Kabanata 77

2K 107 44
                                    

[SHANTAL's POV]

"Shantal, may gusto ka bang puntahan? Gusto mo samahan kita?" Thea asked me. Sinusuklay ko ngayon ang aking buhok at nakaharap ako sa malaking salamin.

"Wala." I answered and continue to comb my hair.

"Susuklayan kita." Aniya. Nagulat ako when she suddenly took the comb with me. Hindi na ako nakapalag nang dahan-dahan niyang sinuklay ang aking buhok. Pinapanood ko lang siya sa pamamagitan ng salamin.

"Ayaw kong isipin mo na ang pakialamera ko. Pero hindi mo dapat sinasabihan ang nanay mo ng gano'n. Masakit 'yon para sa kanya dahil ina mo siya."

"None of your business." I rolled my eyes.

"Alam mo ba ang suwerte mo sa mga magulang mo kasi kasama mo sila at mahal na mahal ka nila. Hindi tulad ko..." I raised my eyebrows.

"What?" Mataray na tanong ko.

"Ako kasi hindi ko masyadong naramdaman ang pagkakaroon ng isang tunay na magulang. Ampon lang kasi ako. Hindi ko na nakilala ang totoo kong mga magulang kasi sabi ni mama patay na raw sila." Ampon lang talaga siya? And her true parents were dead.

"Kaya ikaw masuwerte pa rin." Her voice cracked. Natigilan ako when I saw her tears.

"Pero k-kahit na ampon lang ako mahal na mahal ko pa rin ang mga umampon sa akin." Napahinto siya sa pagsusuklay sa aking buhok. Naiinis akong napaharap sa kanya.

"Why are you crying?"

"Miss ko na kasi si papa. Bakit ba kasi siya namatay? T-tapos sa birthday niya pa. Kahit na gano'n siya sa akin mahal na mahal ko 'yon." Umiiyak na sabi niya.

"Oh my gosh! Ang mga tao ay namamatay. Tanggapin mo 'yon. Mas okay nga na sa birthday niya siya namatay. Well, at least nadagdagan ang edad niya." Walang ganang sabi ko.

"Pero masakit pa rin. Tapos si mama umalis pa. At si Tanny nasa tunay na pamilya na niya. Naiwan akong mag-isa." Parang batang nawalan ng laruan kung umiyak. Bakit ba ang iyakin niya? Simpleng bagay iniiyakan. Kaya madaling saktan eh! Wala talagang kuwenta!

"Your mother is trying to move on sa pagkamatay ng papa mo. Tanny is not really your sister. De Loughrey siya." Napanguso 'to. Darn! Ang arte lang talaga.

"Ate..." Para ako na freeze nang tinawag niya akong ate at biglang niyakap.

"I'm not your ate!" Protesta ko.

"Praktis lang naman. Paano kaya kung kapatid kita? Tapos sabay tayong lumaki. Magiging mabait ka kaya sa akin?" Tanong niya habang yakap pa rin ako.

"Of course not! Mas hindi ko matatanggap kung ikaw ang kapatid ko. At p'wede ba h'wag mong sabihin ang tungkol sa bagay na 'yan dahil naiirita ako!" Singhal ko sa kanya. Itinulak ko siya palayo sa akin.

"H'wag kang umarte na para bang maayos na ang lahat sa pagitan nating dalawa."

"Sinusubukan kong ayusin Shantal."

"Gusto mong maging maayos tayo?" Taas kilay na tanong ko. Tumango naman siya bilang sagot.

"Leave Zay. Hayaan mo na siya sa akin. He's my fiance."

"Pero boyfriend ko siya. Hangga't mahal namin ang isa't-isa walang mang-iiwan o bibitaw sa aming dalawa."

"Matigas ka talaga!" Nanggigigil na sigaw ko.

"Mahal ko talaga siya."

"At mahal ko rin siya. Ako ang nauna."

"Pero pinakawalan mo siya. Hinayaan mong magkaroon ng pangalawa. Ako 'yon. Ako na 'yon Shantal. Ako ang nasa tabi ni Zayden habang wala ka. Nasabi ko na 'to sayo at uulitin ko pa rin ngayon... Shantal kung hindi ka gumawa ng dare para kay Zayden hindi mangyayari 'to. Kung hindi mo siya 'tinulak palapit sa akin sana ikaw pa rin ang gugustuhing makasama ni Zayden ngayon. Hindi ko na kasalanan kung bakit ako at hindi na ikaw." Lakas loob na sagot niya. Napaawang ang bibig ko. Kapal ng mukha!

Book 1: I'm Just His ExWhere stories live. Discover now