XXX

33.2K 1.2K 642
                                    

Chapter 30.

HINDI pa rin gustong mag-sink-in sa utak ko ang mga nalaman ko. Bakit ganoon? Bakit kung sino pa 'yung mga taong may mabubuting loob, sila pa 'yong nakakaranas ng ganito? Bakit sila pa? Ang dami dami namang mga taong masasama tulad ng mga magnanakaw, rapist at kung sino sino pa pero tumatagal ang buhay nila. Bakit 'yong mga tao pang tulad ni Daryl? They deserve to live longer.

Kinalma ko ang sarili ko. Pilit kong itinatak sa isip ko na hindi ko dapat ipakita kay Daryl na apektado ako o malungkot ako dahil sa nalaman ko. Ayokong ako na naman ang iisipin niya. Gusto ko, siya naman. Sarili naman niya. Palagi nalang niyang iniisip ang kapakanan ko.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto kung saan naroon si Daryl. Narito kanina ang family niya at hinayaan ko muna silang mag-usap sa loob. He's awake at sinadya kong hindi muna magpakita. Hindi naman kasi niya ako girlfriend para magkaroon ng karapatan na tumigil sa tabi niya.

I still want him to have a moment with his family. Kani-kanina ay nagpaalam ang pamilya niya sa akin. I introduced myself as Daryl's friend. Nagpasalamat sila sa akin and they told me that Daryl asked them to go home. Alam nila ang situation ni Daryl and based to what thay said, matigas daw ang ulo niya at ayaw tumigil sa pagta-trabaho kahit hindi naman niya kailangang magtrabaho. Ayaw din niyang nakikitang apektado ang pamilya niya sa sitwasyon niya kaya pinauwi niya ang mga ito.

Daryl is such a nice person. Mas iniisip pa rin talaga niya ang kapakanan ng iba kesa sa sarili niya.

Huminga ako ng malalim saka pilit na ngumiti. Lumapit ako sa kama ni Daryl. He's looking at the window. Agad naman siyang napatingin sa akin nang makalapit ako sa kaniya.

I sat on the chair beside him.

"Cybel..."

"Ah, sorry, kakarating ko lang ulit. I had things to do kasi. How are you feeling? Bakit ka raw nahimatay?" I lied. It's not my intention but I don't want to show him pity. Ayoko ring makita niyang nag-aalala ako dahil alam kong mas mag-aalala siya.

He smiled from ear to ear. Hindi ko alam kung paano noya nagagawang ngumiti sa kabila ng kalagayan niya.

"Overfatigue. You know, marami akong tinapos na trabaho. One week yata akong palaging puyat dahil sa trabaho. I didn't know na napabayaan ko na ang sarili ko." Bahagya pa siyang tumawa.

He's lying. Why...

"Damn this..." aniya pa sa mga nakakabit sa kaniya. "The doctor said that I need to stay here for a week. Damn, okay na naman ako pero ayaw akong payagn ng doctor. He said that i need a break from work."

Daryl, why...

Ngumiti ako pero deep inside, gusto kong umiyak at sabihin sa kaniya na hindi niya kailangang magpanggap na okay lang siya. He's dying! He's freaking dying!

"Hey, are you okay? Umiyak ka ba? Anong nangyari?"

Napalunok ako. "We had a fight. Ah... Kenshin and I had an argument and yes, that's it. Sanay na naman ako." Again, I lied.

"Minsan, gusto ko na siyang suntukin para matauhan siya. Sinasayang niya ang babaeng pinapangarap ng iba."

"Daryl..."

"Oh, so you're calling me by my name."

Ang hirap palang ngumiti habang mabigat iyong nararamdaman mo. "Shingshangshung, okay?"

I can't do it. Parang hindi ko kayang magpanggap na wala akong alam. I want him to know that I'll be here with him. I won't let him be alone. I will stay with him while fighting with his cancer.

TWO FACETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon