Kabanata 69

1.7K 61 2
                                    

Habang nasa sasakyan ay bigla na lang akong nahilo. May ipinaamoy kasi sa akin si Blaze. Ni hindi ko matukoy kung ano? Basta naramdaman ko na lang ang matinding hilo at panlalabo ng mga mata ko. Pagkatapos nun ay wala na akong natandaan dahil bigla na lang akong nawalan ng malay.

*****

[LIAM's POV]

Wala ng malay si Thea. Kaagad namin siyang dinala sa isang private room na pagmamay-ari namin. Hindi naman kasi talaga totoo na nasa ospital si Zayden. Joke lang namin 'yon para sumama siya sa amin. Gusto lang talaga namin na magkausap sila ni Zayden.

I called Avery. Tinanong ko siya kung nasaan na si Zayden. Sinabi niyang kasama na nila at wala na ring malay. Plano talaga namin 'to. Si Thea ay pinaamoy namin ng pampatulog at si Zayden ay pinainom nila Avery ng pampatulog. Hindi magagalit si Zayden sa ginawa naming 'to. Baka nga pasalamatan pa niya kami dahil dito.

Mahimbing na natutulog si Thea sa kama. Hinihintay na lang namin na dumating ang iba naming kaibigan kasama na si Zayden. We just want to help Zayden. Hindi talaga kasi siya naging okay mula ng maghiwalay sila ni Thea. Alam kong tinitiis niya lang na h'wag makita si Thea. Napilitan lang din siya na layuan 'to. Kaya kami na ang gagawa ng move para sa kanila.

Maya-maya ay dumating na sila. Muntik na akong matawa nang makita kong pinagtutulungang buhatin ni Zephyr at Xavier ang walang malay na si Zayden.

"Ihiga niyo sa kama katabi ni Thea." Utos ni Roux. Kaagad namang sumunod ang dalawa. At ngayon magkatabi na si Zayden at Thea sa kama.

"Let's leave them." Saad ko.

"Sige. Ayiee! Ang sweet nila." Sabi ni Blaze at kinunan pa ng picture si Zayden at Thea gamit ang bagong cellphone niya. Kapag nakita ni Zayden ang picture na 'yan ewan ko na lang kung ano ang mangyayari. Bago kami umalis ay ni locked pa namin ang pintuan. Siniguro talaga namin na hindi nila mabubuksang dalawa. Umaasa ako na pagkatapos nito ay magiging okay na naman sila.

*****

[THEA's POV]

Nagising ako dahil naramdaman kong may mga kamay na nakayakap sa baywang ko. Nasaan na ako? Pinasadahan ko nang tingin ang buong paligid. Kaninong k'warto 'to? Paano ako napunta rito? Nasaan na si Liam, Roux at Blaze? Napatingin ako sa katabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Zayden na mahimbing na natutulog sa tabi ko. T-teka akala ko ba nasa ospital si Zayden at mapanganib ang lagay, pero ano 'to? Okay na okay si Zayden. Ni walang galos o pasa man lang. Mahimbing pa nga ang pagkakatulog. Naguguluhan ako. Paano kami napunta sa k'wartong 'to? Kagagawan siguro ng mga kaibigan niya dahil mukhang si Zayden ay wala ring alam. Natatakot ako baka biglang magising si Zayden at makita niya ako. Wala akong lakas ng loob na humarap sa kanya. Dahan-dahan akong umalis sa kama at pumunta sa pintuan. Sinubukan kong buksan, pero ayaw bumukas. Nakailang ulit ako, pero ayaw talaga. Nataranta na ako.

"May tao ba d'yan sa labas? Buksan niyo naman 'to!" Hindi ko na mapigilang isigaw.

"Liam! Roux! Blaze! Buksan niyo 'to!"

"Althea Ellez?" Napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang boses ni Zayden. Para akong robot na napalingon sa kanya. Nagtatakang nakatingin sa akin si Zayden.

"Why are you f*cking here? Where are we?" Tanong niya.

"N-nasa isang room. Nagising na lang ako na nandito na ako. Nakausap ko si Liam, Roux at Blaze sabi nila nasa ospital ka raw dahil nadisgrasiya ka. Nag-alala ako kaya sumama ako sa kanila. Hindi ko naman kasi alam na nagbibiro lang pala sila. May ipinaamoy sila sa aking pampatulog tapos nagising na lang ako rito kasama ka."

"Damn! Pinainom nila ako ng pampatulog kaya rin ako nandito."

"Zayden..."

"What?"

Book 1: I'm Just His ExOnde histórias criam vida. Descubra agora