XXXX

15.7K 570 117
                                    

Chapter 40.

Seven years later...

HABANG pinagmamasdan ko ang paligid ay na-realize ko na ang bilis pala ng panahon. Sa loob ng pitong taon na lumipas, napakaraming nangyari.

"Tita biatch, hindi na naman po kayo nakikinig sa akin. Tita ko po ba talaga kayo?"

I took a deep breath saka inalis sa isipan ko ang mga nangyari. Narito kami sa park, kasama ko ang anak ng bestfriend kong si Cherrypink.

"Alam mo, baby biatch, ganito talaga ang magaganda. Madalas matulala."

Ngumuso siya. "Hindi ka naman po maganda e."

Aba talaga naman ang batang 'to! Pagkatapos kong tulungan ang nanay niya sa pagpapalaki sa kaniya

Actually, matinding patience ang ginawa ko habang nagpapalaki kami kay Arisse Chandria. Para na rin kaming magulang niya, isa pa, hindi ko alam kung saan ba talaga nagmana ang batang 'yan. Nakakaloka dahil kakaiba ang ugali niya.

"Halika na, uuwi na tayo." sabi ko.

Humawak siya sa kamay ko. Walking distance lamang ang park na ito mula sa building kung saan kami nakatira. Mula nang ipanganak si Arisse ay doon na rin ako tumira sa condo unit ni Drake na ibinigay na niya kay Cherrypink. Syempre, wala naman kasing asawa si biatch so I really need to stay with them lalo na at may Arisse Chandria na. Hindi ko naman hahayaang nalang basta ang bestfriend ko lalo na at alam kong ako lang ang aasahan niya.

"Tita biatch, pupunta po ba si Tito Sperm?" tanong niya habang naglalakad kami.

Nakakatuwa naman na dalawang taon niya lang nakasama si Kenshin pero close na close na agad sila. Parang mas close pa nga sila kesa sa amin. Well, narito pa naman noon si Kenshin noong ipinanganak siya.

Two years ago nang bumalik si Kenshin dito sa Pilipinas galing sa Japan. Naalala ko pa ang huling pag-uusap namin noon bago siya umalis, six years ago.

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko habang nakatingin sa maleta ni Kenshin.

"Baba, huwag ka nang umiyak. Paano ako aalis niyan?"

Pinunasan ko ang luha ko. "Bakit kasi... Bakit kasi kailangan mo pang umalis? Okay naman tayo 'di ba? Masaya na tayo. Mahal natin ang isa't isa. Ano pa bang kulang?"

"Nag-usap na tayo 'di ba? Masaya nga tayo, mahal natin ang isa't isa pero may kulang. May kulang pa dito sa bahagi ng puso ko na kailangan kong hanapin. Hindi ko gustong umalis pero para sa atin din 'to, Frey. Gusto kong maging ganap na lalaki para sa 'yo. Iyong walang mabigat dito sa dibdib ko tungkol sa Mama ko at lalo na ang psychological  problems ko. Gusto kong ayusin lahat..."

"Pwede namang magkasama tayo na haharapin 'yan 'di ba? Pwede naman na tulungan kita?"

Umiling siya. "Frey, gusto kong hanapin ang sarili ko. Sino ba talaga ako, ano ba talaga ako, bakit may dual personality ako, bakit... ang daming 'bakit' sa isip ko at gusto kong hanapin iyong mag-isa dahil ako lang naman ang makakatulong sa sarili ko."

Lalo akong naiyak. Sobrang attached ko na kay Kenshin na tipong halos palagi kaming magkasama. Ilang beses na nga kaming nagchukchakchenes e at ngayon, aalis siya.

"Hindi ko alam kung ilang taon akong mawawala pero gusto kong ipangako sa 'yo na sa pababalik ko, maayos na ako. Maayos na ang buong pagkatao ko at pwedeng pwede mo na akong ipagmalaki sa kahit kanino."

"Kenshin naman... kahit naman ngayon, kaya kitang ipagmalaki."

"Alam ko, baba. Cheer up. Gust ko ring gamitin ang pagkakataon na ito dahil ngayong nanganak na si Cherrypink, alam mong ikaw lang ang makakatulong sa kaniya. Lalo na at itinakwil na rin siya ng mga magulang niya, mas kailangan ka niya, Gusto kong maging busy ka habang wala ako. Gawin mo ang mga bagay na gusto mo at nagpapasaya sa iyo nang wala ako. I want you to be genuinely happy, baba. May tamang panahon tayo."

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon