Kabanata 38

1.7K 53 0
                                    

DAY 3.

"Thea, where we're going?" Tanong sa akin ni Ciara habang hinihila ko siya patungo sa cottage.

"May ipapakilala ako sayo." Sagot ko na lang. Hehe, three days na kami rito at alam niyo ba? Nandito rin si nerd este si Rain pala. Nang makarating kami do'n ay naabutan namin si Rain na may hawak na libro at binubuklat ang bawat pahina nito. Hanggang dito ay may dala siyang libro. Sipag niya talagang magbasa.

"Rain!" Tawag ko kaya napatingin 'to sa amin.

"Ate Thea." Nakangiting sabi nito nang tuluyan na namin siyang nalapitan. Kahapon kami nagkita ni Rain dahil medyo hindi siya lumalabas sa room nila. Hindi ko rin kasi siya napansin noong first day namin dito.

"Who's this?" Seryosong tanong ni Ciara habang nakatingin kay Rain. Take note, nakataas pa ang kilay niya. Ang taray naman 'ata ni Ciara kay Rain.

"Ah, kaibigan ko. Siya s__"

"What? Kaibigan? Akala ko ba si Liampo ko, Roux at ako lang ang friend mo. T-tapos may iba pa pala?! Wahh!" Pagpuputol ni Ciara sa sinasabi ko. OA niya. Parang ako lang, hehe.

"Bagong kaibigan ko siya, Ciara. Mabait din siya katulad mo. Matalino rin." Nakangiting sabi ko habang itinuturo si Rain.

"Hmp! Ayaw. I'm not interesting." Sabi nito sabay pout. Haha, ang cute ni Ciara.

"Ehem. Hi? I'm Rain Marjorie. 16 years old. I'm grade 10 student." Pormal na pagpapakilala ni Rain kay Ciara. Naglahad pa siya ng kamay, pero hindi tinanggap ni Ciara.

"Hmm, I'm Ciara Venice. 18. Grade 12. Best friend of Thea." Pormal din na pakilala ni Ciara. Yiee, galing naman. Sana okay lang sila para masaya.

"Ate Ciara na lang ang itatawag__"

"Don't ate-ate me! Hindi kita kapatid at mas lalong hindi ka asawa ni Roux." Mabilis na sabi ni Ciara.

"Anong connect?" Poker face na tanong ni Rain.

"Of course. Kapag asawa ka ng kapatid ko family na rin kita. You can call me ate na." Bigla namang napangisi si Rain.

"Gano'n ba? Tatawagin pala kitang ate kapag part ako ng pamilya niyo. Pero bakit si Thea? Ate ang tawag ko."

"S'yempre mapili ako."

"Okay." Tipid na sagot ni Rain. Hype na Ciara kung anu-ano dinadahilan h'wag lang siyang matawag na ate, haha.

"How are you, ate Thea?"-(RAIN)

"Okay lang. Ikaw?"

"I'm fine."

"Hey! Rain tanungin mo rin ako."

"Ahm, how are you, Ciara?" Tanong din ni Rain. Haha, pinanindigan ang pagtawag ng Ciara.

"I'm good that. As I can see. I'm feeling the okay. But knows that you are friend of Thea my dear is so bad. Especially your so showy." Ani ni Ciara kay Rain. Haha, ayan na!

"Ha? Excuse me? Can I ask where yo__"

"In my own knowledge." Dugtong kaagad ni Ciara.

"Yeah. Yeah. I mean saan nanggaling ang mga english mo?"

"Sa utak ko." Haha, bahala silang mag-usap d'yan. Makikinig na lang ako.

"Ah, hindi ka man lang ba nagtangkang magbasa kahit na english dictionary man lang?" Tila nagtatakang tanong ni Rain.

"I never trying to reading english book and english dictionary or any kinds of the books because I don't want to. It's kinda irritating because the books was wrong. Mas maalam pa ako sa libro eh." Ani ni Ciara. Naalala ko tuloy 'yong araw na una kong nakilala si Ciara. Haha laugh trip. Akala ko talaga magaling siya sa english.

Book 1: I'm Just His ExWhere stories live. Discover now