Kabanata 78

1.6K 64 10
                                    

My bodyguards helped me na dalhin si Thea sa malapit na ospital. My driver told me na nakiusap si Thea sa kanila na sundan ako. Natamaan sa batok si Thea. Malakas ang pagkakahampas sa kanya kaya nawalan siya ng malay. I took my phone at mabilis na tinawagan si Zay. Bahala na! Ang mahalaga ay masabihan ko si Zay.

"Zay..." I'm so nervous. Lint*k! It should not be like this. Bakit ba tatawagan si Zay? Mas okay nga na hindi niya alam ang nangyari kay Thea. Pero hindi na ako p'wedeng umatras ngayon. He did not speak so I continued.

"I'm at the hospital right now. Si Thea kasi..."

(What happened to her?) Naging alerto kaagad siya nang marinig niya ang pangalan ni Thea. I felt sad for myself. Hinihiling ko na sana ganyan pa rin siya sa akin.

"She lost her consciousn__" Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita.

(I'll go there. Ipadala mo sa akin ang lokasyon ng ospital.) I nodded though he couldn't see me. Napapikit na lang ako nang bigla na lang niya akong binabaan. I sent him the location. Hinihintay ko na lang na dumating siya. Kinakabahan talaga ako! Sh*t!

Ang sabi ng doktor stable na ang lagay ni Thea. He made some test para masigurong maayos lang ang lagay na Thea. Nilinaw niya rin na hindi nabagok or may something na nangyari sa ulo ni Thea. He just gave the medicine of Thea. Pain reliever dahil paniguradong sasakit ang batok niya. Wala pa ring malay si Thea. Naghihintay lang ako kay Zay sa labas ng silid ni Thea. Kaagad akong napatayo nang makita ko ang paparating na si Zay. Kasama niya ang dalawang kaibigan. Si Xavier at Zephyr.

"Zay..." Sambit ko nang makalapit siya sa akin. Napatingin ako sa dalawang lalaki na nasa likuran niya. Sobrang seryoso at walang emosyon si Xavier. At si Zephyr naman ay medyo worried ang mukha.

"How's Thea?" Tanong ni Zephyr.

"She's fine now." Binalingan ko si Zay.

"Anong ginawa mo sa kanya?" Tanong niya. Bakas ang matinding galit sa tinig niya.

"I didn't do anythi__"

"Don't lie to me!" Para akong nanlamig sa pagsigaw niya. Nasasaktan talaga ako dahil sobrang layo niya sa dating siya. Para bang hindi na niya ako kilala. Never niya akong sinigawan noon. Kahit na naiinis na siya o nagagalit sa akin hindi niya pa rin ako pinapatulan, kahit kasalanan ko siya ang nagpapakumbaba. Reyna niya ako eh, pero ngayon hindi na. He can do everything for me. Ako ang kinakampihan niya kahit kasalanan ko pa. Pero iba na talaga ngayon.

"Wala nga akong ginawa sa kanya. Believe me, Zay." Hahawakan ko na sana siya, pero lumayo siya sa akin. Naglakad siya papasok sa silid ni Thea. Xavier followed him. Napayuko ako. Ang sakit nitong ginagawa mo sa akin Zay.

"Ang taong marami ng kasalanan mahirap talagang paniwalaan. Kahit may nagawa ka nang tama matatakpan pa rin 'yon ng mga mali mong ginawa." Napaangat ang tingin ko kay Zephyr.

"Dinadamay mo si Thea sa away ng gang mo. Sana naisip mo na hindi gangster si Thea."

"Wala naman talaga akong ginawa sa kanya. Pumunta ako roon at nakipag-away mag-isa. Hindi ko alam na sumunod pala sa akin si Thea at bigla na lang umeksena. Kasalanan ko ba na tinanggap niya ang hampas na para sana sa akin? If you don't believe me eh 'di h'wag! Hindi naman ako mamamatay kung hindi kayo maniniwala. Oh my gosh! Bakit ba nagsasayang ako ng oras para magpaliwanag? Wala namang naniniwala sa akin. Tangna 'di ba?!" Sigaw ko sa kanya. Umiinit lalo ang ulo ko dahil kay Zephyr. Why did I see him now? Ang malas lang ng araw na 'to. Tatalak na naman sana ako, pero natigilan ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"May sugat ka." He said seriously while staring at me.

"Wala kang pakialam!" I shouted. I pushed him away from me. Nagmartsa ako paalis. Iniwan ko na ang lint*k na Zephyr!

Book 1: I'm Just His ExWhere stories live. Discover now