Kabanata 75

1.5K 58 10
                                    

Nakaupo ako sa gilid ni Shantal. Pinapanood ko lang siya habang inaayusan niya ang sarili niya. Nakasuot siya ngayon ng mini skirt, black tube top at black knee high boots. Kinulot niya ang mahaba at blonde na buhok.

"I'm done." Aniya saka tumayo. Kinuha niya ang kanyang purse saka 'yong coat---ipinatong niya lang 'to sa magkabilang balikat. Dahil matangkad, maputi, makinis at maganda ang hubog ng katawan ay bagay talaga sa kanya.

"Isuot mo kaya ng maayos ang coat mo Shantal? Malamig ngayon."

"Duh. Style 'yong ganito. Kasama sa fashion. Let's go na nga." Hindi na ako nagsalita kasi baka mapahiya lang ako.

"Aalis po kayo Miss. Shantal?" Tanong ni manang Ades nang makasalubong namin siya ni Shantal sa hagdan.

"Oo. Para namang hindi ka pa sanay na umaalis talaga ako kapag mga ganitong oras." Kalmado, pero halata pa rin ang pagsusungit sa boses niya.

"Sasama ka Thea?"

"Opo, manang." Magalang na sagot ko. Naunang naglakad si Shantal kaya naman nagmadali ako para maabutan siya. Nakarating kami sa parking lot. Umayos ng tayo ang mga tao nang makita si Shantal.

"Give me the key." Ani ni Shantal sa lalaking nakasuot ng pang driver. Ito siguro ang driver niya.

"Key of what, Miss. Shantal?"

"Stupid man! The key of the car."

"I'm sorry, Miss. Shantal. I mean which of the cars?"

"The FERRARI!" Pasigaw na sagot niya. Nagmadali naman ang lalaki na hanapin  sa mga susing hawak niya 'yong susi para sa ferrari na sinasabi ni Shantal. Ang daming susi. Kung ako ang maghahanap baka abutan ako ng ilang oras. Inabot niya kay Shantal ang susi at tinanggap naman niya 'to.

"Ako na ang magmamaneho, Miss. Shantal." Presinta ng driver.

"No need." Binuksan ng driver 'yong pinto sa driver seat kaya pumasok naman si Shantal. Ako naman ay pumasok na rin. Katabi ko lang si Shantal. Binuhay niya ang makina saka nagsimula nang patakbuhin ang kotse. Nakatanaw na lamang sa amin ang driver pati na rin ang mga bodyguard ni Shantal habang papalayo kami.

"May lisensya ka ba?"

"Of course. I'm not stupid to drive here with no license."

"Ahm, ang ganda naman ng singsing mo." Puna ko sa singsing na suot.

"Ahm, this?" Bahagya niyang ipinakita ang daliri na may singsing.

"This is our engagement ring. Zay's mother gave it to us the day she announced about my engagement with her son." Tumigil siya sa pagsasalita saka lumingon sa akin. "But Zay didn't wear his ring." Hindi na ako muling nagsalita pa. Ang awkward na kasi.

*****

Makalipas ang ilang minuto ay tumigil ang kotse sa isang bar. Lumabas si Shantal kaya sumunod naman ako.

"Shantal, bakit sa bar?"

"Dahil dito ang gusto ko. Dito ako masaya. Tara na."

"Eh? Baka...bawal ang suot ko rito?"

"Bakit naman? Dapat ba ilantad rin ang balat mo? Kung worried ka sa suot mong skinny jeans at oversized t-shirt eh 'di mag bra at panty ka." Nang-uuyam na sabi niya saka pumasok na sa loob. Napailing na lang ako. Kailan ba sasagot ng maayos si Shantal? Sumunod na rin ako sa kanya. Nabingi agad ako sa music. Maraming tao, lahat sila may hawak na inumin at wild na sumasayaw sa dance floor. Tinakpan ko ang ilong ko nang may bumuga ng usok ng sigarilyo. Naririnig ko rin ang tawanan ng mga kababaihan at kalalakihan. Nasaan na ba si Shantal? Hinanap ko siya sa buong paligid. At sa wakas ay natagpuan ko sila sa gilid. May sofa roon at nakaupo siya kasama ng mga kakilala niya. Lumapit agad ako kay Shantal.

Book 1: I'm Just His ExWhere stories live. Discover now