Chapter 24: I love you.

227 8 1
                                    


DARLYN P.O.V

'Tangina! Kinumpirma ko lang kung gaano kahalaga si Darlyn sa kanya..'

'Zsig, ang damot mo para hindi ipahiram sakin ang Girlfriend mo!'

'Di ko akalaing kaya niya kong Patayin dahil lang nagseselos siya.'

Natatawa ako sa isiping panay ang paliwanag ni Ruzzel ng ambahan siya ng suntok ni Zsig kanina.

Si Zyla naman.
Ayun hindi nakialam sa kanilang dalawa Hinayaan lang sila at hindi rin siya tumatawa o ngumingiti man lang pawang pinagmamasdan lang sila habang ako nagpipigil na sa kakatawa.

Normal na nga sa kanilang mag laban ng patas.

Pumasok na naman sa isip ko si Zyla. Siya kasi ang Leader nila. kaya ba hindi ko siya nakita nung oras na inaya akong pumanta ni Boss sa isang Bar club. Dahil mag pe-perform sila ng kabanda niya. ngayon pa nabuo sakin lahat na silang tatlo ang nasa Banda. Ang tatlong maskarang nakita kong nakasabit ay pagmamay ari nilang tatlo tsaka ang nasa gitna na ngayon ko lang rin nakita ay para kay Zyla. Iniisip ko palang na suot niya ang Maskarang nakita ko kanina.

'Baka Lalo siyang maging Misteryosa.' sambit naman ng isip.

Naalala kong dalawa silang nag pe-perform sa intablado nung araw na yun sa Bar Club kaya hindi nagkakalayong si Ruzzel at Zsig ang nandoon. dahil sila lang naman lalaki ang nakita ko nung araw na yun kahit nakamaskara sila. ang totoo pala wala ang Leader nila. wala ang Dyosang Leader nila. Akala ko buong lalaki sila sa isang banda yun pala may nag iisang babae sa kanila.
Mas nadagdagan tuloy ang paghanga ko sa kanilang tatlo muntik ko pang pagkamalang magkapatid silang tatlo kung hindi lang sinagot ni Ruzzel tanong ko.

'Kaya pala kinababaliwan sila kahit nakamaskara.'
"Ruzzel tell you everything?" Basag niya sa katahimikan na ngayon nakakunot na ang noo sakin.

Tumango na lamang ako.
'Hindi naman lahat sinabi niya pero atleast may nakuha akong sagot mula sa kanya.'
Lumabas na kami sa naturang Underground nila at nagpaiwan naman sila Ruzzel at Zyla. Napikon kasi si Zsig kay Ruzzel kaya hinila niya nako paalis sa kanila.

"Are you scared now?"

Bumalik ang paningin ko sa kanya bago umiling sa tanong niya. Ba't ba iba ang tono ng pananalita niya. ramdam ko tuloy ang bigat na dinadala niya akala mo pasan niya buong mundo.

"I can kill anytime whether you like it or not." Pag amin niya na iniwas ang paningin sakin.

Kinabahan ako sa inamin niya.

"I'm a Beast.'" dugtong niya bago nagpakawala ng buntong hininga.

Natahimik naman ako sa sinabi niya ganun ba kahirap sa kanyang aminin sakin ang totoo. "Kaya pa naman kitang baguhin diba?" walang kasiguraduhang natanong ko sa kanya.

"I don't know.'" mabilis na sagot niya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa biglaang pag amin niya. Ano bang pinagsasabi niya? kahit na inamin ni Ruzzel na Gangster nga sila. hindi ko pa rin nasasaksihan kung gaano katotoo ang sinabi niya.

"Wala naman mawawala kung hindi natin susubukan." Ang halimaw sayo. Wala pa naman akong ideya sa sinabi niya.

Kunti lang alam ko sa mga bagay na yun gaya ng Basagulero, barumbado, madalas makipagrambulan, bakbakan at Etchetara. Pero sobrang layo naman ata sa itsura nila kung tatawaging ganun. 'Mob Bosses' daw ika nga ni Ruzzel, sosyal na pala tawag sa kanila ngayon hindi na 'Gang'.

"Zsig." Pukaw ko sa atensyon niya na nakatulala na pala.

First time ko atang tinawag siya sa pangalan niya dahil ngayon ko lang rin nalaman kung sino siya. "Salamat, dahil hinayaan mo kong kilalanin ka."

"Darlin'."

Sa sobrang saya ko yinakap ko siya ng walang pasabi. Ang saya ko na hinayaan niya kong kilalanin siya. Kung sino at ano siya. naramdaman ko nalang ang paghaplos niya sa buhok ko.

"I love you, Darlin'.'"

'Mahal na rin kita, Zsig.' kahit hindi ko magawang aminin sayo.

---END OF CHAPTER 24---

MOB Boss 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now