Chapter 22: Three Mob Bosses

254 9 1
                                    


DARLYN P.O.V

Totoo ngang nakakatakot ang Aura niya kahit babae siya. Yung kalamigang dala niya sumasabay sa aircon ng buong paligid.  nabigyan tuloy ng pagkakataong paniwalaan ko ang  binulong ni Ruzzel kanina.

"Your not practicing these past few days." Malamig na puna niya.

"I‘m not Sorry for disobeying your rules.’"

Nagulat ako ng ambahan ng Suntok ng babae si Boss na agad naman niyang naiwasan.

"Zy."

Hindi natinag ang babae sa pagsambit niya ng maikling pangalan. Napaatras kaming pareho ni Ruzzel sa kanila. nang sundan niya ng mga Sipa para patumbahin siya.

Puno ng paghanga at pangangamba ang puso ko. wala kong karapatan para awatin silang dalawa. Pero nagpapasalamat akong naiilagan niya ang mga ginagawang pag atake ng babaeng malamig ang emosyon.

Animo nanonood kami ng live action scene rito.

Napalingon ako kay Ruzzel na parang sanay na sa nakikitang Eksena.
Hindi man lang ba niya sila aawatin?
Anong klaseng kaibigan siya kung hindi niya magawang pigilan sila.
Inirapan ko siya ng mapansing niyang tinitingnan ko siya.

Nakakainis hindi man lang niya magawang awatin sila.

"It‘s good your alert whenever i can strike you, Tsk.’" malamig na banta nito matapos matigil nilang dalawa.

Ganito ba sila bumati sa isa‘t isa?

Nilingon ko si Ruzzel na biglang pumalakpak sa gilid. binigyan ko siya ng nagtatakang tingin at Kibit balikat naman ang naging tugon niya sakin.

’Wala lang sa kanya ang nangyaring eksena kahit na magpatayan sila?’ itong lalaking to natutuwa pang makitang naglalaban sila.

"Who is she?"

Nabalik ako ng tingin sa gawi niya na nasa akin na pala ang tingin. sa wakas napansin niya na rin ako.

Napalunok ako sa tagos na tingin niya.
Kaba at Pagkailang ang umusbong sakin dahil sa malamig na mga mata niya.
Bakit kasi hindi magawang ngumiti man lang ng mangitian ko rin siya pabalik.

‘Dyosa pa naman siya sa paningin ko ang kaso nakakatakot pala siyang kaharap.’ kahit pareho kaming babae dito hindi ko man lang magawang basahin ang takbo ng isip niya.
Paano ko siya pakikisamahan?

"Zel." nalipat ang tingin niya sa katabi ko.

Malamang si Ruzzel tinutukoy niya.

Pero teka...

‘Zel.’ ang binanggit niya...

Nagtagpi tagpi saakin lahat ng binanggit nilang pangalan
‘Zsig , Zyla, Zel.’ mas lalo akong nahiwagaan sa mga pangalan nila.
Puro Z sila?

’Hindi kaya magkapatid sila?.’ biglang sumagi sa isip ko.

imposible! Wala kong makitang pagkakahawid nilang tatlo sobrang layo ng itsura nila.

Kaya paanong magiging magkapatid sila?
Ni mukhang magkasing Edad lang sila.
Pero wala namang imposible na hindi sila magkadugo o kung anong koneksyon ang meron silang tatlo.
Hindi kaya Step-siblings sila?
Malay mo magkapatid lang sila sa Ama o ina? May pagkakataon namang ganun.

"Magkapatid ba kayo?" Sa wakas naisatinig ko na direktang nakatingin sa babaeng kaharap ko.

Hindi siya natinag sa tanong ko.

Isang hagulpak na tawa ang nakapagpakunot ng noo sakin ng balingan ko si Ruzzel ang may gawa.

"HAHAHA." Malakas na tawa niya na bumasag ng tensyon sa paligid.

MOB Boss 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now