Chapter 11: Cheer dance.

301 6 0
                                    


DARLYN P.O.V

Nagdaan ang mga araw na hindi na ko naglalakad pauwi sa halip sumasakay na ko makauwi lang ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha niya.

Hindi ko pinagsisihang sinampal ko siya kahit may kunting Guilt sa parte ko.

Napaka bastos kasi niya! Kung hindi ba naman sana niya ko biglang Hinalikan sasamahan ko pa siyang isugod sa ospital ng magamot agad ang saksak niya sa tagiliran. Edi sana natulungan ko pa siya kung hindi niya lang ako binastos!

"Magaling na kaya siya?" Napakamot na lamang ako ng ulo sa sarili kong tanong.

’Malamang tinakasan mo imbis na tulungan.‘ sabi ng kabilang isip ko.

"Kasalanan ko bang tinakbuhan ko siya?" Mukha nakong baliw na kinakausap sarili ko buti nalang mahina lang pagbanggit ko ng hindi marinig ng ibang kapwa ko rin namamahinga rito sa Gym.

Para ipractice ang Cheer dance na sayaw namin sa last Grading ng Mapeh dahil Physical Education na kami.

"Ok, Pay Attention Everyone." Tawag ng tumatayong leader namin para sa buong section.

Bumalik naman kami sa naturang posiyon namin kung saan kami naka assign. hindi ko pa rin magawang alisin sa isip ko ang ginawa ko sa kanya.

"In.. a 1 2 3 go.."

Nagsimula na kaming sumayaw at mag counting pero natigil ako ng may mahagilap.

Namalik mata lang ba ako?

Sa sobrang okupado ng ko  sa nagdaang araw at sa gabi hindi ako pinapatulog mas nakokonsensiya tuloy ako sa nangyari sa kanya hindi ko maalis ang maawa sa kalagayan niya. Balak ko naman talaga siyang tulungan nun eh ang kaso hindi ko nagustuhan ang ginawa niya kaya kinain ako ng pagkainis sa kanya dahilan na sampalin ko siya. Wala man lang akong tulong na ibinalik.

"1 2 3 4 5 6 7 8..." paulit ulit na turo nila ng stepping habang hawak na ang pom pom na smoke na selophane.

Tagaktak ang pawis na papahid ako sa noo. kanina pa kami paulit ulit may kunting oras para sa water break tapos balik agad halos lahat ng subject ay ginugol namin sa pag practice.

Hanggang sa hindi ko inaasahang mawalan ng balanse kaya napaupo ako.

"Silawan ayos ka lang?" Alalang tanong ng Cheoragraphy Leader namin sa unahan.

Tumango na lamang ako.

Halos lahat ng mga mata napunta sakin kaya tinalaban nako ng hiya sa nangyaring kapalpakan ko may ibang nagbubulong bulongan na hindi ko na lamang pinansin.

Mataas pa naman tingin nila sakin.

"Ok, Balik ulit tayo Guys." Tawag pansin niya sa lahat.

Tumayo naman ako ng mag isa pero ganun na lamang ang sakit na naramdaman ko sa paa ko kaya napayuko ako.

Bakit masakit?

"Silawan?"

Napaangat ako ng tingin sa tumawag sakin siguro nagtaka siya kung ba‘t hindi pa ko nagsisimulang kumilos dahil ang iba nagpalit na ng posisyon ako na lamang ang naiwan sa kinatatayuan ko.

"Ayos ka lang ba dyan?"

"O-Oo pasensiya na." Hinging paumanhin ko at pinilit na hindi ipahalatang masakit ang kanang paa ko.

"Ok, Back to top Guys." Muling sabi niya na pinagdabog ng iba dahil sakin babalik na naman sila sa simula.

Sumayaw naman kami kahit na minsan hindi ko na sila nasasabayan sa iba dahil sa Paa ko na hindi ko pinapahalata.

MOB Boss 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now