Chapter 5:Friendshit.

381 11 5
                                    


DARLYN P.O.V


Nakailang ulit akong napabuntong hininga sa harap ng pinto. pilit kong tinatatagan ang loob ko na pumasok sa naturang Kwarto kung saan naka Confine ngayon si Kate kahit labag saking bisitahin siya ay hindi ko matitiis dahil nag aalala rin ako para sa kanya lalo pa't Setmeat ko siya.lahat ng seksyon naming nagawa na siyang bisitahin ako nalang ang hindi pa. 


Bahala na! Nilakasan ko ang loob na pihitin ang siradora ng pinto para makapasok sa loob.


"Kate..." tawag pansin ko sa kanya ng maabutang nakatanaw sa labas na salamin na bintana.Parang ang lalim ng iniisip niya.


"Kate..." ulit ko baka sakaling hindi niya ko narinig lalo pa nakatalikod siya sakin.


"Anong ginagawa mo rito?" malamig na tugon niya kahit hindi niya ko kayang harapin.


Biglang kumirot ang puso ko sa tinanong niya pabalik. Galit ba siya sakin?


"Ano? Masaya ka ng mabilis bumalik ang karma samin."


"Hindi nam------" hindi niya ko nagawang patapusin.


"Pwede ba Darlyn! Itigil mo na ang pagiging Mabait!" dabog niyang saad ng harapin nako.Halos hindi ko na makilala ang Mukha niya sa raming pasang natamo niya. Parang gusto kumawala ng luha ko sa nasisilayan kong Mukha niya na malayo sa nakilala kong Kate. Ganito ba talaga sila kasama para gawin ito sa kanila. Sinong halimaw ang gumawa nito sa kanila?


"Alam mo bang naiinis ako sa pagiging Mabait mo!" Duro niya sakin "Kaya inaabuso ang Kabaitan mo!!" Dugtong niya pa dahilan na maglandasan ang luha ko sa sinusumbat niya.Hindi na siya ang Kate na kilala ko.


Nanatili pa rin akong walang imik sa panunumbat niya na hindi maalis ang masamang tingin sakin.


"Bulag ka ba?" Tumawa siya ng pagak na parang nababaliw bago pinagpatuloy ang sasabihin niya. "bakit mo hinayaang abusuhin namin ang Kabaitan mo!"


Nasasaktan nako sa sinasabi niya na anumang mapapahikbi nako na ayaw kong makita ng iba kung paano ako Umiyak. Tama na yung nakaraan na lalaki ang naiyakan ko pauwi.


"Kate..." mahinang pagtawag ko at akmang lalapitan siya pero tinabig niya lamang ang kamay ko.


"Bulag ka nga talaga!" Tumawa uli siya na alam kong napipilitin lang siyang ipakitang siya pa rin ang masama.


"Umalis ka na!" Taboy niya sakin na tinuro pa mismo ang Pinto.


Pro-protesta pa sana ko ng unahan niya nako at magtagis ang ngipin niya. "Hindi mo pa rin ba Naiintindihan Darl?"


"K-kate..." garalgal na boses ko sakaling mapakausapan pa siya.


"Ni minsan hindi kita tinuring na Kaibigan, Darl. Plinastik lang rin kita gaya ng iba."


"Kat------"


"Sinong ka kaibigan sayo na ultimo ako kinaiinggitan kita, si Darlyn na mabait, Maganda, may ibubuga, Matalino tipong nasa sayo na lahat. Kaya tanga nalang siguro ang lalapit para kaibigan ka ng totoo!"


gusto kong lumuhod sa harap niya. na mapatawad niya ko sa pagiging Perpekto ko sa mata niya. Kahit ni minsan hindi ko naisip na perpekto ako sa paningin nila. nasasaktan ako sa masasakit na sinasabi niya. Hindi ko alam. Hindi ko alam na naiisip niya ang ganung bagay. kinaiingitan niya ko bakit hindi ko alam.


Kasalanan bang iniluwal pa ko sa mundong to?

 Kasalanan ko bang nabuhay ako sa ganitong katawan? Kasalanan ko ba lahat.


"Ano pang hinihintay mo Umalis ka na!" Muling pagtataboy niya "UMALIS KA NA!!" singhal niya ng matinag ako sa pagkakatayo.


"SABING UMALIS KA!!" hindi na niya napigilang damputin ang Unan sa Kama niya ng itapon sakin.


Napasandal ako sa gilid ng pinto matapos isarado ang Kwartong kinalalagyan niya at mahinang napaiyak.


Hindi ko lobus akalaing maririnig ko sa kanya na hindi niya ko kailanman tinuring na kaibigan.


---END OF CHAPTER 5---


A/N; Panggigil over load muna tayo hahahhaha... nakakastress manakawan ng Phone gosh...

FB: Shanna Krish Lawin
FB Page: Annayk_Sakka

~Sakka-San👑

MOB Boss 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now