XXIX

38.5K 1.3K 395
                                    

Chapter 29.

NAKATINGIN ako sa salamin. Pilit kong hinahanap ang pagbabago sa mukha ko. Alam kong hindi na ako normal. Ibang iba na ako kumpara dati. Alam kong may malaking magbabago sa itsura ko. Hindi na yata ako mortal. Tao pa ba ako? Hindi ko na masiguro.

Punyeta! Punyeta talaga normal pa ba ako? Hindi na ako virgin, oh my! As in totoong totoo na. Nagkasya at kinaya! Sabi nila, blooming daw kapag ganoon, tapos nasarapan pa ako. Ano ba! Pakiramdam ko ang pula pula ng mukha ko dahil naaalala ko iyong ginawa namin ni Kensh. Tapos nagpa-flashback pa iyong image ng banana niya a maputi. Ugh, this is crazy! Maloloka ako!

Tatlong oras na yata akong nakatitig sa salamin para hanapin iyong changes pero wala naman. Feeling ko talaga, dalagang dalaga na ako.

Lumabas na ako ng kwarto ko saka bumaba. Naabutan ko si Papa na nagka-kape sa living room. So he's here. Hindi ko man lang naramdaman na umuwi siya.

Gusto kong ipagsigawan na hindi na ako virgin and it successfully made by Kenshin! Sabihin ko kaya sa Dad niya? Ayawan pa kaya niya ako? Iyong tatay niya na 'yon, kung maka-ayaw sa akin, akala mo ang gwapo e.

"Hi, Papa!"

"Freya Cybel, let's talk."

"What is it?" Umupo ako sa couch katapat ng inuupuan ni Papa.

"I just want to know how are you. Ayaw mo ba talagang mag-trabaho sa company natin?"

Umiling ako. "Sorry, Papa pero sayang ang ganda ko sa company like I'm not into business. Masaya ako sa modeling."

"Are you sure?"

"Of course, 'Pa! Masaya ako sa work ko."

"How about your life? May boyfriend ka na ba? How's the guy na pumunta dito before? Is he your boyfriend. Papakasalan ka ba niya?"

"Papa naman!" Sumimangot ako saka kinuha ang ini-serve ng yaya ko na coffee with milk and cinnamon smell.

"Mukha siyang mabuting lalaki. Boto ako sa kaniya, iha."

"He's not my boyfriend. He's just my friend saka may iba akong gusto."

Tahimik na nakamasid si Papa. "As long as your happy at hindi ka sinasaktan, I'm okay with it. Alam kong may pagkukulang ako sa 'yo dahil hindi ako palaging nakagabay sa 'yo. Kaya alam ko rin na wala akong karapatang pagbawalan ka sa mga bagay na nagpapasaya sa 'yo."

"Papa."

"Huwag mong kakalimutan, iha. Wala man ako palagi sa tabi mo, you can always call me anytime you need me. Kahit alam kong kaya mo ang sarili mo. You've grown up so much. You were my little princess, and now you're a fully grown lady."

I smiled at him. "Don't worry, Papa. If I need you, I will call you of course!"

"Just stay like that, iha. Just keep smiling. Hangga't nakikita kong masaya ka, panatag ang loob ko."

Minsan lang kami mag-usap ng ganito ka-seryoso ni Papa. Madalas ay pinipilosopo ko lang siya at para lang kaming magka-barkada kung mag-usap. But now, naramdaman kong we're talking as a father and daughter.

Tumayo na ako. "I'm super happy, Papa. You know why?"

"Why? Dahil ba na-touch ka sa mga sinabi ko, anak?"

I chuckles. "Of course not! Papa..."

Dahan dahan akong maglakad palapit sa main door.

"I'm not a virgin anymore! Omg! Baka anytime soon, magka-apo ka na! Byeeeee!"

Mabilis akong tumakbo palabas ng mansyon.

"FREYA CYBEL! IKAW NA BATA KA!"

Sumakay agad ako sa kotse ko saka lumabas. Baka mahabol pa ako ni Papa. I never thought I'll be proud of it. E kesye nemen, iba ang feeling!

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon