XXXXI

30.5K 731 603
                                    

Chapter 41.

HINDI ako makapaniwalang nagbalik na daw si Duke Palermo. Pagkatapos ng pitong taon?! Seriously? Pagkatapos, anong balak niya? Suyuin si biatch or kunin si baby biatch?

Kung inaakala niya na magiging madali iyon. Nagkakamali siya. Kami ang makakalaban niya.

"Bakit nakasimangot ka?"

Nag-angat ako ng tingin kay Kensh. Narito kami sa kwarto ko. May binabalak na naman kaming masama.

"Naiinis ako sa kaibigan niyong bumalik na daw. Ang kapal ng mukha."

"Ah, si Duke. Wala e, gago."

Mas sumimangot ako. "Huwag na huwag siyang lalapit kay biatch! Akala niya ganoon lang kadali iyon? Aalis siya ng ilang taon tapos babalik na parang walang nangyari? How dare him!"

Inakbayan ako ni Kensh.

"Kalma na, baba. Humahaba e."

Sinamaan ko ng tingin si Kensh. "Anong sabi mo? O, kita mo na! Sabi na nga ba sinabi mo lang na endearment 'yung baba pero tingnan mo, pinupuna mo na naman ang baba ko! Sabi mo mahaba!"

Tumawa si Kensh. "Pwede namang dalawang meaning, ah."

Ang galing. Kilig na kilig pa naman ako noong sabihin niya na endearment lang 'yung baba. Double meaning pala. Inaapi pa rin niya ang baba ko hanggang ngayon.

"Hindi kita sasagutin." Sabi ko. "Huwag ka nang manliligaw sa akin."

"Wow, Frey. Ikaw lang naman nagpilit sa akin na ligawan ka. Ayaw mo akong sagutin pero 'yung mga ginagawa natin, parang tayo na rin."

Alam kong namula ang mga pisngi ko. "E, paano nakalimutan mong noong bumalik ka teo years ago, sabi mo gusto mo akong ligawan! Sabi mo liligawan mo pa rin ako! Kaya pinilit kita kasi pinaalala ko lang. Ikaw talaga ang may gusto no'n."

"Oo nalang, Frey."

"Nakakainis ka talaga. Magpaligaw nalang kaya ako kay shingshangshung?"

Sumeryoso ang mukha ni Kensh.

"Akala ko ba may asawa na?"

"Duh, may asawa na siya pero sabi niya hiwalay na daw sila. At syempre for sure, ako pa rin ang gusto niya until now."

Bigla akong itinulak ni Kensh sa kama dahilan para mapahiga ako. Ang wild naman niya.

Pumaibabaw siya sa akin. "Anong sabi mo?"

Ngumuso ako. Napakabilis  aman niyang mainis. "Sabi ko hiwalay na si shingshangshung sa asawa niya kaya..."

"Kaya ano?" Aniya saka ko siniil ng halik. Ang sherep talaga niya kaya tinugon ko iyon.

Napaliyad ako nang maramdaman ko ang paggala ng kamay niya sa dibdib ko.

Gusto ko talagang iniinis si Kensg kasi binabalibag niya ako sa kama kapag gan'on.

Nang maghiwalay ang labi namin ay tiningnan ko siya sa mga mata. He's being serious now.

"Suck my boobs, Kensh." Utos ko.

Umiling siya bagkus ay hinalikan niya ako ulit sa labi ko.

Mababaliw ako sa ginagawa ni Kensh. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming magligawan and all dahil nagagawa na namin ang bagay na 'to. Kami na naman talaga dapat pero ewan ko ba kung bakit wala kaming label.

Mahal naman ako ni Kensh e. Pero pakiramdam ko minsan, hindi na. Baka sa ilang taong lumipas, baka nawala na iyong nararamdaman niya noon sa akin. Baka sa paghahanap niya sa sarili niya sa Japan, baka na-realize din niyang hindi talaga niya ako mahal.

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon