Kabanata 15

2.6K 67 1
                                    

[AVERY’s POV]

Kinaumagahan nang pumasok ako sa school nandito na ang anim, pero wala pa si Liam at Zayden. I’m sure late na si Zayden, naglasing ba naman. May palindol-lindol pa siyang nalalaman.

Hinatid na nga lang siya ni Blaze sa condo niya. Siraulong Blaze! Kung ano-ano ang naiisipan. Kinunan ba naman ng video si Zayden. I’m sure once na nalaman ni Zayden iyon R.I.P na lang sa pinakamamahal niyang cellphone.

Naupo na ako sa upuan ko katabi ni baby Liam next to Zayden. I’m not a gay. Nasanay lang talaga ako na tinatawag si Liam nang gano’n since medyo close kami ng ugok na iyon. Napakaguwapo ko naman para matawag na bakla.

Speaking of Roux, nasa unahan siya sumasayaw ng kalaswaan kasama ang muse ng section namin habang kinukunan sila ng video ni Blaze na may lollipop pa sa bibig. Ganiyan kasi kapag uminom ng alak si Blaze, asahang may lollipop kinaumagahan sa bibig. Pampawala raw ng hang over. Peste! Saan niya natutunan iyon? Napailing na lang ako dahil sa kalokohan ng dalawa.

Si Xavier naman ay mahimbing na natutulog sa lamesa malapit kina Roux at Blaze. Seriously? Nakatulog pa siya sa ingay ng dalawa?

“Hoy! G*go ka, Xavier, bumangon ka riyan! Mukha kang patay. Kapag ikaw naabutan ng teacher natin tatadtarin ka nun na parang karne ng baboy. Parang awa mo na, nag-aalala lang ako sa ’yo. Sa akin ka na lang mahiga libre pa,” saad ni Zephyr habang pinipilit na bumangon si Xavier, pero parang walang narinig si Xavier.

“Ano, ha? Suntukan na lang!”

“T*ngina! Basagin ko pa iyang mukha mo!” Napalingon naman ako sa likuran ko. Si Reid at Pierce nagtatalo na naman.

“Ano na namang pinag-aawayan n’yo?” tanong ko sa dalawa.

“Iyang Reid na iyan! Nilagyan niya ng maraming bato iyong bag ko. Nasira tuloy,” pagsusumbong ni Pierce.

“Kasalanan ko bang fake iyang bag mo na parang bag ni Dora!” sagot naman ni Reid.

“Eh, gunggong ka pala! Araw-araw mong pinagti-trip-an ang bag ko. Sa tingin mo hindi pa masisira?” kunot-noo na tanong ni Pierce.

“Buy a new one.”

“Pangatlo na ito dahil sinisira mo!”

“So, meaning bulok talaga ang taste mo.”

“Babaliin ko na talaga iyang leeg mo!” asik ni Pierce.

“Kung kaya mo!” ganti ni Reid.

Akmang susugod na sila sa bawat isa, pero kaagad akong umawat sa kanila. Bale nasa gitna nila ako ngayon.

“Wah! Tama na! Bag lang iyan!” medyo madramang saad ko. Bakit kailangang mag-away sa bag? Diyos ko!

“Leave, Avery,” utos ni Pierce.

“Tabi, Avery,” segunda ni Reid.

“Ayaw ko. Huhu, pakiusap huwag kayong magtatalo. Pero kung kailangang mamili na ako sa inyo para hindi na kayo mag-away. Sige, pipili na ako.” Napangiwi naman si Pierce at tumaas naman ang kilay ni Reid.

“Ano? Yuck ka! Bag ang pinag-aawayan namin,” parang kinikilabutan pa na sabi ni Reid.

“Ang kapal ng mukha mo. Ilang layer ba iyan? Para mabawasan ko. Nasaan na ba ang kutsilyo ko? Para masaksak na kita.” Ang g*go talaga nitong si Pierce.

“Parang nagbibiro lang naman,” natatawang sabi ko, pero deep inside kinakabahan na ako. Ayaw ko pang magkaroon ng gripo sa katawan at baka magkaroon ng piklat ang abs ko, tsk! tsk!

“Easy lang, mga pare. Bag lang iyan. Maraming bag sa mundo. Tara kay Blaze. Hiramin natin cellphone niya nang mapanood natin ang video ni Zayden kagabi.”

Book 1: I'm Just His ExWhere stories live. Discover now