl, mukhang may ime-makeover pa tayo bago makapagpa-tan!”

***

Author: I’m so naguguluhan sa dami ng on-goings ko. Ang hirap talaga eh! Nagsasapawan na sila, psh. Uli-uli, iisang story na nga lang ang i-o-on-going ko!

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelWhere stories live. Discover now