Chapter 43: Truth Unfold

263 5 0
                                    

DARLYN P.O.V

"PRISONER 136 Charles Miguel."

Hinintay kong ipasok si Miguel dito sa Visitor Room. nanatili akong nakaupo ng tuluyan siyang makapasok dahilan na umupo rin siya sa harapan ko.

Masyado ng naging tuliro ang isip ko sa mga katotohanan unting-unti kong nalalaman. namugto na rin ang mga mata ko kaiiyak sa buong magdamag. wala nakong luhang mailalabas pa.

"Anong kailangan mo?" Walang ganang tanong niya.

Tiim bagang kinumo ko ang kamao sa ilalim ng mesa. matapos nang lahat ng ginawa niya. dahil sa sinabi ni Zyla hindi ko siya dadalawin sa prisinto. lalo pa't hindi kaya ng konsensiya ko na hanapin ang totoo.

Kung siya ba ang Pumatay kay Seb.

"Matagal na panahon na rin simula nung huli kitang makita, Darlyn Silawan." Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi niya.

Halatang pinipikon niya ko pero nanatili pa rin akong kalmado masyado ng manhid ang puso. nakipaglabanan siya ng titig sakin.

"Ikaw ba ang pumatay kay Seb?" deritsahang tanong ko.

Gusto kong marinig mula sa kanya ang sagot na hinahanap ko. tungkol sa pagkamatay ni Seb. hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan at pagkakatiwalaan ko.

"Pumunta ka rito para tanungin lang yan."

"Uulitin ko, Ikaw ba ang Pumatay sa kanya?" pagtatanong ko muli.

Huwag niyang ibahin ang usapan. wala kong panahon makipaglokohan sa kanya. ang laki ng kasalanan niya. ang tanga ko na nagpaloko ako sa pinadala niyang litrato kasabay ng pagbabasa ko ng sulat ni Seb.

Inakala ko agad si Zsig ang pumatay kay Seb dahil siya ang nasa kuha ng camera pero mali pala ang pagkakaintindi ko matapos magpadala nang litrato sakin ni Zyla.

Naging malinaw sakin makitang hindi si Zsig ang sumaksak kay Seb. Bawat paglipat ko ng litrato. Isang nakahood na lalaki ang mismong pumatay sa kaibigan ko. huli nang dumating si Zsig sa pangyayari nang maabutan ang walang buhay na si Seb. kaya dahilan na makunan siya ng Camera.

"I-ikaw ba ang pumatay kay Sebastian Dejos?" Pilit kong nilabanan ang pagbitak ng boses ko.

Bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya dahilan na sumunod rin ako sa kanya. 'Oo o Hindi' ang gusto kong marinig na isasagot niya. mahirap ba yung aminin sakin. huminto siya at bigla kong harapin.

" 'Yun bang tumatakbo para--------"

*SLAAAP*

"WALANGHIYA KA!!" Galit na sinampal ko siya.

"Mas lalong Walanghiya ang kaibaigan mo!!"

"Hayop ka!!" namuo na naman mga luha sa mata ko.

"Bakit mo siya Pinatay?!!" Akma ko pa sana siyang sasampalin ulit ng saluhin niya ang braso ko at tapunan ako ng masamang tingin.

"Masyado siyang pabida, hindi siya kasali sa Storya." nagtagis na ngiping sabi niya.

"Anong kasalanan niya!?!"

"Pinatay niya ang Kapatid ko sa ina." Singhal niya.

"Kaya ako mismo ang pumatay sa kanya. Tuloy may gamit rin pala siya."

Pumatay si Seb? muntik nakong matumba sa kinatatayuan ko. hindi niya magagasa iyon. Kilala ko si Seb. bakit siya papatay? Sino at para Kanino? Sobrang bait niya para gumawa ng mabigat na kasalanan.

"S-sinong pinatay niya?" Kinakabahang tanong ko.

"Ang bilis mo agad nakalimutan si Raven."

Muling pumatak ang luha ko.

MOB Boss 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now