011

522 32 18
                                    

[011]

Natasha’s POV

Snack time.

Tinotoo nga ni Peter yung sinabi niyang magkasama kaming pupunta sa canteen. Wala ni isang Peternatics na nakapaligid sa amin. At wala ni isang estudyanteng nangangahas na umupo sa tabi ng table namin.

“Yan, yan tapos yan. At yan pa pala!” turo lang ako ng turo. Si Peter naman ang magbabayad so wala akong poproblemahin. “Salamat, Palits!”

“Stop calling me ‘palits’,” he hissed.

“Sungit.” Siya ang may dala ng tray na halos puro akin ang laman.

“Mauubos mo ba lahat to?”

Spaghetti, Hotdog sandwich, suman at Jelly juice lang naman yun, “at bakit naman hindi?”

“Sa liit ng katawan mo? Makakakin mo to? Tss.”

“Masakit lang yata loob mo dahil ikaw nagbayad eh.”

“Of course not. Now eat.”

“Kahit di mo sabihin, talagang  gagawin ko.”

“Yuck, tignan nyo nga yang babaeng yan, wala siyang panama kay Claire.”

“We know right, Claire is really more educated than her.”

“Ni wala yatang alam sa word na ‘diet’.”

“Eh kung naiinggit lang naman pala kayo eh di kayo na kumaen! Bweset.” Kakawala naman talaga ng ganang kumain kung di ka pa nga nakakasubo ay ganun na agad ang maririnig mo.

“Don’t be affected. I’m just right here, kumain ka lang dyan.”

“Anong nakain mo at ang baet mo yata ngayon?” *subo subo* “Shana neman genyan ka na wang paragi, pawa mashaya devah?” ni di ko sya tinignan. Nakakainis kasi mga babaeng nakapaligid samin. Kala mo kung sino, as I know, mga garapal din sila kapag lumamon.

“Don’t talk when your mouth is full.”

Tinaas ko ang paningin ko, hinigop ko muna paloob ang spaghetti pasta na nasa labas pa ng bibig ko, “che. Gaya ka din ata nila eh.”

“I’m not.”

“Sige nga, patunayan mo nga,” iniumang ko pa sa kanya ang tinidor na may spaghetti, “say ‘ahhh’!”

“Hindi.”

“Ahy maarte ka din. Di na tayo pwends!” kunwari pa daw ay humalukipkip ako at tumingin sa malayo.

I heard him blow a wind, “okay, fine, just once. Just this once.”

“Ahy okay go,” iuumang ko na ulit yung tinidor.

“Let me feed my self.”

“No, no, no. Ako dapat!”

“Ako na.”

“Iiyak ako.”

“Eh di umiyak ka,” pagkasabi nyon ay tinalikuran na nya ako at naglakad palabas ng canteen.

“Uwaaaaa!!!!!!!” binigay ko na talaga ang best ko para lakasan lang pag-iyak ko. Wala akong pakealam kung magsitinginan man mga tao dito sa canteen, eh bakit ba, moment ko na to. “Uwaaaa!”

Peter's Angel: Nutella Natasha's TravelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon