Chapter 9: Make you mine.

322 7 1
                                    

DARLYN P.O.V

"Are you upset?" yan ang bungad niya ng pauwi nako matapos ang matahimik na buong araw na klase ko.

"Hey, I‘m asking you?’" papansing sabi niya na sinasabayan ang paglalakad ko pero nanatiling wala kong kibo sa kanya.

"Darlin‘.’" tawag niya sa malungkot na boses na nagpahinto sakin.

Hinarap ko siya ng buong tapang "hindi..." maikling sagot ko na hindi alam saan babaling para lang hindi magtagpo ang mga mata namin. Napabuga ako ng hangin sa pagsisinungaling ko.

"You sound like upset." Siya naman ang napabuntong hininga at lalong hindi ko kayang tapunan siya ng tingin sa paawa epek ng mukha niya kasi para siyang lalong gumagwapo sa paningin ko.

"Hindi nga kasi..." naiilang na sambit ko

"Then why can‘t you look at me?’" pang blo-blockmail niya na tumindig sa direksyon kung saan malayo ang tingin ko.
"Look at me." Utos niya na sinunod ko nalang dahil wala nakong takas kaya nakakabagot na sinalubong ko Mata niyang nakatitig na pala sakin.

Napalunok ako.

"K-kasi..." nauutal na boses ko dahilan na matigilan ako.

Fuck! Bakit nauutal ako?

"Kasi?" Kuryusong paggaya niya na hindi makapaghintay sa sasabihin ko.

Kasi ba‘t ba ang Guwapo mo!

"Wala." Pagtanggi ko at mabilis na iniwas ang tingin sa kanya ang totoo nahihiya pa rin akong minaliit ko siya. Minaliit ko ang pagkatao niya. Masyado pa kasi siyang Engstranghero sa paningin ko.

Tinalikuran ko na siya upang ipagpatuloy ang pagbaktas sa daan alam kong nagiging bastos nako kausap siya kaya mas lalo akong nahihiya sa sarili ko.

"Then tell me why you walk out last night?" Biglang pagharang niya sa harap ko na lulusutan sana siya kaso humarang uli siya dahilan na mukha kaming nagpatintero dalawa kaya hindi ko na natiis na tingilain siya.

Ba‘t ba ang kulit ng Boss nato?

"You left without saying goodbye." Kumalabog ang puso ko sa klase ng pagbuntong hininga niya.

Kung alam mo lang sobrang pagkapahiya ko sa sarili kong malamang isa ka sa bandang ngayon ko lang narinig. Isa sa sikat na Miyembro na bandang ngayon ko lang nalaman. Hindi ko lubos akalaing Kumakanta ka pala na may talento ka pala.

Ano pa bang ibang sekretong hindi ko alam sayo? Sekretong tinatago mo. Nakukuryuso tuloy ako sa buong pagkatao mo. Bigla kang sumulpot sa buhay ko para lang maging Isang Nobyo ko. Malambing at kung tawagin ako parang totoo kaming mag Jowa. tapos yun pala puno siya ng lihim.

"Ano-----" magsasalita pa sana ko ng ilapit niya ang sarili sakin  dahilan na mapaatras ako palayo sa kanya.

"B-boss..." gusto kong matumba sa kinatatayuan ko ngayon sa pagkautal ko sa harap niya.

"Yes, Darlin‘.’" malambing na pagtugon niya na mukhang nag e-enjoy sa pag atras ko sa kanya.

"Lumayo ka nga!" Buong tapang na tinulak ko siya palayo sakin.

he chuckled. Dahilan na mapalunok ako sa kaba. Natutuwa ba siyang pinag tri-tripan ako? Kung pwede lang sampalin ko siya edi sana ginawa ko na pero mas ipapahiya ko lang sarili ko sa kanya.

"Don‘t you, like my Perform last night?’"

"S-sabing lumayo ka!" Mahinang singhal ko sa kanya ng ilapit uli ang mukha niya.

"Why?" Inosenteng saad niya na hindi ko nakayanang makipagtitigan sa mga mata niya.

Diyos ko! kakapusin nako ng hininga sa sobrang lapit ng mukha niya.

"It‘s for you, why i‘m Singing.’’ napalunok ako sa pagbulong niya sa tenga ko na nagpakilabot sa pagtama ng mainit na hininga niya sa leeg ko.

Naririnig niya ba puso ko?
Kasi ako sobrang bilis ng pintig ng puso ko na hindi alam kung anong gagawin sa kanya.

"I will make you mine." Sa hindi na malaman kung anong gagawin ko sa lapit ng mukha niya hindi nako nagdalawang isip na itulak ang matikas na dibdib niya na nagbigay sakin ng pagkakataong takbuhan siya.

"Darlin‘.’" pagtawag niya na hindi ko na nagawang lingunin pa.

Nakakainis ano bang nangyayari sakin?

---END OF CHAPTER 9---

MOB Boss 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now