Kabanata 72

1.9K 67 20
                                    

[MRS. DE LOUGHREY's POV]

I'm here in the mansion with my husband. Pupunta raw si Brent dito at may mahalaga siyang balita. That man! I still never forget his disobedience to me just because of that woman! Whatever he does I still don't like that woman for him.

"What is his news? Don't tell me na ibabalita niyang ikakasal na siya sa Valderoza na 'yon? My God! I can't accept that!" Reklamo ko kay Zan na asawa ko. I've also told him what our son did---na hindi na nito kasintahan si Shantal. Pero ang magaling kong asawa ay parang natuwa pa. Kasi raw ang mahal niyang anak ay umibig sa iba. Kakaiba raw 'yon dahil nahulog si Brent sa isang ordinaryong babae kahit na wala sa mukha ni Brent na pumatol sa mga low class.

"Hon, if that's what our son will say we should be happy. Baka tumino na ang anak natin kapag naikasal sa babaeng 'yon. Ayaw ko kasing nagsusungit ang anak natin. Nakakabawas sa kagwapuhan." Muntik ko nang maibato ang hawak kong magazine sa pagmumukha niya. Kahit kailan talaga ay hindi ko nakausap ng matino ang lint*k na 'to. Kabaliktaran ng ugali ko ang ugali niya, pero ewan ko ba kung paano ko natagalan ang isang katulad niya.

"Sana sa akin nagmana ang ugali ni Zayden hindi sayo."

"Shut up!"

"Ang taray mo talaga. Pero kahit na ganyan ka mahal kita."

"Mandiri ka nga. Ang tanda mo na ang landi mo pa rin."

"Sayo lang naman ako malandi. Hmm, hindi ako matanda. 40 years old na ako. But look at my face. Para lamang akong 30 years old. Pati rin naman ikaw parang 30 lang din." Napairap na lang ako.

"Ano ba ang problema mo kung hindi si Zayden at Shantal ang magkatuluyan? Alam mo ba, kapag si Zayden at Shantal abah! Mas lalo 'atang humahaba ang sungay ng anak natin. Hindi ko man nakakasama si Zayden palagi at hindi ko pa man nakikilala si Althea Ellez Valderoza pakiramdam ko nababawasan ang sungay ng anak natin. Nagiging asal anghel na anak natin hindi na asal demonyo. Hindi naman dahil sa ayaw ko kay Shantal. Pero ama ako. Ramdam ko kung saan masaya ang anak ko. Kung si Althea Ellez talaga ang gusto ng anak natin eh 'di kay Althea Ellez ako." Nagsalubong ang kilay ko. Pati ba naman siya boto sa babaeng 'yon. Nakakagalit lang!

"Si Shantal pa rin ang gusto ko. Wala kang magagawa."

"Bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal kay Shant__ Aray naman honey!" Kinurot ko nga.

"Shut up, Zan De Loughrey!"

"Opo." Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Napatingin ako sa paligid. Ang mga tauhan namin ay parang mga timang na nakatingin sa amin. Naitulak ko ang asawa ko palayo sa akin. Nakakahiya siya! Ang landi niya talaga!

"Ang sweet mo talaga." Nakangiting sabi ng asawa ko at kinindatan pa ako. Argh! Ewan ko sa kanya!

"Young master is here." Magalang na sabi ng isa naming tauhan. Umayos ako ng upo gano'n din ang katabi ko. We waited for our son to come. Mayamaya ay natatanaw ko na siya. His own men followed him. Well, ako ang nag hired sa mga 'yan. Ayaw na sana ni Brent dahil hindi naman niya kailangan. Pero gusto ko pa rin na nasa maayos na lagay si Brent. Siya na lang ang natitira kong anak and I don't want to lose him, too. It's too painful for me to lose a child. Ang bunso kong anak ay matagal ng nawawala. Ni wala man lang akong magawa para mahanap siya. Sometimes I just want to give up. But I'm a mother, umaasa pa rin ako na makakasama pa rin namin siya.

Nang ipinanganak ko siya laking saya naming lahat. Maging si Brent ay masaya rin. But an accident happened. Nagkaroon ng sunog sa ospital then nawala na lang siya ng hindi namin namamalayan. 7 years na ang lumipas until now ay umaasa pa rin ako na babalik siya sa amin. Ginagawa ko naman ang lahat para mahanap siya. Pero sadyang mabagal kumilos ang na hired kong investigators. Naka-ilang investigator na ako, pero ni isa sa kanila ay wala man lang lead sa nawawala kong anak. Kung may lead man sila ay puro naman fake! Damn! Wala man lang kuwenta. Pati si Zan hinahanap din ang anak namin. Pero katulad ko ay nabigo rin siya. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Napagtanto ko na wala man lang halaga ang mga pera at connection namin para maibalik ang bunso naming anak. Nang nawala siya, apektado talaga kaming lahat. Muntik na nga naming napabayaan ang saril namin noon pati na rin ang mga negosyo namin. Pero mabuti na lang at hindi kami nagpadala at nagpatalo sa lungkot at kahinaan.

Book 1: I'm Just His ExWhere stories live. Discover now