047

303 8 1
                                    

[047]

Peter’s POV

“Anong hiniling mo?”

Tumingin ako kay Jessie. Oo, nagawa niya ang misyon niya. Mabubuhay na siya. Pero hindi ko pa pinaalam. Mas mabuting ma-surprise siya.

Sana mabuhay ka na. :)”

Asa. Aw. Ang sweet mo.”

“Ikaw, ano yung hiniling mo?”

“Maalala ka ng mga taong nagmahal sayo habang kaluluwa ka pa…at kabilang na ‘ko dun.” Totoo yun. Humiling ako na hindi siya makakalimutan ng lahat ng taong nagmahal sa kanya. Sa kanya ko ginugol ang hiling ko.

 “Salamat, Peter

“Bakit di mo hiniling na maalala ka ni Geoff?” si Geoff ang lalakeng nagbigay ng dahilan kay Jessie ng dahilan para mabuhay.

May nakahanda akong sagot dyan, “kasi maaalala siya nito…” tinuro ko yung <3 ko… “maaalala siya nito…ng puso ko.” Naiyak na naman ako.

“Pagpasok mo sa pintong iyan, mawawala na lahat ng alaala mo,”naiiyak na sabi nya.

“Wag kang umiyak! Kalalake mong tao, umiiyak ka!” Malilimutan ko si Eunice… si Peter… at si Geoff… okay na rin siguro yun. Para di ko na maalala yung sakit na dinulot nya sakin.

“Mamimiss kita, Jessie… ba-bye!”

Pagkatapos ng sinabi ko ay pumasok na siya sa pinto... Nag-speech pa ako bago siya tuluyang nawala.

Hay, ngayon, mabubuhay na si Jessie. At ako naman? Eto, pumipili kung susundan ba ang pintong pinasukan ni Jessie o papasok ako sa isang pinto na daan patungo sa langit... sa totoong langit.

“Papasok ka ba o tutunganga na lang diyan?”

“Esh naman eh!” muntik na akong mapatalon. Ang hilig manggulat ni San Pedro. “Hindi ko alam, sa langit na lang siguro ako.” Nagsimula akong maglakad.

“Hep,” hinarang niya ang kamay niya, “paano ang anak mo?”

“Mayaman sina Nutella, tutulungan din siya ni Daddy--- ano na naman?” nag-poker face pa siya sa akin.

“Wala kang awa sa anak mo.”

“Wala kang awa sa akin.”

“Kawawa si Nutella---“

“Ako lang may karapatang tumawag sa kanya ng ganyan!”

“Wag kang sumigaw! Nakakahiya eh, ssh.”

Huminga ako ng malalim, nasaan ba talaga ako? Esh! “Oo na.”

“Pero nasa sa iyo pa rin ang desisyon,” nagkibit-balikat pa siya sa akin bago tinanggal ang pagkakaharang ng kamay niya sa harapan ko, “wag mo na lang isiping kawawa ang anak mo, ang pamilya mo, si Nutella, mga kaibigan mo, oo na, sige na, pasok ka na lang kahit saan mo gusto.” Nagkunwari pa siyang namunas ng invisible na luha.

Hindi rin naman siya nangongonsensya eh nuh?

Psh!

Pikit matang nagdesisyon ako.

Saan?

Esh!

Panggulo kasi si San Pedro. Okay na sana eh!

Okay na eh!

Huminga ako ng malalim.

At naglakad.

Sumaludo pa ako kay San Pedro bago tuluyang masilaw sa puting ilaw.

Bahala na!

***

Author: Walang sustansya XD

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelWhere stories live. Discover now