Chapter 28: Danger

198 7 1
                                    


DARLYN P.O.V

Matapos ng mangyari kahapon na naabutan kami ni Zsig ay hindi na kami nag kaimikan pa ni Seb at nagtaka ang lahat sa kauna unahang pinalampas niyang klase kanina. Ito ang kauna unahang na late siya mismong ako nagtaka rin kaya big deal sa karamihan ang iba normal lang.

Halos maubos nalang ang ibang Schedule na magkatabi at magkasama kami ni Seb na walang imikan. animo hindi namin nakikita ang isa't isa na nasa iisang Desk lang. Hindi ko rin alam saan magsisisimula marahil galit siya sa pagsisinungaling ko siguro papalipasin ko na muna ang pagtatampo niya.

'ang totoo na mimiss ko ang kakulitan at pang aasar niya.'

Nagsimula nakong magligpit ng gamit para sa Finance na susunod na klase namin. Abala rin ang iba na mabuti hindi kami napaghihinalaang dalawa dahil sa pagiging tahimik namin. natigil lang ako ng marinig ang boses niya.

"live in ka sa Boyfriend mo, Darl."

Hindi ko alam kong tanong o komento lang ba yung sinabi niya. Tumagos agad sa puso ko ang sinambit niya na mahihimigang malamig na ang boses niya. nagawa kong ngumiti ng pilit para hindi ipahalatang nasaktan ako sa sinabi niya. Nasaan na ang Dating makulit at mapagbirong Seb na Bestfriend ko?

Ang sakit pala kung sa mismong malapit na tao manggaling ang salitang ayaw mong marinig. Ang panghuhusgang iniiwasan ko. Kamumuhian mo rin ba ko si Seb?
Paparatangan gaya ng ginawa ni Papa.
Una si Papa ngayon naman ikaw na.

"Ni minsan ba nagawa mo kong pagkatiwalaan, Darl?" mahinang sabi niya na nakapagpayuko sakin.

Impit akong nagpipigil ng luha sa sinabi niya na kami lang dalawa ang nagkakaintindihan. Anumang oras tutulo na ang mabigat na luha ko.

"Sana hindi ka nagsinungaling sakin, Darl." Nabitak ang boses niya.

'Sorry, Seb.' Sorry. Sorry. Sorry. paulit ulit na sinasambit ng Isip ko. Ayaw ng bumuka ng bibig ko para kausapin siya kaya hinahayaan ko siya sa hinanakit niya. Nasaktan ko si Seb dahil sa kasinungalinan ko na mabubunyag agad. Nasaktan ko siya na dapat lang tanggapin ko ang galit at panghuhusga niya.

"Pwede mo naman ibahagi sakin kung may problema kang iniinda sakaling matulungan kita alam mong palagi akong nakahandang makinig sayo. mahirap ba sabihin sakin ang totoo, Darl?"

Sa hindi ko na kinaya Pumatak na ang luhang pinipigilan ko dahil sa sarkastikong saad niya. Seb sana naman patawarin mo ko. Ayaw ko lang madawit ka sa magulong buhay ko. Kung alam mo lang ang totoo hindi na sana umabot pa sa ganito. Sino ang dapat sisihin ko kundi ang SARILI KO.

Kasalan ko. Kasalanan ko lahat kaya lumalayo ang mga taong gusto kong makasama. Kasalanan ko kung ba't kinamumuhian ako ni Papa. Kasalanan ko kung bakit nabuhay pa ko sa mundo. Isisi niyo na sakin lahat dahil pagod nako. pagod nakong paulit ulit tanggapin ang lahat. Pagod na pagod nako. Kulang nalang magbigti nako para matapos na paghihirap ko. Gusto ko ng tapusin ang buhay ko. Bakit pa kasi nabuhay pa ko? Kung Kasalanan ko rin naman lahat.

"Napagtanto ko tuloy kung naging matalik na kaibigan ba turing mo sakin, Darl." Huling kataga niya bago ko naramdamang tumayo siya sa kinauupuan at iwan akong nag iisa.

'Lahat nalang ba ng taong malalapit sakin mawawala.'
Mabilis akong napapahid ng luha at sabay na tumayo ng dumagundong ang yapak ng takong sa susunod na Prof. namin sa finance.

"Good day, Everyone." Striktang pagbati nito ng makatuntong sa harapan naming lahat.

"GOOD DAY, PROF."

Nang suminyas na ang Prof. namin na maupo ramdam ko ang tingin kahit hindi ko tignan sa likod alam kong si Seb iyon na malayong nakaupo sa bakanteng upuan.

Ayaw niya nakong makatabi.

Dumaan ang mga oras na puro discussion lahat. Hindi rin nakaligtas ang sagutan namin kanina ni Seb at ramdam nila ang seryosong tensyon sa pagitan naming dalawa kundi lang kami naawat agad ng panibagong Professor para tapusin ang discussion.

"THAT'S FOR TODAY CLASS, DISMISS.'"

Kinakabahan akong naghihintay sa gilid ng Gate para hintayin lumabas si Seb sakaling makausap ko siya ng masinsinan dahil sa raming umaaligid sa kanya na kapwa namin kaklase.

"Seb.." tawag ko sa kanya ng hindi niya namalayang lampasan ako.

huminto siya pero hindi na nag abalang lingunin ako. Para saan pa? iniwan ko nga siyang tulala kahapon pati magpaliwanag hindi ko nagawa dahil huli na lahat. wala kong ideya na susulpot si Zsig kahapon sa pagkakaalam ko abala siya sa kung anumang pinagkakaabalahan niya.

Wala rin akong lakas ng loob na tanungin ang mga kaibigan ni Zsig. Simula ng makilala ko sila sa buong banda ay yun na ang una at huling sandaling nakausap ko sila. kung sakali mang gambalain ko sila parang ginambala ko na rin si Zsig lalo pa na labas ang buhay ko sa kanila. kaya wala kong karapatan isali sila sa problemang dala ko.

"Seb-----" naputol ang sasabihin ko ng pangunahan nako.

"Hindi mo kailangan magpaliwanag sakin, Darl. naiintindihan ko. kaibigan mo ko.'" may halong diin at sarkastikong sambit na pumigil sa paglalakad ko para harapin siya.

"Pero kasi Seb------" natigil ako ng mag vibrate ang phone ko at huli na ng habulin ko ng tingin si Seb na nakakalayo na sakin.

From: Boss ( Zsig ),

Sorry, i can't fetch you. Darlin'.

basa ko sa naging text ni Zsig. sana hindi na siya nag abalang mag text alam kong hindi niya ko masusundo. Mabilis akong nagtipa pabalik sa Mensahe niya.

From: Darlyn

Zsig, ayos lang. i can take a Cab.

Maikling mensahe ko bago pinatay ang phone. napabuntong hininga na lamang ako sa raming problemang iniisip ko. Kunting kunti nalang bibitiw nako sa buhay ko. Bakit ba ayaw matapos tapos ang problemang pinagdadaanan ko.

May kasunod pa ba ito? May mas mahirap ba rito? Dahil ngayon palang sumusuko nako.

Tumigil naman ako sa pagmumuni muni ng may tumigil na Taxi sa harapan ko. naalala ko nga palang taxi lang ang dumaraan rito dahil nasa may kanto pa ang paradahan ng Jeep na madalas sakyan ko pauwi. pumasok naman kagad ako katabi ng nag iisang pasahero sa likod na napaayos sa suot na sumbrero.

"Manong sa may Sub. Block 19 Village ng-------" hindi ko natapos ang sasabihin ng hindi pa rin nagsisimulang umandar ang taxing sinasakyan ko.

Bakit hindi pa sila nagsisimulang Umandar?

Tanaw ko mula sa Rearview mirror na ngumisi ang isang pasaherong lalaki katabi ng Driver dahilan na kabahan ako sa sumunod na nangyari. "Mano-----"

Bago ko naramdaman ang biglang pagtakip ng panyo sa bibig ko na gawa ng pasaherong naging katabi ko ay huli na para manlaban ako sa kanya ng diinan niya lalo ang panyo Dahilan na manlabo ang paningin ko sa nalanghap na amoy at Isa tao lang ang pumasok sa isip ko.

'Zsig.'

---END OF CHAPTER 28---

MOB Boss 1 [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang