Chapter 42: Sacrifices

245 6 0
                                    


DARLYN P.O.V

BUMALIK nasa dati lahat. kapalit ng pagre-resign ko sa Hostel dahil sa ginawa ni Zsig. hindi ko na hiningi ang permisyo niya kahit siya ang CEO ng kompanya kay Manager Ramirez ako mismo namaalam. ginawa kong excuse ang nalalapit na kasal namin ni Christian. April 23, 2020. Tatlong araw mula ngayon.

Sakaling matapos ang kasal ay pwede akong makatuwang ni Christian sa kompanyang pinapalakad niya sabi ng mga Ama naming dalawa. Sarili ko nalang ang hinahanda ko sa araw na iyon.

I'm relieve, now.

Malaya sa kanya. kung hindi niya kayang lumayo sakin, ako na mismo ang lalayo sa kanya. ayaw ko ng makita ang pagmumukha niya.

Itutuon ko ang pansin sa nalalapit na kasal namin ni Christian.

Ngayong nandito ako sa Supermarket para mamili ng makakain sa loob ng Condo ko. sa kakalibot ko tulak ang Cart ay hindi ko sinasadyang makabangga ng ibang tao.

"Sorry po," mabilis na paghingi ko ng paumanhin sa nakatalikod na babae.
"hindi ko po ta--------" naputol ang pagpapaliwanag ko ng humarap siya.

"Z-Zyla.?"

NGAYON nandito kami sa loob ng Coffeeshop. siya ang nagyaya ang kaso nilalamig na ang kape hindi niya pa rin ako kinakausap. Parang pinagsisihan ko tuloy na sumama sa kanya.

Hindi ko akalain na si Zyla ang makakabangga ko sa loob ng Supermarket. Ilang taon na rin ang lumipas nang una't huli ko silang makita. Iyon ang araw na pinakilala ako ni Zsig sa kanila.

Ano magtitingan nalang kami?

"K-kamusta ka na?" Panimula ko.

"Your still clueless." Malamig na turan niya.

"Kamusta si Ruzzel?" Pag iiba ko.

Hindi ko pinahalatang nasaktan ako sa sinabi niya.

Napansin ko may nabago sa kanya. tumingkad lalo ang balat niya dahilan na mas lalong domoble ang ganda niya. pero naiwang malamig at kalmado ang emosyon niya.

"He's doing, good." sagot niya.

Sana pala si Ruzzel nalang nakabangga ko para magkausap kami ng maayos. hindi sa minamasama ko si Zyla pero hindi talaga kami malapit sa isa't isa. si Ruzzel lang kasundo ko sa kanilang dalawa nahihiya lang akong makausap siya kahit wala naman siyang ginagawang masama.

"Mabuti naman kung ganun, paki-kamusta nalang sa kanya." ilang na sabi ko.

Iniisip ko tuloy kong kailan ko makikita ang mga ngiti sa labi niya.
kung may isang tao mang magbibigay kulay sa kanya para sa panibagong emosyon niya.

Dumaan ang mahabang katahimikan nang wala ng gustong magsalita ulit saamin. gusto ko na tuloy lumubog sa kinauupan ko na mataman niya lang akong pinagmamasdan.

"He suffered OCD." Deritsahang sambit niya.

"OCD?" Pagtataka ko. hindi alam kong anong pinunto niya.

"Obsessive-Compulsive Disorder. He indure it." mabilis na sagot niya sa pagtataka ko. knowing Zyla's have a few words to speak. pero dahil sa katangahan ko mapapahaba ang pagsasalita niya.

"Your a chance to treat him better, but you end up runaway from him." naiiling na nagkrus siya ng kamay sa harap ko.

Dahilan na mangilid ang mga luha ko. nanatiling tikom ang bibig ko. hinihintay ang susunod na sasabihin niya. hindi ko alam na sasabihin niya sakin ang matagal ko ng hinihinging sagot tungkol kay Zsig.

"You don't know, how much sacrifices he gave up. he even sold his soul just to feed you."

Hindi ko na napigilan maglandasan ang mga luha ko. parang pinapaalala niya sakin lahat ng ginawa ni zsig simula ng palayasin ako ni papa. si Zsig ang kumopkop sakin. parang pinaparating niya saking wala akong utang na loobkay Zsig.

"Zsig, won't kill without a righteousness." wika niya ng ibaling sa labas ang tingin niya.

Nanatili ang mga mata ko sa kanya. hinahangaan ko talaga siya. Bukod sa malamig ang pakikitungo niya ay busilak naman ang kalooban niyang makialam sa problema ng kaibigan niya. Bagay nga talaga sa kanya ang maging Leader nila. natigilan ako sa pagharap niya.

"He was set-up." Malalim na pinaghuhugutan niya.

"Ano ibig mong sabihin?" wala kong kaide-ideya sa pinagsasabi niya.

"It was Miguel,." Saad niya.

Tuloy natulos ako sa kinauupuan ko ng marinig ang pangalan ni Miguel. ang lalaking dumukot sakin dati. pero muntik na siyang patayin ni Zsig. Paano at bakit niya ginawa sakin ito. bago pa man may mamuong katanungan sa isipan ko.

"He's 2 years improsin." sambit niya.

Inaasahan niya na ang itatanong ko sa kanya kung nasaan ang lalaking iyon. nanlumo ako. pagbabayarin ko siya. pero nang sabihin niyang 2 taon ng nakakulong si Miguel ay natigilan ako.

"Bakit mo sinasabi sakin lahat ng ito?" Anong gusto niyang palabasin? may pamilya na si Zsig at ayaw kong manira ng pamilya dahil lang sa may katiting pa kong pagmamahal sa kanya buo na ang isip ko na magpakasal kay Christian.

" 'Cause, i wan't you to broad-minded and give him a chance." Balik na sagot niya.

Pumatak ang kanina pa nagbabadyang mga luha ko. kasabay ng pagtayo niya mula sa pagkakaupo sa harapan ko at talikuran ako.

"Zsig, set a solo concert with the same wedding day of yours. neither you go or not. It's up to you and i can't against his decision to disband himself." Mariing sabi niya.

"Can i ask you?" Mabilis kong pinahid ang mga luha ko nang pahinto siya sa akmang paglisan sakin.

"What is it?"

Ginawaran niya naman ako ng tingin. kaya napahugot ako ng lakas para harapin siya. may gusto lang akong tanungin at siguraduhin.

"Did he ever find me?"

"He did."

Bumuhos lahat ng luha ko. para kong binagsakan ng maraming lupa sa sinagot niya.

"Don't let your anger, be your enemy." huli niyang sinabi bago tuluyang iwanan ako.

Naiwan akong nag-iisa sa kinauupuan ko nang makalabas si Zyla. tumatak sakin ang sinabi niya. sa pagiging walang utak ko. hindi ko binigyan ng pagkakataon na alamin sa sarili ko. masyado akong nagpalamun ng galit hindi ko namamalayang pinapatay ko na si Zsig. Mas makasarili pa ako kay Zsig. Huli na para pigilan ang sarili ko.

"AHHHHHH!..." sigaw ko sa frustasyon.

"A-ang sama mo, Zsig..." ang selfish mo para ipagkait at ilihim sakin ang totoo. napaka selfish mo para ipagpalit ako. hindi ko alam na may iniinda kang sakit at kay Zyla ko pa malalaman ang nangyayari tungkol sayo.

Para kong namatayang umiiyak. hindi alintana ang mga tao sa loob napapatingin sa gawi ko. kahit nagmumukha nakong baliw sa mesang kinauupuan ko. walang ni isang nagtangkang komprontahin ako. Ang tanging nasa isip ko kung paano mailalabas ang sakit na nararamdaman ko na anumang oras ay sasabog. kailangan kong ilabas ang hinanakit sa puso ko. bumalik na naman ang galit ko at yun ay dahil sa sarili ko.

I was blind from the truth.

---END OF CHAPTER 42---

MOB Boss 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now