Chapter 19: Caring Boyfriend.

262 9 1
                                    


DARLYN P.O.V

Ang bigat ng buong katawan ko hindi ko halos gustong bumangon sa pagkakahiga ko sa kama dala na ng mainit na pakiramdam ko.

Parang babaliktad ang paningin ko sa bawat paghakbang ko.
Hinang hina ko ng alalayan niyang mapaupo sa hapag todo ang pag alalay niya sakin.

Kung tutuusin bente kwatro oras na siyang nakabantay sakin. Halata ngang mas puyat siya sa mapupungay niyang mga mata.

"What do you want to Eat?" tanong niya na aligagang naghahanap ng makikita sa loob ng ref. na hindi maalis ang tingin sakin.

"Porridge Rice or Chicken?"

Pwede both.

Gusto ko man matawa sa kanya ay wala kong lakas para pagtawanan siya.

"Ikaw..." mahinang sagot ko.

Bigla siyang napahinto sa mga rekadong kukunin sana sa loob ng ref. At parang nag sink in sakin ang sinabi ko.

"I-i mean ikaw bahala..." mabilis na napaiwas ng tingin sa kanya.

"Okay." Maikling pagsang ayon niya na nakapagpatahimik ng buong paligid.

Muntik ko ng batukan ang sarili ko dahil sa sinabi ko.
Kahit sino iba ang iisipin sa sinagot ko.
‘Ikaw...’ bahala. Sana dinugtungan ko para hindi niya pag isipan ng kung ano ang sinabi ko lalo pa‘t hindi pa siya nakabihis ng pang itaas kaya litaw na litaw ang hubog ng katawan niya.

Hindi naman sa naglalaway ako sa nakabalandrang Pandesal niya. ‘Abs kong tawagin.’ pagtatama ng isip ko. Pero ito ang kauna-unahan nakita ko to sa totoong buhay. At siya pa talaga ang nag mamay- ari.

Napakagat na lamang ako ng pang ibabang labi. Sa totoo lang naalibadbaran ako sa katawan niya kahit kalahati lang nakahubad sa kanya.

Bakit niya pa kailangan ipangalandakan maganda ang hubog ng katawan niya kung pwede naman niyang itago.

’Ang akin lang Babae ako rito.’

Kung pwede lang sumbatan siyang magbihis ng damit ay gagawin ko ang kaso nakakahiya dahil sampid lang ako rito.
Wala kong karapatan para pigilan siya sa gusto niyang mangyari sa loob ng bahay maliban sa akin.

sinong mag aakalang may sarili siyang bahay at mismong siya lang ang taong nakatira.

Nasaan Pamilya niya?
O
mga magulang at kapatid niya?
hindi naman pwedeng mag isa lang siyang nakatira sa malaki at simpleng bahay nato.

Nakakahiya naman sa Pamilya niya kung sakaling maabutan kaming dalawa rito. Ano nalang mukhang ihaharap ko at ipapaliwanag ko pag nagkataon.

Hanggang sa matapos siya sa pagluluto ng Aroskaldo at iba pang  pagkain sa agahan.
Inihain niya sa harap ko ang mga niluto niya.

Ako naman takam na takam sa niluto niya. Nagawa niya pa kong ipagtimpla ng gatas.
Bago iabot sakin ang Kubyertos tsaka siya ng hila ng upuan para tabihan ako sa hapag.

"Let‘s eat." Anyaya niya.

Tumango ako sa sinabi niya at akmang maghahain ng Aroskaldo sa sarili kong mangkok ng siya na mismo umagaw para paglagyan ako.

"Eat well." Sambit  niya habang abala sa paglalagay ng prutas sa ibang Plato.

Sa sobrang abala niya sa paghahain hindi ko na namalayan napatitig nako sa kanya.

Bakit sobrang suwerte ng lalaking to?

"Do you mind me to feed you? "

Nabalik ako sa ulirat ng magsalubong ang mga mata namin sa malipatan.

Nakakahiya nahuli niya ko.

"Darlin‘."

Namumulang napaiwas ako ng tingin sa kanya at ibinaling nalang sa pagkain ko. "H-hindi ako na..." utal na sagot ko ng agawin ang kubyertos na hawak niya dahil sa akmang pagsubo niya sakin.

"Tell me if you want me to feed you."

hindi na lamang ako kumibo.
Hindi ba siya napapagod sakin. Siya na nga nagluto siya pa magsusubo sakin. Ano ako lumpo? Parang Pasok na siyang maging Nanay o yaya ko sa pagiging maalaga niya. At ganap nako na batang may sakit nito.

’Napapaisip tuloy ako napakaswerte ng Babaeng magiging Asawa niya. ’

---END OF CHAPTER 19---

MOB Boss 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now