Kabanata 18

2.3K 66 2
                                    

[THEA's POV]

"What are you waiting for? Pumasok ka na." Utos nito sa akin nang mabuksan ang pintuan ng condo niya. Nandito na kami ngayon.

"Zayden, ayaw ko. Uuwi ako."

"Uuwi? Ano'ng gagawin mo sa bahay niyo? Samahan mo na lang ako rito."

"Mali naman 'tong ginagawa natin. Baka kung ano ang iisipin ng ibang tao kapag nakita nila tayong magkasama rito."

"You don't have to worry about what others may think because you know to yourself that you're not doing anything wrong."

"Bakit noong naghiwalay tayo kung itaboy mo ako wagas, pero bakit ngayon halos ipagsiksikan mo ako sa sarili mo?"

"People change. Iba rin ang noon sa ngayon. Ano? Papasok ka ba o hindi?" Tila naiinip na tanong nito.

"Hindi. Uuwi na ako." Sagot ko sa kanya saka siya tinalikuran. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay hinawakan niya ang t-shirt ko at hinila pabalik. Pupunitin niya 'ata damit ko. Palagi na lang hinihila.

"Why so hard headed, woman?"

"Zayden, ano ba? Hayaan mo na nga akong umalis."

"No."

"Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo."

"I said no! Do that as my command." Matigas na saad nito.

"Bakit ba ginugulo mo na naman ako? Hindi na nga kita ginugulo. Gusto ko nang kalimutan lahat. Hayaan mo na ako. Ikaw na mismo ang nagsabi dati na mas masasaktan lang ako kapag patuloy akong lalapit sayo. Ayaw mo akong magpakatanga sayo 'di ba?"

"Sinabi ko lang 'yon dahil."

"Dahil ano?"

"Dahil nakiusap si Liam sa akin."

"A-ano?"

"Wala naman talaga akong balak na itaboy ka sa pangalawang pagkakataon. Okay lang sa akin na manatili ka sa tabi ko kahit bilang ex na lang. Babawi naman talaga ako sayo, but Liam persists in front of me. I can't resist my cousin kaya ko siya pinagbigyan." Nagawa ni Liam 'yon? Kaya pala siya nag-sorry sa akin noon.

"Pinaglalaruan niyo lang ako lalo na ang damdamin ko. Puro damdamin niyo lang ang iniisip niyo. Kamusta naman 'yong akin? Ni hindi okay." Saad ko sa kanya. T*ng inang emosyon 'to ayaw magpapigil.

"Don't leave. Hayaan mong bumawi ulit ako sayo."

"Tama na, Zayden."

"Kalimutan na natin ang mga pangit na nangyari noon. Gumawa tayo ng panibagong alaala ngayon. Hayaan mo munang gawin ko 'to hanggang sa maging handa na ako sa lahat ng bagay."

"Nakakainis ka naman! Kailan ka pa ba magiging handa?"

"Soon. Ipagpatuloy mo na ang pag-aaral mo."

"P-pero paano si Liam? Baka magtalo na naman kayo." Nag-aalalang tanong ko.

"Just trust me." Tsk! Napakahirap intindihin ng isang De Loughrey. Napabuga na lamang ako ng hangin.

"Ano naman ang gagawin ko rito?" Tanong ko sa kanya.

"I'm hungry."

"Oh? Ano naman?" Taas kilay na tanong ko sa kanya.

"You should cook for me." Utos nito sa akin.

"Kung makapag-utos ka wagas."

"You have a wages from me. So, don't complain."

"Hmm, ano ba ang gusto mong kainin?" Excited na tanong ko. Hehe, magaling akong magluto at si Zayden ang kakain.

Book 1: I'm Just His ExWhere stories live. Discover now