006

524 32 8
                                    

[006]

Author: Naloka ako sa comments. Brr! May SHOPORTERS pala! Haha XD ooow-kay. Eto na ang update!

***

Ang nakaraan: Peter saved Natasha twice. So dalawa na rin ang utang ni Natasha kay Peter. Ahy nakow! Di ko keri ang NAKARAAn na yan. Psh!

***

Natasha’s POV

Break ulet. Nagsabay kami ni Roda na nagpunta sa canteen, di ko na kasi nahila si Peter dahil binakuran agad siya ng mga Peternatics. Mga linta talaga.

“Kwentuhan mo nga ako, game na,” sabi ni Roda.

“Hmmm. Ano ba ang ikukwento ko?” isip ng konte, “wala akong maalala ee.” Pero sa totoo lang, nagta-time travel ang isip ko. Hay ang gwapo ni Peter...

“Miss Natasha?”

Sumisipsip ako ng juice nun, napalingon tuloy ako.

At ngayon ko napatunayan na buhay pa pala si Betty La Fea. Girl in long skirt---check. Girl with eyeglass---check. Girl with red braces---check. Ang hindi lang pagkakapareho ay straight na straight ang buhok ng babae pero mukhang di sinusuklay. Weird.

“Hey there, Mhea, musta ang weather sa labas?” at kilala pa pala sya ni Roda. Nakataas pa ang isang kilay ni Roda habang hine-head-to-foot si Mhea. Gusto ko tuloy hilahin ang mga eyeballs niya. Para namang minamaliit nya si Mhea.

“Ako nga. Baket?” dineadma ko na lang si Roda. Ini-offer ko sa kay Mhea ang upuan sa tabi ko. Umupo naman agad sya.

“I’m Mhea Labuga, section C ako, scholar... and my father is a Barangay Captain,” ngiti ule sya. Di yata mapuknat ang ngiting iyon sa mukha nya, “totoo nga ang sinabi nilang ang ganda mo pala... that’s why I like you so much. See???” pinakita niya sa akin ang isang coupon bond kung saan nakadikit ang picture ko na nakayakap kay Peter habang buhat buhat ako ng lalake, “Di ako naglunch break just to have a copy.”

Ooow-kay. Aaaawk-ward na talaga. “Ah? Hehe...” stalker ba to? Speechless tuloy ako.

“Mhea, obsessed ka noh? Layu-layuan mo nga si Natasha. Naninindig ang balahibo ko sa ginagawa mo eh.” Inirapan ni Roda si Mhea na hindi naman nakita ng babae kasi sakin lang nakatutok ang mga mata.

“Eh miss, shunga ka? Di naman ako artista para nakawan mo ng picture eh.” Ang haba naman ng hair ko. “Akin na lang yan, remembrance namin ni Peter.” Buti pa tong baliw na babaeng to, may picture namen ni Peter.

“No way! Basta kaw ang idol ko dito sa campus. Sige babye na! magkaklase na kami. See you, Miss Natasha! Pag kailangan mo ng gagawa ng assignments, tawagan mo lang ako. O i-text na lang. Magpapaload ako para sayo.” Pumunit pa siya ng papel at sinulat doon ang cellphone number nya.

Unconscious naman na inabot ko ang punit na papel. Ano ba yan? May ganoon pala talaga? Joke ba to???

“Yuck. That Mhea girl is sooooo nakakaawa talaga,” fli-nip pa ni Roda ang hair nya, “nangungulot pa tuloy ang hair ko. Eiw, sis. Put that paper on trash na. Mhea is nagiging obsessed talaga sa mga babaeng gaya mo. Mukhang napagsawaan na nya si Claire kaya ngayon kaw naman ang kinukulit.”

“Ginawa niya din ito kay Claire?” (O.o)

“Yap. Ang kaso, strawberry juice ang natanggap niya. May mantsa na nga ang uniform, patuloy pa rin siya sa pagsunod kay Claire kasi nga, obsessed sya sa mga babaeng alam niyang mas maganda sa kanya. Pity. Matalino pa naman. Wag mo na lang pansinin. Magsasawa din yung babaeng yun.”

Nginatngat ko ang walang kamalay-malay na straw ng juice ko. Nakakaawa naman pala yung Mhea na yun. Kunting ayos lang, pretty na agad sya.

“Hoy, bru. May tumatawag yata sa CP mo, bingi ka ba?”

Ahy anobayan. Ginulo pa ni Mhea ang sistema ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa pocket ng bag ko. Napangiti ako, picture ni Peter ang wallpaper ko. Hay ang gwapo! “Teka, unknown number.”

“Sagutin mo na, baka taga-ibang kaharian pa yan at nag-abala pa para lang makausap ang prinsesang katulad mo.”

Mas excited pa yata si Roda kesa sakin. “Aherm... hello?”

“Ahsjkal” di ko maintindihan kasi naman ang ingay ng nasa kabilang linya.

“Oh look. Miss Nobody-Nothing-No one has a call.”

Napatingala ako sa babaeng nakatayo sa harapan ko. Si Claire. -_- Problema na naman ba nito? Peter Peter, asan na you?? Need your help!

No choice ako kundi patayin ang phone ko at harapin si Claire kasama ang isang batalyong Peternatics. “Meh appointment ba kayong si-net sa secretary ko?” kung kelan may importante akong ginagawa ay saka naman magpapakita ang mga bruhang to.

“As if you have a secretary, you-----“

“She’s a what, Miss Claire Glovera?”

“Daddy Ran!-----eherm----Sir Bromes,” agad na bawi ko. Naexcite ako pagkakita ko kay Daddy.

“My princess, come here,” agad naman akong sumiksik sa tagiliran ng daddy ko. Nagtounge out ako kay Claire. “Okay, you,” tukoy kay Claire, “be good to my daughter. And you,” turo kay Peter na nasa di kalayuan lamang, “your dad wants to talk to you about important matters.”

Ganun lang at sabay ng umalis sina daddy at Peter.

“Hindi pa tayo tapos, promdi,” banta ni Claire sakin bago taas noong umalis kasama ang mga ‘sundalo’ niya.

“Promdi daw. Blah blah blah. Hmmp.” Sumimangot ako.

***

Author: At dahil sa update na ito, baka mawalan na ako ng readers. Ang lame kasi! Brrr. Hahaha XD pero wag naman sana, may mangyayare sa susunod. How I wish, how I hope, how I wish ulit na babasahin niyo. Next na! :D 

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum