XXXV

36.9K 838 253
                                    

Chapter 35.

HINDI pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Hindi ko alam kung paano ako makaka-move on. Para kasing ayaw tanggapin ng isip ko na naging ganoon si Daryl.

He used to be the perfect guy, the ideal man...

"Nobody's perfect naman kasi talaga, biatch."

Tumingin ako kay Cherrypink. She's eating a whole bucket of chicken from Jollibee. Tumakaw siya ngayon. Feeling ko talaga tataba na siya at talagang wala nang pag-asang bumalik pa ang Duke na 'yon na masarap idukdok!

"He was an ideal man..." para akong wala sa sarili. Hay, sayang talaga siya.

"Akala ko rin talagang ideal man siya, biatch pero napansin ko na rin naman na parang he's too good to be true. And boom, fake nga pala. Wala na talagang perfect na lalaki sa mundo. Lahat, manloloko! Mga walang kwenta! Walang balls!"

Sa halip na lulong pa rin ako kakaisip kay Daryl ay bigla nalang akong napahagalpak ng tawa.

"May pinaghuhugutan?" Sabi ko. "No, no, no. Huwag mong lahatin. Si Kensh ko, siya nalang ang natitirang lalaki na hindi alam ang word na pambababae or panloloko 'no!"

Naalala ko na naman kung gaano ka-cool si Kenshin kahapon. Pero may takot din sa dibdib ko nang makita ko iyong dark aura niya noong binaril niya nalang basta si Daryl. I never thought na magagawa niya ang ganun but he did, for me. Kilig na naman ang lola niyo!

Isa na namang egg cell ko ang nanginginig sa kilig at nag aabang na sa sperm cell niya. Landi ko!

"I mean, almost! Halos lahat. Bihira nang makahanap ng lalaking hindi ka sasaktan at lolokihin kaya kapag nakahanap ka ng ganoon, push na biatch, huwag na pakakawalan."

"Magpabuntis na kaya ako biatch?" Tanong ko.

"Baliw ka talaga. Ano, inggit ka lang sa akin kaya gusto mo ring mabuntis?" She rolled her eyes. Kung hindi talaga siya buntis, sasabunutan ko siya.

"Hmm, hindi naman. Feeling ko kasi wala na akong ibang lalaking magugustuhan. Alam mo 'yung feeling na parang siya na 'yung nakikita mong makakasama mo habambuhay? I wamt him so bad, biatch."

Natakam ako sa pagkagat niya sa chicken joy.

"Ang tanong, ready na ba na mag-settle down si Kenshin? We all know na parang may issue pa siya sa sarili niya. Saka may times pa rin na childish siya. And remember, may Chirae pa na kumakapit kapit kay Kenshin. Letseng babae 'yon, hindi ako makamove-on doon sa tanong niya sa akin before na kung busog lang daw ako." Napailing siya. "Iisipin ko talagang kapatid siya ni Kenshin dahil sa ugali niya."

Bigla akong napaisip. Ang saya saya ko na sa feeling ni Kenshin at nakalimutan ko nang may mapagpanggap pa nga palang babae na ume-epal sa amin. Hamunin ko na talaga ng sabunutan ang babaeng 'yon! Feeling maganda, pwe!

"Alam mo biatch, hindi ko na nga sure kung ganoon talaga ugali niya or talagang mapagpanggap lang siya." Sabi ko.

"Huwag judgmental, biatch. Malay mo naman ganoon talaga siya."

I rolled my eyes. "Kung ganoon, e'di likas na nga siyang mukhang tanga. Stupid."

Normal ba sa ibang tao ang maging ganoon ka-inosente na medyo bobo? Kay Kenshin, normal e. Alam mong walang pagpapanggap pero 'yung sa babaeng 'yon, arghhh nanggigigil ako!

"Psh, biatch! Tigilan mo nga ang mga bad words. Maririnig ng baby ko sa tummy ko. Jusko, ayoko siyang lumaki na nagsasalita ng mga ganyang word. I want her to grow up like a real angel. Iyong napakabait, parang ako lang."

"Kwento mo sa dick ni Duke na walang balls. Eww, duh!"

"Don't mention his name. Nasusuka ako." Sabi niya.

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon