Kabanata 46

1.6K 52 4
                                    

[LIAM's POV]

"Did you find his site?" Tanong ko kay Reid sa pamamagitan ng tawag.

(Not yet fixed. I can't find his location. I think he lost the tracking device o baka may isang taong sumira nito.) Sagot ni Reid. May tracking device ang cellphone ni Zayden, but why can't we trace him? After kong ihatid si Thea sa bahay nila ay naging busy na kami sa paghahanap kay Zayden. Maging si Roux ay sinabihan din namin dahil kung saan-saan siya pumunta nang gabing 'yon.

"Argh! Ano ang gagawin natin?"

(Why don't you ask Shantal instead of asking me?) Tanong niya. (The villain were always coon.) Dagdag pa niya. Hindi na rin nagpakita sa amin si Shantal. Kaya iniisip ko kung nasaan na siya. Maaaring siya ang kumuha sa pinsan ko. I went to Zayden's domiciles, to the main hideout, hospitals, somewhere he goes, pero hindi ko rin siya nakita. I want to talk to Tita and Tito, but Zayden is unconformable with it. Lalo na kapag kinausap ko ang kanyang ina. I am also scared. Okay lang sana kung si Tito dahil kapatid siya ni mommy kaya ko pang pakisamahan, but not Zayden's mother. Ibang side na kasi siya. Mana si Zayden sa ina niya, haha. Magiliw ang mga De Loughrey (I am referring about my mother and Zayden's father) Pero ang mga asawa nila (My father and Zayden's mother) kulang na lang 'ata ay kilatisin ang buong pagkatao mo.

I sent a message to Thea, but she didn't reply. Damn! I'm worried about her! After talking to Reid, I dialed Shantal's number. Nakailang ring, pero walang sumasagot. Napipikon na ako! Ayaw kong malungkot ng sobra si Thea. I need to find Zayden, but how?

*****

Lumipas ang mga araw and Zayden was not yet found. Ang mga estudyante sa paaralan ay palaging nagtatanong kung nasaan na si Zayden at Shantal. Wala kaming ibang naisagot kundi 'hindi namin alam'. After nang nangyaring 'yon hindi ko man lang nakikitang pumasok si Thea sa school. Nakailang text at call na ako, pero walang sagot mula sa kanya. Gusto ko siyang puntahan sa mismong bahay nila, pero nando'n ang parents niya. Kapag hinahatid ko kasi siya noon maging ni Zayden ay hanggang sa labasan lang nila. We don't dare to enter inside their house dahil mula nang makilala namin si Thea hindi kami bulgar sa pamilya niya dahil na rin sa kung anong ugali mayro'n ang mga magulang niya.

Isa lang ang nakakapagtaka nang mawala si Zayden si Shantal ay nawala rin. Base na rin sa mga sinabi ni Thea nang gabing 'yon ay halata namang si Shantal din ang may gawa kaya nawawala si Zayden. Isa lang talaga ang problema, tuso si Shantal kaya hindi namin mahanap ang location niya at ni Zayden. Kapag isinumbong namin sila sa parents nila, I am sure wala silang pakialam dahil legal si Zayden at Shantal sa bawat pamilya nila. In fact may mga tiwala ang parents nila sa kanila bilang magkasintahan pa rin para sa mga mata nila. Hindi kasi alam ng pamilya nila at ng ibang tao na break na si Zayden at Shantal. Kaya wala kaming laban sa Shantal na 'yon ay dahil hawak niya sa leeg ang pamilya ni Zayden at ang ibang tao. Kung malalaman ng pamilya nila na nawawala si Zayden at Shantal ay okay lang sa kanila dahil iisipin nilang magkasama lang ang dalawa. Wala pa ring action na mangyayari. Zayden was still nowhere to be found.

Papasok na ako sa main campus, pero napahinto ako dahil may kaguluhang nagaganap. Tila may binu-bully na isang estudyante. I tried to recognize her face, pero hindi ko makilala dahil nakaupo siya sa sahig, nakayuko, puro harina ang katawan at binabato siya ng itlog ng mga estudyante.

"MALANDI!"

"MANG-AAGAW!"

"GOLD DIGGER!"

"WHORE!"

"BITCH!"

"MALAS!"

Book 1: I'm Just His ExWhere stories live. Discover now