Kabanata 65

1.6K 40 0
                                    

"Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" Tanong ko kay Zayden habang naglalakad kami papasok sa DLA. Masaya ako kasi okay na kami ni Zayden. Alam na rin niya na ampon ako. Salamat kay Liam dahil tinulungan niya akong sabihin kay Zayden ang problema ko. Mabuti na lang nand'yan palagi si Liam para tulungan ako. Kung wala siya ay baka hindi pa rin ako naintindihan ni Zayden hanggang ngayon.

"Sa tingin mo makakatulog ako pagkatapos ng ginawa mo?" Tanong niya pabalik sa akin.

"Huh? Anong sinasabi mo d'yan?" Napahinto siya at humarap sa akin.

"You kissed me. Inakit mo ako. We almost did that thing pero sh*t! Natulog ka lang sa ibabaw ko pa talaga. Alam mo 'yon...Torture para sa akin 'yon. Damn! Damn!" Natulala ako sa sagot niya. Ohmygosh!!! Naalala ko 'yong kagabi. Talaga bang ginawa ko 'yon?

"Zayden... h'wag ka nang magalit. Hindi ko sinasadya. Sorry na." Nakayukong sabi ko. Hindi siya sumagot sa halip ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako para magpatuloy sa paglalakad.

"It's okay." Simpleng sagot niya. "If your real parents are still alive I will help you find them. Pero sayang dahil matagal na pala silang wala." Dagdag pa niya.

"Nakakalungkot ngang isipin na wala na sila. Na hindi ko man lang sila nakita at nakasama. Pero ayos lang. Siguro nga nakatakda talagang mangyari ang lahat ng 'yon. Kung hindi siguro ako nakita nila mama at kung hindi ako naging si Althea Ellez ay hindi ko makikilala ang isang Brent Zayden. Kung nasaan man sila ngayon siguro ay maayos na sila. Tatanggapin ko na lang ang lahat. Kahit na masakit."

"Don't worry, I'm just here for you. Treat me like a real family." Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Kahit papaano ay naging maayos ang pakiramdam ko. Parang nabawasan na ang bigat sa dibdib ko. Salamat, salamat talaga.

Hinatid na ako ni Zayden sa classroom. Katulad ng dati ay masama pa rin ang tingin ng iba. Hindi pa rin nila matanggap na ako na ang bagong girlfriend ni Zayden. Hinahayaan ko na lang. Wala na rin naman siguro akong magagawa kung ayaw talaga nila sa akin.

*****

"Mama? Papa? Tanny? Nasaan na kayo?" Nag-aalangang tanong ko. Nasa bahay ako, pero wala akong naabutan kahit ni isa sa kanila. Sobrang gulo ng mga gamit namin sa bahay. Wasak rin ang pintuan. Nagtungo ako sa k'warto ko ngunit wala rin sila. Patakbo akong pumunta sa k'warto ni mama at ni papa. Nagulantang ako sa nakita ko. Nanginig ang buong katawan ko. Sumikip ang dibdib ko.

"Mama! Papa! Tanny!" Sigaw ko. Duguan ang katawan nilang tatlo. Napaiyak na lang ako dahil mukhang wala na silang buhay. Bakit ganito? Sino ang may gawa nito sa kanila.

"A-ate." Nilapitan ko si Tanny na halos nag-aagaw-buhay na.

"T-tanny... Diyos ko. Sinong may gawa nito?" Umiiyak na tanong ko. Matinding awa ang nararamdaman ko para sa kanila. Walang awa ang may gawa nito. Ano ang kasalanan ng pamilya ko at bakit nila ginawa 'to?

"T-tulungan m-mo k-kami ate... Tulungan mo...kami..." Paulit-ulit na sabi ni Tanny. Lalo akong napahagulgol nang mapaubo na ng dugo ang kapatid ko. Ni hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"M-mahal na mahal ka....namin...ate." Nahihirapang sabi niya bago tuluyang pumikit.

"Hindi! H'wag niyo akong iwan! Please! Gumising kayong lahat. Mama! Papa! Tanny! Parang awa niyo na h'wag niyo akong iiwan. Kayo na lang ang pamilya ko kaya pakiusap! H'wag kayong mawawala sa akin." Hagulgol ko.

Book 1: I'm Just His ExDonde viven las historias. Descúbrelo ahora