Chapter 30: Deceiving

Start from the beginning
                                    

"Per------"

"See you after class, Darl.'" sibat na sabi niya bago umalis kasama ng iba niya pang kaibigan.

Naiwan akong napabuga ng hininga sa kawalan.

UWIAN na ng maghintay ako sa waiting shed sakaling sunduin ako ni Zsig. matapos ng nangyaring pagdukot sakin ni Miguel naging mas mahigpit na siya sakin ultimo kailangan ko agad mag text at tumawag sa kanya kung anong sasakyan ko pauwi sakaling hindi niya ko masundo. hanggang ngayon palaisipan pa rin sakin lahat kung may tinatago ba si Zsig sakin.

Nang mailigtas niya ko laban kay Miguel ay hindi ako nabigyan ng tyansang tanungin anong meron sa kanila. sa paguwi namin sa bahay nakita ko kung paano siya sunod sunod na lumagok ng alak.

kahit hindi lang iyon isang beses na nangyaring uminom siya ay matagal ko na siyang nakikitang palihim na umiinom sa gabi. Saksi ko kung paano siya nagpapakalasing kahit hindi ko sinasadyang makita.

Naiisip ko tuloy kung pabigat na ba ko sa kanya.

Dahil hindi ko man lang magawang Komprontahin siya samantalang sobra sobra na naitulong niya sakin. Mahirap ba talagang sabihin sakin ang problema niya? o kung anuman ang bumabagabag sa kanya baka sakaling matulungan ko siya kahit sa simpleng bagay lang.

Sana man lang hindi niya sinasarili lahat.

balak ko sanang magtipa para itext si Zsig ng makapag paalam na rin sa kanya pero siya namang paghila ng kung sino sa phone ko at hatakin pasakay sa sasakyan ng walang pasabi.

"Stacy..." sambit ko ng makilala siya sa loob ng kotse.

"Darl, did i said to you afterclass right." napasipat na mga mata niyang saad habang itinaas ang Phone ko na hawak niya.

"Kasi Stacy, uuwi mo nako sa-----"

"You don't need to Change, Darl. baka hindi mo pa ko siputin.'" sabat niya sa sasabihin ko.

"Pero ka------"

"No, more buts. your presence is more important." Putol niya sakin na may malapad na ngiti.

Natahimik na lang ako ng mawalang mawala para pigilan siya ng magsimula ng umandar ang sasakyan niya. Si Zsig ang inaalala ko hindi na naman ako nakapag paalam sa kanya lalo pa hawak ni Stacy ang phone ko.

Huminto ang sasakyan sa isang subdivison village Marahil ito na nga ang bahay niya. Sabay kaming bumaba ng sasakyan ni Stacy para pumasok sa bahay nila at kasabay ng pagbungad samin ang naghihinalong kulay ng ilaw sa loob.

"Happy Birthday, Stacy."

"Happy Birthday, Stac."

"Happy Birthday, Echavez."

Samu't saring pagbati ang natatanggap ni Stacy habang hawak ako sa braso halos lahat ng nagku kumpulan ay kilala siya. May iilang pamilyar na Senior at Sophormore na former students sa universidad.

"Thank you, please excuse us." Sagot niya sa mga nakakasalubong namin sa daan.

Marami pala siyang inimbita.

Nakakahiyang uniforme ang suot ko kumpara sa kanila na magagara ang suot ng mga nakakahalubilo namin ni Stacy sa loob. Kilala pa naman siya dahil sa pagiging pala kaibigan niya kahit na bad habbit ang nakasanayan niya.

"Darl, here." kaway niya sakin ng maiwan ako sa kawalan.

"Darlyn remember, Johan, Mike, Kim, Andrea, Allyssa and Grace." Pagpapakilala niya ulit sa mga nakasama namin noon.

Tumango na lamang ako bilang pagtugon.

"Happy Bornday, Stac." Bati sa kanya ng hindi nalalayong agwat nila.

MOB Boss 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now