Chapter 37: Father

197 5 0
                                    


DARLYN P.O.V

3 weeks later...

"Kamusta ang trabaho, Darl? Miss na miss ka na namin sa bahay." Panganga-musta ni Laurel ng bumisita sa nirentahan kong Condominium unit.

Kung saan Walking distance sa Market Market & SM Aura. At 1.4km away from Bonifacio Global City. habang 15 minutos ang biyahe patungo sa NAIA via C5 highway.

"Ayos lang naman Lau, ngayon lang naka Dayoff." Sagot ko ng salinan siya ng juice.

Tatlong linggo na ang lumipas simula ng matanggap ako sa trabaho. At pinanindigan na makapag bukod ng sariling Condo unit. laking pasasalamat ko na binigyan ako ng pagkakataon ni Mr. Ramirez na maging secretarya niya kahit hindi kuwalipikado ang requirements ko. kung hindi ko lang nalaman kay Mr. Ramirez na dati silang magkasusyo sa negosyo ni Papa.

"Tita,.." pag kuan tawag pansin ni baby belle.

Nilingon ko naman ang bata na masayang naglalaro ng barbie'ng binili ko para sa kanya
masyado akong abala na maiabot ng personal sa bahay nila kaya niyaya ko nalang silang bumisita sakin. simula ng matanggap ako naging babad nako. sinusubukan ni Mr. Ramirez ang kamayahan ko sa trabaho bilang Secretarya niya. Mga schedules at pagsama ko sa kanya. kailangan kong patunayan sa sarili kong magagawa kong kompletuhin ang inaasam niya.

"Bakit, Baby belle?"

"Hindi ka na ba talaga bibisita sa bahay, Ta? Gusto ko ulit marinig ang mga kwento mo." nakangusong himutok ng bata.

Natawa naman ako ng pandilatan siya nang mata ng kanyang ina. halatang sinasaway ang anak dahil sa tinuran nito.

"Umayos ka, Ysa!" Banta ng Ina.

"Totoo naman eh. Hindi ako nakakatulog sa gabi pag ikaw ang nagkwe-kwento dahil palagi mo nalang akong pinapagalitan." malungkot na sabi ng bata.

"Ysabelle!" Galit na sambit ng ina dahilan na matahimik ang bata.

Yumuko si baby Belle ng mapagalitan ina kaya ako na mismo ang lumapit para yakapin ang bata. mahina itong napahikbi. kahit paano takot talaga siya sa kanyang ina. Ramdam ko ang pangungulila ng bata. wala na kasi akong oras na madalaw siya sa bahay nila. tuloy na miss ko ring ihatid at Sundo siya sa Skwelahan niya. Ngayon Mama na niya ang gumagawa.

"S-sorry *Sik* My." saad ng bata sa ina.

Sa kabila ng pagtatampo at Awayan ng mag ina. nagagawa pa ring mag sorry ng bata bagay na tinuro namin sa kanya. pag nagkasala ay kaya pa ring humingi ng tawad. maayos siyang pinalaki ni Laurel. na walang pagkukulang sa pagmamahal.

"Oh. siya, halika rito." Pagtawag ni laurel sa anak na mabilis namang tumalima sa ina at yumakap. "Sorry na din si Mommy sayo." sambit ng ina matapos gawaran ng halik ang anak.

Sa hindi maipaliwanag naiinggit ako sa imahe ng mag-ina. kung ako kaya ang nasa posisyon ni laurel na may sariling anak ganyan rin ba ang gagawin ko? Ipaparamdam ang pagmamahal na walang labis at pagkukulang. napangiti na lamang ako sa isiping iyon bago hinayaan ang mag-ina.

Madaling lumipas ang oras na puro kwentuhan at tawanan. matapos magka-ayos ng mag-ina kanina. ay dito ko na rin sila pinag tanghalian at hanggang sa kailangan ng umuwi nila lau dahil maagang uuwi ang asawa niya sa trabaho.

"Paano ba yan, Darl. uuwi na kami ni Ysa." Ani niya ng maihatid ko sila sa Pinto.

"Sige, Lau. Ingat kayo." Saad ko.

"Babye ka na kay Tita, Ysa." Utos ni laurel sa bata.

Dumalo naman ang bata at agad akong ginawaran ng halik sa pisngi. napangiti ako. 'Kung may anak rin kaya ko kagaya ng anak ni laurel.' mabilis kong hinawi ang isiping iyon. Handa na nga ba kong magkaroon ng pamilya?

MOB Boss 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now